EPILOGUE
3 Years Later
Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang pag-iisang dibdib nina Nancy at Ivan.
Bakas sa mukha ni Nancy ang kaba at kasiyahan sa espesyal na araw na magaganap ngayon. Ngunit kahit na ganon ay napakaganda nito sa kaniyang suot na puting bridal gown. Simple lamang ito ngunit napaka-elegante kung ito ay iyong makikita.
Maraming dumalo upang masaksihan ang pinaka bonggang kasalan ngayong taon. At ang usap-usapan sa media na talaga namang pati karatig bansa ay sila din ang bida.
Natuloy ang divorce makalipas ang mga nangyari nung nakaraan at naging mabuti na ang lagay ng company. Si Justin ay lumipad papuntang New Zealand at doon muling nag-umpisa.
Matapos ang dalawang taon ay may nakilala rin itong babae. Isang may-ari ng Flower shop at ito'y nabighani sa maganda nitong mga ngiti at makalipas lamang ang ilang buwan ay naging mag-nobyo ang dalawa.
Si Jessica naman ay naikasal na din sa isang Hapon at may anak ito sa unang asawa ngunit namatay din ito pagkatapos maipanganak ang bata. Tanggap naman niya ito at masaya siya sa piling ng mag-ama.
Sa ngayon ay nagpapasalamat si Nancy dahil natapos din ang mga bumabagabag sa kaniyang isipan at ang mga problema, sa ngayon nga'y masaya ito sa mga nangyayari kasama si Ivan.
Masaya ito sa kinahahantungan. Labis na kagalakan ang kaniyang nararamdaman. At isa na nga ang araw na ito. Ang makasal sa taong mahal niya at totoong mahal siya.
Hindi mawari ang mga pangyayari sa kaniyang buhay noon at ganoon na lamang iyon kabilis lumipas. Tila hindi pa rin siya makapaniwala na magtatapos ito sa magandang kinahihitnatnan.
Nais niyang ipagpasalamat sa Diyos ang lahat. Ang pagiging matatag at malakas niyang sinuong ang malaking tinik sa kaniyang dibdib. Ang mga problemang hindi niya inaasahang darating sa kaniya ay sa wakas masusugpo na.
Nabalik siya sa kaniyang ulirat nang marinig ang pinakahihintay niyang marinig at nakangiting hinarap ang kaniyang bagong asawa.
"You may now kiss the bride."
T H E E N D
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Romance"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...