( Kabanata 14 )
Lumipas ang gabing iyon. Kinabukasan ay muling nagkita-kita ang magkakaibigan, kasama si Dwight. Ngunit bago pa man sila magtungo sa lugar kung saan sila nagsasanay ay pinigilan na sila ni Dwight.
"Halos pagsasanay na ang umukopa sa buong araw natin, wala bang bago?" tanong ni Dwight.
Nagsulobong ang kilay nang apat pa dahil sa pagtataka.
"Ibig kong sabihin ay... pahinga." nagkibit balikat sya, "Kailangan natin ng pahinga. Ikaw Miracle, kailangan mo ng pahinga." bumaling sya kay Miracle.
"Wala akong matututonan kung magpapahinga lang ako." seryosong sagot ni Miracle.
"Tama si Dwight." ani Elinor, "Anong klaseng pahinga ba?"
"Maligo tayo sa ilog, o kaya naman ay sumubok tayo ng iba pang mga bagay." ani Dwight, nangungumbinsi.
"Sa ilang taon na nagsasanay kami ay hindi kami nagreklamo. Hindi ka pa nagtatagal sa amin, ngunit gusto mo na agad ng pahinga." mapakla ang pagkakasabi non ni Isaac.
Kinakitaam ng kaunting inis sa mukha si Dwight ngunit agad iwinaglit.
"Ang ibig sabihin sa akin ng pahinga ay tulog, kung hindi pagtulog ang gusto nyong gawin ay huwag na tayong magpahinga." seryoso parin ang mga tingin ni Miracle.
"Bakit hindi natin subokan?" ngumiti si Elinor, "Ngayon lang naman 'to." saka ngumuso.
Hindi kalauanan nakumbinsi rin nila sina Isaac at Miracle, ang dalawa kase talaga ang nagmamatigas. Kasalukoyan na silang naglalakad sa malawak na daan kung saan hindi nalalayo sa mga puno at malalawak na damuhan. Napakasarap sa pakiramdam ng hangin.
Hindi agad inakala ni Miracle noon na nasa taong 1600 sya dahil sobrang normal lang ng mga nakikita nya sa paligid bagaman makaluma nga talaga lahat ng gamit sa panahong ito. Ang akala nya kase noon ay sepia o black and white ang paligid ng sinaunang panahon dahil iyon ang nakikita nya sa pictures na nakikita nya sa internet.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Isaac."Sa talon ng Herbosa." ani Simon habang naglalakad.
Marami nang puno ang nakapalibot sa kanila. Malamig narin ang hangin na dumadampi sa kanilang katawan kaya nakasisiguro syang malapit na sila sa sinasabing talon ni Simon.
"Talon ng Herbosa?" ngumiwi si Miracle, "Halos lahat ng lugar at kung ano man na narito sa panahon ninyo ay may pangalan... e itong puno? anong tawag dito? Puno ng talakitok?" sarkastiko nyang dagdag.
Hindi naiwasang matawa ni Isaac sa sinabi ni Miracle, ganoon rin si Elinor at Dwight. Si Simon naman ay napailing nalang, kung gaano kaseryoso si Miracle ay ganoon rin ito kapilya.
"E sa panahon ba ninyo?" tanong ni Simon.
"Walang pangalan ang mga lugar kagaya ng talon at lawa sa amin dahil hindi pinangalanan ng mga Ina nila." ngumisi si Miracle, "Ang pangalan ng mga ganoong klase ng mga destinasyon sa amin ay hindi ang mismo nitong pangalan kundi kung ano ang tawag doon ng mga tao. Kung minsan ay nakabase ang pangalan nito sa kung ano ang itsura ng lugar. Kagaya nalang ng Hundred Island, tinawag iyong Hundred Island dahil maraming isla na makikita doon. Imbento lang." seryoso lang syang nakatingin sa daan.
BINABASA MO ANG
THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)
Historical FictionThe 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling beses na masisilayan nyang maghari ang Sulbidamya. Kasabay ng pagtapos nya sa batas ay ang pagbagsak ri...