Simula

2.3K 57 38
                                    

Simula


Nilingon ko si Janine at kumaway sa kanya. Tumayo ako at sinalubong siya dahil baka matapilok ang loka. Sino bang magsusuot nang heels na 6 inches ang taas dito sa school? Siya lang naman at wala nang iba!


"My god, Ash! Ang tangkad ko na!"


Wala sa sariling natawa ako sa sinabi niya. Kumunot naman agad ang noo niya at tinaasan ako nang kilay. Mas mataas siya nang kaunti sa akin dahil naka-heels siya.


"Tss, pakitanggal nga ang heels titignan ko." Bumusangot siya at kinurot ako sa tagiliran.


"Aray ko!" Sinamaan niya ako nang tingin at naglakad na. Naiiling akong sumunod sa kanya at nakaantabay dahil baka matapilok ang loka. Pahiya kapag nangyari 'yon. Pumasok na kami sa klase at agad rin namang dumating ang prof namin. Dahil strikto sa attendance, may pagtawag pangalan pa siyang pakulo na halos kainisan nang lahat. Wala tuloy makapag-cutting sa subject niya dahil may deduction na 10 agad. Malaking bawas 'yon dahil isa ang klase niya sa major namin.


"Zamora, Hazel Ashley?" Tawag niya sa pangalan ko na siyang panghuli.


"Present, prof!"


Nagtuloy na ang klase at halos magmukmok lang si Janine sa tabi ko dahil hindi siya nirereplyan nang kalandian niya. Kinalabit ko siya kaya naagaw ko ang atensyon niya.


"Bakit?" Halos iritable niyang tanong habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.


"Itago mo na 'yan, 'pag lumingon si prof tigok ka." Pasimple kong sabi dahil nararamdaman ko na titingin na si prof sa amin anytime soon. Mainit sa mata itong si Janine dahil notorious ito sa kalokohan kapag ginanahan. Sumunod naman siya dahil hindi rin biro magalit itong si prof. Mapapahiya ka talaga.


Nang matapos ang klase ay inis na umingit si Janine at nagpapadyak pa. Napangiwi ako dahil para siyang baliw sa ginagawa niya.


"Ih! Ano ba 'yan! Bakit ba kasi hindi siya nasagot?!" Inis siyang umupo sa bench dito sa tapat nang building.


"Waley na 'yan, Jaja. Ghinost ka na." Pang-aasar ko at umupo sa tabi niya. Sumandal ako at tinignan ang mga daliri ko. Tss. Kailangan na magputol ulit.


"Taena naman, Ash. 'Wag naman sana!" Napailing na lang ako sa kanya.


"Ireto na lang kita kay Keano." Sabi ko na mabilis niyang ikinangiti. Sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumawa. Kita mo ang isang 'to, basta may reto biglang ngingiti.


"Kailan, Ash?" Nakailang kurap pa siya nang mata at nagpose. Tss. Iba talaga trip nito e.


"Mamaya," kinikilig siyang tumawa at sumipa pa. "Sa panaginip mo."


Napatigil siya at sinamaan nanaman ako ng tingin. Tumayo na ako at naglakad papunta sa cafeteria. Sumunod lang sa akin si Janine at kumaway pa siya sa mga kakilala niya. Medyo malayo ang cafeteria dahil ginagawa ang malapit sa amin. Iyon ang sentro dahil tatlo ang cafeteria dito. Ten-minute walk pa naman 'yon.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon