Chapitre 12

45 4 2
                                    

Belated Happy Birthday Janelle Reyes!!!!💜

And also, Happy Birthday Abigail Joy Calison!!!!❤


Chapitre 12

Flaws

Tulad kahapon ay maaga akong pumasok kinabukasan. Ngayon ang unang araw na tutulungan ako ni Max sa project ko. 9am ang napag-usapan naming oras sa Library. Alas-otso pa lang. Sinabi niya na 7 pa lang ng umaga ay nasa school na siya dahil sa training nila. Kaya siguradong sa mga oras na 'to, nasa school na siya.



Pumayag ako sa offer ni Max. Pero siyempre, hindi ako pumayag na wala akong ibibigay o ipapalit sa tulong niya.

May agreement kami na ako ang bahala sa lunch niya after naming gumawa sa library. Ayaw niya pa nga noong una pero siyempre, hindi naman ako walang hiya para hayaan siya.



"It's okay, Ram. Hindi na kailangan---"



"Hindi." Pigil ko sa kanya. "Ibigay mo na sa akin 'to, please? Ilang pabor na ang ginagawa mo sa'kin. Ako, wala pa. Nakakahiya..." Mahina ang boses kong sabi.



Minessage ko siya pagkauwi ng bahay nang marealize kong makakain ng pagtulong niya sa akin ang oras niya para sa training.



Ako: max pano pala yun? May training kayo sa umaga diba?

Max: that thing can wait, Ram

Max: tsaka nasabi ko na rin naman sa coach namin kaya it's okay already.



Nagpaalam ako kay Daddy at Mommy tungkol doon kagabi. Pumayag naman sila at tuwang-tuwa pa si Mommy. Halatang gustong-gusto niya talaga si Max at hindi ko alam kung bakit.



Hindi ko sinabi kila Kuya. Siguradong hindi nila ako papayagan! Wala naman kaming masamang gagawin ni Max. Tutulungan niya lang ako at 'yun lang 'yon!



Mag-isa akong pumasok ng backgate ng school. Hindi ko sila kasama kasi hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol dito. Baka gayahin nila at boom, lagot kami kay Ma'am.




Tahimik akong naglalakad sa gitna ng magkaharap na building ng mga Grade 7. Recess na nila kaya sobrang ingay ng paligid. Marami akong taong nakakasalubong na may mga dalang pagkain na mukhang kagagaling lang sa kantina. May ilan pang naghahabulang mga estudyante na nagtatawanan at mga grupo ng mga babae na sabay-sabay na naglalakad. May mga bumabati rin sa akin ng ilang mga kakilala at ilang mga hindi. Tinutugon ko naman sila ng ngiti at tango. Karamihan sa kanila ay 'Hi Ate Ram!' ang sinasabi.



Habang naglalakad ay tahimik ko silang pinagmamasdan. Umiiwas ako sa maraming tao dahil baka mabangga ako. Nang makarating sa tapat ng CR na nasa mini-forest, natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pag-uusap ng mga babae. Nasa harap sila ng CR ng babae at magkakaharap.



"Oo, maganda nga, wala namang utak. Bobo raw 'yun!" Anang isang babae. Hindi ko sila makita dahil sa pader na nakaharang.



"Baka nga pinilit lang 'yun sa section nila ng nanay niyang teacher eh." Tumawa ng malakas ang isa pang babae. "Kawawang bata. Beauty without brains." Aniya at nagtawanan silang lahat.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa narinig.



"'Diba 'yung dalawang Kuya niya, matatalino? Ang gagwapo rin no'n! Ano kayang nangyari sa kanya?"



"Baka ampon." Nagtawanan ulit sila ng malakas.



Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko at sobra akong kinakabahan.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon