Chapter 22

26 2 0
                                    

{CHAPTER 22}

Nagising ako dahil hindi ako maka tulog. Siguro ay dahil na rin nakatulog ako maghapon. Alas tres na pala ng hating gabi.

Tinignan ko si Matteo na nasa sofa niya. Lumapit ako saka siya tinitigan. Mapupulang labi niya agad 'yong tinignan ko. Buti pa nga siya at nakakatulog na ng mahimbing.

"Done memorizing my face?"

Namilog 'yong mata ko dahil gising pa pala siya.

"Hindi ka din ba maka tulog?" tanong niya 'tsaka siya umupo "Hmm Ako din kasi eh. I'm thinking about our kiss" aniya sabay lumapit sa mukha ko.

"Ha? A-ano g-gigisingin lang sana kita kasi, ano nagugutom ako" alibi ko.

Sa totoo lang ay hindi talaga ako nagugutom. Gusto ko lang talaga mag palusot sa sinasabi niya.

"Hmm. Alright. Let's go" aniya sabay lahad ng kamay niya

Tinanggap ko 'yon saka kami lumabas sa kwarto niya.

Sabi niya ay gagawa daw siya ng sandwich. Binuksan niya 'yong refrigerator nila at may kinuha siya do'n na lettuce, kamatis, may kinuha din siya do'n na hipon.

Napalunok ako noong nakita ko yon.

"Gawan kita ng shrimp sandwich. "

"Ah, Matteo."

"Don't worry. Nag paturo na ko kay Manang Leticia kung paano mag prito" proud niya sinabi.

Hindi nga pala niya alam na allergic ako sa seafood. Noong bata kasi kami ni Kuya ay dinalhan kami ni mama ng hipon. Si kuya pa nga mismo yung nagluto non. Sarap na sarap ako non pero ilang minuto lang ako kumain ay nahirapan ako huminga kaya tinakbo ako sa ospital at doon namin nalaman.

"Matteo." pagtawag ko sa kanya.

"I know. Don't worry. "

Ngumisi siya.

"Allergic ako sa seafood "

Namilog 'yong mga mata niya.

"H-ha? Shit sorry. Hindi ko alam, kung bakit kasi hindi mo man lang sinabi sakin eh " suminghap siya " I'm sorry talaga. I don't know you have allergies "

Kung maka react naman siya ay kinain ko na talaga yung shrimp na kinuha niya.

"Hey, relax ka nga. Hindi ko pa nga nakakain o"

Sinaoli niya 'yung hipon sa refrigerator nila at kumuha siya ng karne. Habang niluluto niya yon ay bigla akong nagutom. Mabuti na lang at baka hindi ko makain 'yong ihahanda baka magtampo pa siya.

"Here." nilapag niya 'yong sandwich.

May smiley face pa na gawa sa ketchup tapos sa gilid no'n ay may heart shape. Kinuha ko 'yon at nagsimulang kumain.

"Aisshh. " aniya

"Bakit?"

Hinawakan niya 'yong dibdib niya tsaka siya ngumiti. Kinuha niya din 'yong kamay ko 'tsaka niya nilagay sa dibdib niya.

"Can you see how my heart react when I'm near you?"

Pinakiramdaman ko 'yong bawat tibok ng puso niya. Tama nga siya at ang bilis ng tibok.

"Anyway, nasabi ko na kay Kuya mo na dito ka natulog "

"H-ha? A-anong sabi?"

Baka galit 'yon ayaw pa naman na nag s-sleep -over ako eh. Ngayon ba kaya na sa bahay nila Matteo ako nakitulog.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now