NLA 1 - KABANATA 11

20 6 0
                                    

December 31 na ngayon, ilang linggo na din nakalipas simula noong birthday ni Johan. Nagkakamustahan naman kami sa gc na ginawa nila, nagpagupit na nga sila ng mga buhok e,  habang ako nagpakulot , new year, new hairstyle.

Noong December 20 nasa palawan kami 1 week lang at andito kami sa Bulacan dito kami magbabagong taon, dito kasi mga kamag-anak namin.

Nagluluto lang sila mama at tita ng pagkain. Kami naman ay nasa sala ng mga pinsan ko.

"Ate, may tanong lang po ako"Sabi ni Jisa, pinsan ko na kaedaran ko din.

"Ano?" Si ate Hera pinsan namin.

"Ate, ok lang ba na patuloy mong gustuhin ang tao kapag hindi ka gusto? At patuloy ka pa din umaasa sa kanya? Kahit alam mo naman na hindi ka talaga niya magugustuhan"

Parang nakarelate ata ako sa sinabi ni Jisa, same pala kami.

"Oo gustuhin mo lang hanggang sa mapagod ka at marealize mo na hindi na dapat siyang gustuhin, wag mo lang kontrolin ang nararamdaman, let your feelings just fade away. Ok lang masaktan ka at para matauhan ka. Wag mo lang araw arawin ang pagiging tanga, gumising ka din sa realidad kapag wala na tumigil ka na"

"Paano kung may part pa din sakin ate na umaasa pa din ako?" Sabi pa ni Jisa

"Normal lang umasa pero sana huwag naman 'yung alam mo ng iba 'yung gusto pinipilit mo pa din 'yung sarili mo sa kanya"

"Kapag hindi ka gusto edi wag, madami pang iba diyan huwag ka sa taong masasaktan ka lang"

"Paano makamove-on? Maalis 'yung feelings?" Tanong pa nito

"Huwag mong pilitin na maalis agad ang nararamdaman mo sa kanya, mahirap maalis ang feelings na totoo at  mahirap kapag masyadong malalim ang pinagtaniman"

"Kumbaga parang halaman ang feelings ng isang tao it will grow sa paglipas ng panahon pero kung hindi napakain o nabigyan ng pagmamahal din na siyang magsisilbing pagkain nito edi mamatay ang halaman o feelings"

"Pero hindi naman agad agad mamatay ang halaman diba? Malalanta muna ito o unti unting mawawalan ng dahon"

"Kaya wag mo ng pilitin pang magustuhan ka kung hindi naman talaga, accept the rejection and be happy na lang"

Nakinig lang kami ni Isa at kaming tatlo lang sa sala. Nagkaroon na ng boyfriend si Ate pero nagkahiwalay din sila hindi na siya muling umibig ewan ko ba baka mas pinagtuunan niya muna ang sarili niya at mga gusto niya pang gawin sa buhay.

"Mahirap magkagusto sa hindi ka gusto, never mong mapipilit ang tao na magustuhan ka. Kapag pinilit mo ang tao sa nararamdaman nito maaring hindi maging totoo. Hindi mo mapipigilan kung sino ang gugustuhin mo o ng kapwa mo"

Habang nakikinig ako kay ate naiisip ko 'yung nararamdaman ko para kay Johan, sa patuloy na paglipas ng panahon mas lumalim 'yung nararamdaman ko sa kanya at tama si ate hindi ko mapigilan, hindi ko alam kung paano alisin gusto ko na maalis dahil alam ko naman na walang patutunguhan 'to.

"Ate, paano naman kapag hindi niya pa alam na may gusto ka tapos alam mo at aware ka na may iba siyang gust pero umaasa ka na paano kapag umamin ka malay mo magbago ang nararamdaman niya? Kailangan bang umamin na?" Tanong ko naman bigla.

At nagulat naman si Jisa at Ate Hera saakin, hindi kasi ako nagkukwento sa kanila about Johan.

"Teka, kayo ha. May ganyan ganyan na kayo, mag-aral muna kayo"

"Ate, sagutin mo na lang, dapat na ba akong umamin?"

"Ikwento mo nga muna saakin, paano mo siya nagustuhan? Sino siya? Close ba kayo?"

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now