CHAPTER 20

66 3 1
                                    

Badtrip akong umuwi sa condo. Hindi talaga mawala sa isip ko si Hazel at ang kakapalan ng mukha nya.

"Oh anong gusto nyang mangyari? Pupunta ako don ang maging Ninang ng anak nila ng Eex ko?" Kwento ko kila Jess at Lors, nag v-video call kami habang nagluluto ako.

"Baka ganon ka ka importante kaya inimbitahan ka." Tawang tawang sabi ni Jess.

"Or gusto ka lang inisin ng bruhang yon." Dagdag naman ni Lors.

"Grabe ilang taon na mga hindi pa sila maka moved on. Nananahimik na ako." Inayos ko yung table, nilagay ko yung pinggan, baso at kutsara't tinidor.

"Baka walang special sa buhay nila kaya nanggugulo sya." -Jess

"They should be happy by now, may anak na sya at pamilya kay Kier." Komento naman ni Lors which is true.

"Bahala sila. Osge na, bukas nalang malapit na si Dylan mag hahain lang ako." Pinatay ko na ang tawag. At naghain na.

Maya maya pa ay dumating na si Dylan, naka white longsleeves sya na nakatupi hanggang siko nya at bukas na ang isang butones nito sa itaas. Ang gwapo nya kahit halatang pagod sya.

"Imissyou Love!!!" Nilapitan ko sya at niyakap. Niyakap nya rin naman ako sa bewang. Sobrang higpit.

"Na-miss ko 'to. Kain na tayo love? Mukhang masarap ah." Naupo na sya. Pinaglagyan nya ako ng ulam at kanin.

"Lahat naman ng luto ko masarap." Biro ko sa kanya. Hinayaan ko lang siyang kumain.

"Kamusta work Love?" Tanong ko.

"Okay naman Love. Last meeting tom and rest day kinabukasan." Ngumiti sya at may gustong iparating.

"Should I file a leave?" Tanong ko naman.

"Kung marami kang trabaho, then don't. Dun nalang ako sa office mo habang nag tatrabaho ka." Suggestion nya.

"I can skip a day. Isang araw lang naman kayang kaya kong bawiin." Sabi ko naman.

"Hindi yan ang Elle na nakilala ko. Hmmmm, bakit?" Malambing nyang tanong.

"Eh kasi naman yun nalang rest day mo, gusto ko lang naman kasama ka maghapon." Nag iinarte pa ako ewan ko kung kakagatin nya.

"Okay fine. Let's date." Sabi nya at pinisil ang pisngi ko.

Kinwento ko kay Dylan yung chat sakin ni Hazel, nag k-kwento naman ako palagi sa kanya ng mga ganap ko sa buhay. Nakikinig lang sya habang nagkkwento ako at natawa sya sa part na sinabi kong iniimbitahan nya akong maging Ninang.

"Hayaan mo nalang siya, gusto ka lang sigurong inisin." Komento nya sabay uminom ng tubig.

"Should I chat her back? Ayoko?" Tanong ko sa kanya.

"Huwag na. It's not like you two are close. Bigla bigla nalang nga sya nagparamdaman ng ganon." Ramdam ko ang hesitant sa mata nya. Hinawakan nya ang kamay ko. "Love I need to tell you something." Panimula nya, biglang nag ring yung phone ko kaya nagpaalam akong sasagutin ko lang saglit.

"Yes Ma'am?" Tanong ko sa isang client namin na makulit.

"Ms. Elle, ito pong affidavit of support may format po ba kayo nito?" Halatang bago palang siya mag aapply.

"Ma'am pagpunta nyo po sa notary public ay may format na po sila doon." -Me

"Ganon ba, ilang months ba ang kailangan sa bank statement? Meron kasi ako dito kakakuha lang pero 3months lang ito.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon