Chapter 7- Signature

440 23 2
                                    

Tine's Pov

Ng matapos syang mag salita at dineretso ko na agad yung kailangan ko,

"Ahm, pwede ko na bang sabihin ngayon yung kailangan ko?" maingat na pagtatanong ko.

"Hmm, sge. Make it quick, may gagawin pa'ko." malamig na sabi nya, na parang kanina lang ay ang sigla niya.

"Magpapa-signature sana ako, kung pwede lang" maingat na sabi ko na naman kasi baka magalit ulit to.

Tumingin sya sa'kin, at ngumiti ng onti.

Binigay ko sa kanya yung papel at ibibigay ko na rin sana yung marker na pinadala ni Pear, pero bigla syang tumayo.

"Hoy, san ka pupunta?" tanong ko.

"Maghintay ka, ikaw yung magpapa-signature diba?" sabi nya

Pumunta sya dun sa may drawer nya at para bang may hinahanap, at nang mahanap na niya ang bagay na ito ay bumalik sya sa kanyang pagkaka-upo sa kama at kinuha ang papel na binigay ko.

Marker nya pala yung kinuha nya don sa drawer nya.

Nabigla ako ng bigla nyang ilagay yung pangalan ko don sa papel na binigay ko, at binigay nya sa'kin ulit.

"Oh" sabi nya at binigay yung papel.

"Pano mo nalaman yung pangalan ko? Tsaka hindi naman yan yung pangalan na ipapalagay ko ah?" mahabang litanya ko.

Kumunot yung noo nya sa sinabi ko,

"Don't tell me na inutusan ka ng iba na magpa-signature sa'kin?" nagdududang tanong nya.

"Ah-ah hindi ah, ako talaga yung gu-gustong magpa-signature sa'yo." nauutal pa'ko kasi nag sinungaling naman talaga ako hehe.

Kinuha nya nalang ulit yung papel at binaliktad iyon, para sa bakanteng page sya pipirma.

"Anong pangalan yung ipapalagay mo?"

"P-pear" sabi ko, ngunit mukhang nag duda na naman sya.

"Second name ko yan, Tine Pear kasi ako hehe" sabi ko at yun naman ang nilagay nya dun sa papel.

"Ang cute ng name mo" sabi nya at tumawa pa sya ng mahina.

Pagkatapos nyang pirmahan yung papel ay binigay na nya sa'kin ito.

"Oh" sabi nya.

"Salamat dito ah, una na'ko. Maaga pa'ko bukas, salamat ulit ah!" sabi ko at tuluyan ng lumabas sa unit nya.

Pag-dating ko sa lobby ay parang naging pamilyar sa'kin yung lugar, hala wait teka...

"Condo ko pala to!"

:)

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon