NLA 1 - KABANATA 12

13 6 0
                                    

(January, Third week)

Ilang linggo na nakalipas at pasukan na muli semi finals ng sayaw namin sa Mapeh at pasahan ng project na pinagawa noong bakasyon. Buti na lang at nagawa ko naman.

Tapos na kasi ang 3rd grading exam at ang mga project at portfolio na lang ang kailangan para maencode na ang grade namin.

Sobrang dami ngang ginagawa e, sobrang busy ng room namin, andami kung dala nga e, project, portfolio at props namin individually oara sa festival. Buti may nga kaklase kami na malapit lang ang bahay at sila na ang nagdala ng ibang props na malalaki o mahirap buhatin ang iba iniwan namin dito buti naman at hindi nasira.

Halos puyat at pagod nga kami dahil practice dito sumasabay pa ang project. Isa isa lang naman mga maam at sir, pero ok lang mairaos lang namin 'to ok na hahaha. Mas malala pa dito kapag college kaya ok lang ng ganito ang samin lang medyo di kami sanay sa ganito, pachill kasi kami.

"Mag practice pa tayo last one na lang" Sabi ng president namin.

Nagpractice naman kami at ginamit nag mga props. Nakakapagod 'tong sayaw sayaw na 'to sana matapos na.

Matapos namin nagpractice ay may pumasok na teacher at magpapasa lang naman kaming project sa A.P. Tapos the rest mga portfolio na sa science at filifino.

Pagkatapos ng pasahan ng project ay nagrecess na kami pagkatapos ay contest na sa mapeh, 'yun kasi ang nakasched samin dahil hindin naman lahat ng section pare pareho ng schedule ng mapeh.

Inayos ko lang mga gamit ko at hindi na lang muna ako baba may pagkain naman akong baon e. Napagod lang ako at gusto ko na lang magpahinga para may lakas ako sa festival na 'yan takte kailangan daw hataw amputek, naka mahati na katawan ko, char hahah.

"Hindi ka pupunta ng canteen?"Tanong ni Grace at umiling ako.

Umalis na sila ng room at ako naman ay naiwan kinuha ko lang ang tumblr ko pero nakitang wala na din itong laman, shit, dapat pala nagpabili na ako kanila Grace ng tubig sa canteen o kaya magrefill sa tumblr ko.Kaso nakaalis na sila.

Ininom ko na lang ang natirang tubig. Bigla naman akong napalingon dahil may tumabi saakin.

"Oh, tubig, libre ko"Bigay ni Jared

"Naks, salamat. Wala ba 'tong lason ? Mamaya may sekretong galit ka sakin at nilagyan 'tong lason"

"Wala baliw ka talaga hahahaha"

"Thanks talaga sobra hahaha"

"Mukha ka kasing pagod e, parang puyat na puyat ka"

"Ok lang tinapos ko kasi 'yung project e tapos portfolio nagawa ko naman siya noong bakasyon kaso nauwi kami sa Bulacan at nagpalawan pa kaya hindi natapos agad. May practice pa kaninang umaga kaya hindi ako ganoon nakapagpahinga"  Kwento ko sa kanya.

"After naman ng sayaw ay tapos na e, pero ok ka lang ba magperform baka bigla kang mahilo dahil sa pagod, ang putla mo kasi" Agad ko naman kinagat ang labi ko at tinignan sa cellphone ko kung maputla ba talaga ako. Oo nga.

"Ayos lang ako" Sabi ko na lamang.

Nagnap muna ako saglit.

___________________________________________________________________________________________

"Tayo na ang magpeperform. FIGHTING KAESAR !!!" sigaw ng president namin, hindi ata siya nauubusan ng energy.

Pumwesto na kami at nagsimulang magtugtog ang music namin, panagbenga festival ang napili namin.

"Whoooo Kaesar!!" Sigaw ng ibang section na supportive samin, sus platik charot hahaha. May mga sumusiporta din na mga tropa ata ng mga kaklase ko.

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now