☺One Shot☺

0 0 0
                                    

When I am already a college student, I was afraid to talk to someone because I know that they will judge me. So, let me introduce myself.

I’m Annaliza Katrina V. Rodriguez.  I’m the only princess of my real dad. But now, no one who will treat me like a princess. When I was 13, my step-dad got my virginity. It really hurts. He raped me when my mom is not around. For me, no one will treat me seriously because I’m not a virgin anymore.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺

May nakilala akong isang kaibigan at ang pangalan niya ay Sarah. Mabait at  mapagkatiwalaan si Sarah. Lahat ng sekreto ko ay sinabi ko sa kanya. Naawa siya sa akin dahil hindi man lang daw ako lumaban para sa sarili ko. At gusto niya na kumaso ako sa step-dad ko pero hindi ako pumayag dahil binabaon ko nalang sa limot. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawang alisin. Dahil sobra ang ginagawa niya. Bumalik ako sa reyalidad nung tinapik ni Sarah ang kanang balikat ko.

“Nandito lang ako, Annaliza. Safe ang sekreto mo sa akin.” Sabi niya. Agad ko siyang hinila  patungo sa canteen ng aming campus.

“Tara na nga! Nagugutom na ako e!” sabi ko. Agad naman siyang ngumiti sa akin.

“Manglilibre ka?” tanong niya sabay upo sa upuan na may bakanteng lamesa.

“Oo, naman.” Sabi ko. Nagpaalam ako na mag-order ng pagkain.

Sa totoo lang, masaya kasama si Sarah. Hindi ka mabo-bored dahil ang daldal. Nung umorder ako ng pagkain, may isang lalakeng nasa harapan ko at siya ay nakatalikod. Umo-order din siya ng pagkain. Pero pagtingin niya sa akin, natapon niya ang adobong manok sa aking uniporme. Napatingin nalang ako sa aking uniporme.

“Miss, naman! Ba’t ka ba dikit na dikit sa pila. Tingnan mo, natapon ko ang ulam ko for lunch!” sabi niya na may mataas na tono ng boses.

“Aba! Kasalanan ko ba?” tanong ko.

“Oo, syempre! Alam mo ng medyo stampede tong canteen. Dumikit ka pa.” sabi niya.

“Actually, natulak ka lang ng ibang estudyante. Kaya natapon mo ang ulam mo at hindi ko na yun kasalanan.” Sabi ko. Galit na galit ang mukha niya.

“WHATEVER!” sigaw niya sa harapan ko. Ibang estudyante ay napatingin sa amin. Umalis na siya at umupo sa bakanteng lamesa. Parang walang kasama.

Umorder nalang ako ng pagkain namin ni Sarah at bumalik agad. Dalawang kanin ang inorder ko para sa kanya at isa lang ang akin. Ang ulam naming ay sinigang na hipon. Mahilig kaming dalawa dun. Kaya yun ang inorder ko.

Napatingin ako sa mga estudyanteng  nagsisisigawan or tumitili. Agad kong nakita ang lalakeng natapunan ako ng adobong ulam. Ngayon, nakita ko na may kasama na siya.

“Oh? Anong nangyari sayo bes?” tanong ni Sarah. Ngayon niya lang napansin na kanina lang ako nandito tapos hindi niya naitanong kung anong nangyari sa uniporme ko.

“Natapunan ng adobong ulam.” Sabi ko na nakatingin sa kanya.

“Sinong may gawa?” tanong niya.

“Yun oh.” Sagot ko habang binaling ang leeg sa isang lalake.

“OMG! Si Jake?” tanong niya.

“Hindi ko siya kilala.” Sabi ko.

“Siya ang pinakasikat dito. Silang magbabarkada. Ang mga magulang nila ay, stockholders dito. Yang Jake nayan, ang lolo niya ay ang principal dito.” Sabi ni sarah.

He Released MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon