Nandito ako ngayon sa rooftop ng hospital. Hindi para matulog. Hindi ko kayang maghintay doon sa labas ng operating room.
Hindi ko alam kong bakit sunod sunod itong nangyayari. Ang sakit! Inaamin ko hindi lang crush ang pagtingin ko kay Rigel mas malala pa dun.
Pero hindi naman ako pwedeng umasa na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.
Nawala na sakin yung tunay kong Mommy. Nasaktan ako ng may nangyari kay Tanya at ngayon yung mahal ko naman.
Alam ko wala pang isang buwan kami nagkakilala pero traydor yung puso eh! Hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin. Yun nga lang, kay Rigel tumibok yung akin.
Familiar sakin ang nangyayari ngayon. Ganito din noon nung sinaksak ng masasamang tao si Mommy. Kaya ayaw ko tumira sa mansion dahil naiinis ako tuwing nakikita yung step mom ko. Takot akong itulad si Rigel kay Mommy.
Sana walang mangyari kay Rigel. Sana maayos na siya. Kahit wag niya na akong mahalin pabalik, okay na yun basta nasa maayos siyang kalagayan.
Tumingala ako sa madilim na langit. Naalala ko nung gabi na magkasama kami ni Rigel sa veranda sa condo ko.
"Kaya ba number 41 ang jersey mo?" nagtataka kong tanong kay Rigel.
"Maybe, I think?" he answered while watching the two stars. Nakita ko na namula ang tenga niya.
I don't know why I'm blushing because of his jersey or dahil sa sinabi niya.
Naghanap ako ng stars sa langit. Pero isa lang aking nakita. I pouted. Kaya ba isa lang ang nakita ko ay dahil may nangyari kay Rigel?
Biglang tumunog yung phone ko. Si Tanya tumatawag baka nagugutom na yun, hindi ko kasi natapos lutuin yung dinner sana namin.
"Hello, Tanya?"
[Where are you, El?]
"Nasa hospital"
[What? Why?]
"Si Rigel sinugod ko dito" I signed.
[Huh?]
"I'll explain it later pag nakauwi na ako"
[I will call Rigel's sister kilala ako nun para naman makapag pahinga ka na]
"Okay, thank you"
Hinintay ko ang kapatid ni Rigel sa labas ng operating room. Hindi ko pa nakikita yung sister niya.
Ilang minuto ang dumaan may narinig akong yapak na parang tumatakbo. Nilingon ko ang hallway at nakita ang isang babae na papalapit.
"Where's my brother?" a cold voice of hers. She seems like her brother. A girl version.
"Nasa loob ng operating room" lumingon siya sa kin ng walang emosyon.
"Who are you?" she asked. She's beautiful with her black dress.
"His friend" tinaasan niya ako kilay. Kung hindi ka lang niya kapatid pinatulan ko na yang kilay mo.
Ouch! his friend.
"You can go now. I'm here" hindi ako kumibo. Tumayo lang ako at diretsong naglakad paalis.
Nakakairita siya! Hindi man lang nag thank you sakin sa pag dala dito sa kuya niya.
Pagkadating ko sa condo hindi pa nakapatay yung ilaw. Dumiretso ako sa kitchen para kumain. Kanina pa ako nagugutom mas inuna ko lang si Rigel.
Naramdaman kong may papalapit sa kin kaya nilingon ko ito. I saw Tanya smirking.
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Non-FictionPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars