CHAPTER 23: Basketball

263 4 0
                                    

Nang nandito na kami ni Mela sa gym. Grabe makatili ang mga babae parang walang bukas. Ang ingay! Hindi pa nga nagsisimula ang game. Ang OOA lang nila ha.

"Prend doon tayo sa pinakaunahan.. Ayun oh! Wala pang nakaupo. Tara, dali!" excited na sabi niya.

"Eh?" hinila niya na ako. Atat talaga to. Masiyado naman kasing malapit dun.

Wala naman akong magagawa sa babaeng to. Umupo na kami. Dito kami sa pinakaunahan para daw kitang-kita yung crush niya. Malapit kasi kami kung saan nakapwesto yung team nila Chad. Grabe talaga tong bestfriend ko, patay na patay kay epal.

After 10 minutes..

Nagstart na. May sumayaw muna na mga cheer dancers. Kasama dun sila Angel, Pam, Keith, Bell, at Ashly. Grabe ang sesexy nila at ang gaganda. Walang wala ako sa kanila.

Nang matapos na silang sumayaw. Lumabas na ang mga team nila Chad at yung mga kalaban nila. Kaya lalong lumakas ang sigawan ng mga babae. Nakakabingi! Nakakairita.

Si Mike kasali pala sa team nila Chad at yung dalawa hindi ko na kilala. Kilala ko lang dun sila Kent, Chad, Ivan at Mike.

"Mela, sino yung kalaban nila?" I asked. Siyempre palagi yan updated. Kaya alam niya yan siyempre.

"Asian Academy!" oh see? Sabi ko sa inyo eh.

Sa school na to pumapasok ang kuya ko.

May mga sumisigaw din na "GO ASIAN ACADEMY" pero talo pa din sila sa sigaw ng East Wood High School. Nasa lugar namin sila eh. Mas marami kami. Bwhaha!

"Ang gawpo mo talaga Mike!"

"Go Paulo my loves!"

"Brent akin ka na lang!"

"Chad ang gwapo mo! I love you Chad my loves! Go! Go!"

"Go babes Ivan!"

"Wuhooo! Kent huwag ka magpapatalo. Nandito lang ako! Susuportahan kita! Go Kent my loves!"

Yan ang palagi nilang sinisigaw. Grabe lang talaga sila ka-supportive ha. Si Paulo at Brent pala yung hindi ko kilala kanina six silang members sa isang team at ganun din sa kalaban. May mga players din sa bleachers nila siguro yun yung sub.

Nang tingnan ko si epal, may hinahanap siya. Sino naman hinahanap ng abnormal na to? Nang nakita ko siya tumingin kay Angel. Bigla agad ngumiti si Angel at ganun din si Chad. Anong meron? At kailangan pa talaga nila mag-ngitian?! Ugh. Bakit ba ako naiinis?

Iiwas na sana ako ng tingin ng tumigin siya bigla sakin at kumaway. Hindi ko siya pinansin at inirapan ko na lang siya. Kainis eh.

"Hoy gaga! Tawag ka ni Chad oh." ngumuso siya.

"Ha?" tumigin nalang ako. Para hindi niya mahalata na naiinis ako. Bakit ba? Tsk. Bakit ba ako naiinis?! Ewan. Nababadtrip ako. Sumenyas siya na doon daw ako umupo.

Pwede ba dun?

"Uy, dun ka daw umupo oh. Yiiie! Kinikilig ako." Halata nga tong kinikilg kasi naman nangingiliti.

"Ha? Hindi ba bawal dun?" ang alam ko dapat players lang ang pwede umupo dun at coach nila.

"Pwede yan.. tingnan mo nga yun oh, yung kalaban natin katabi nila mga girlfriends ata nila yun." Tiningnan ko yung tinuro niya. Oo nga no. Pero.. naiinis pa din ako! Aaah! Bakit ba ako naiinis? May dapat ba ako kainisan?! Wala naman diba? WALA!

"Pero.. kasi naman.."

"Sige na!" at tinulak tulak niya pa ako. Pinagtatabuyan niya na ako. Ganon?

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon