Chapter 14

188 20 0
                                    


Ayisha's POV



"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko kay Lance pero inismiran niya lamang ako.


Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to. Akala ko pa naman ay ako lang at si Harley ang nasa loob ng sasakyan, akala ko pa naman masosolo ko si crush.


"Actually Ayisha, kanina pa si Lance na naka-upo diyan, akala ko nga napansin mo," saad ni Harley at napangiwi na lamang ako.


Hindi ko siya napansin kaya akala ko talaga kaming dalawa lang ni Harley sa kotse niya at tsaka wala naman akong pake sa lalaking 'yan kaya bakit ko pa siya bibigyan ng atensyon.


"Siya nga pala. Bakit nandito ka? Diba may kotse ka? Bakit hindi mo gamit at hindi ka doon nakasakay?" Tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at inirapan.


"Nasira ang kotse ko," sagot niya at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana at hindi na muli kaming pinansin.


Saglit pa kaming nagkatinginan ni Harley at nagkibit lamang ng balikat.


Hindi ko in-expect na magtatagalog si Lance ngayon pero kow parin ang pronunciation niya sa 'ko' pero ayos na 'yon ang importante nag-improve siya.


Buong biyahe namin ay tahimik lamang kami pero pakiramdam ko ang bagal ng oras at ang tagal ng biyahe. Bakit tuwing hinahatid ako ni kuyang driver ay mabilis ang biyahe at mabilis akong nakakarating sa school. Depende ba 'to sa sasakyan na ginagamit?


Habang nasa biyahe kami ay pa-simple kong binuklat ang libro ni Lance at tahimik na nagbasa pero dilang mother earth naman pero wala talagang pumapasok sa utak ko.


Mukhang babagsak ako nito sa evaluation. Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon malakas ang kaluluwa ko kaya kakayanin ko 'to lalo pa at ang ganda ko ay mala-dyosa.


Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa Royal Marchand University at mabilis naman na lumabas si Lance sa kotse at napansin ko naman ang mga babae na nasa gilid ng gate na nag-iintay at gustong lapitan si Lance.


Lumabas na rin ako sa kotse ni Harley dala ang aking bag at libro. Nauna na akong pumasok at sinabayan naman ako ni Harley sa paglalakad habang si Lance naman ay nasa likod ko at nakapamulsa.


Dahan-dahan akong napahinto sa paglalakad at nakita ko doon si Ate Talia na mariing nakatitig sa akin at ibinaling kay Harley ang atensyon.


"Harley sa field ulit tayo mamayang five o'clock," saad ni Ate Talia at dumaan sa aking gilid at nagulat ako ng banggain niya ang balikat ko.


Lilingon na sana ako para tingnan si ate pero nakita ko si Lance na nakatingin sa akin at magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Nakita niya ba?


Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon