Last day of school
Walang masyadong ginawa syempre last day naman. Tiyaka 'yung awarding ng with honors para sa school year ay baka next next week. Ang recognition naman pang section ay baka next week.
Ngayon din pala ang birthday ni Red, kunwari nga ay hindi ko naalala 'yon pero gumawa kami ni Kienna ng isang gc para isurprise si Red, this past few days parang ang tahimik at mainisin niya. Simula noong fieldtrip laging may dalaw na ata hahaha.
Kinuha ko ang cellphone ko para ichat si Kienna, sakto at maaga ang uwian dahil wala naman masyadong pinagawa. Excited na nga ako na basagan ng itlog kaya lang sabi ni Kienna baka lalong mabadtrip kaya isurprise na lang namin.
Hindi namin siya pinansin nitong mga nakaraang araw tapos di din namin siya nakakasabay umuwi, ay mapride siya e, kung walang pansinan edi wala.
Chinat ko naman si Kienna na pumunta na abangan na sa baba, kami. Ang plano kasi susundan ko siya tapos pagdating sa baba doon na namin siya kakantahan. Kakain lang din kami sa Mcdo, gusto pa nga nila lumayo kaso sabi ko baka batukan ako ni Mama dahil anong oras na naman ako uuwi.
Nauna naman si Red saakin, may mga kaklase kami na bumati na sa kanya at hindi ko siya talaga pinansin ngayon.
Si Luri naman inaya ko na sumama saamin kaibigan ni Red si Luri magkaklase sila since last school year. Kaso alam ko kailangan talaga makatulong ni Luri sa magulang niys magbantay sa tindahan nila sa palengke. Mahirap kasi ito at umaasa nga minsan sa baon ni Red buti may busilak na kalooban naman si Pula.
Sinusundan ko lang ito ngunit nag bilis niyang bumaba, bwiset 'yong totoo? Galit ba siya samin? Sino ba naman hidni magagalit, hindi pansinin ng ilang araw diba? Ay nako self.
Nasa ground na kami at nakita ko na sila Kienna.
"Happy Birthday to you!!!" Kanta namin, may mga suot sila sa ulo nila na spiderman, sinuot ko din ito. Nabili daw ni Ross sa tabi tabi hahahhaa.
"Happy Birthday Jared!!" Saba'y namin bati.
Parang naiiyak naman 'tong bata ito hahahhaha, nakangiti lang siya saamin.
"Kala mo ba hindi namin naalala? Kala mo lang 'yon hahahah" Si Ross
"Si Mikaela may plano nito" Sabi naman ni Kienna, hindi lang naman ako ha, kayo nga din nagsuggest e.
"Oo, siya nag-isip na hindi ka namin pansinin" Si Ross, hala siya, tuwang tuwa ka nga ng masuggest ko 'yon.
"Tara Mcdo" Sabi ni Johan.
"Libre mo kami, pre" Akbay ni Ross kay Red.
"Wala akong extra money akala ko kasi hindi niyo naalala"Sabi nito at napakamot sa batok.
"Ikaw wala, kami meron"Sabi ni Remar
" Tara na, pambawi na namin sayo 'to" Sabi ko
"Ay bakit kami? Ikaw lang, ikaw may idea nito e" Tinarayan ko naman si Ross, wow lang talaga, nanlalaglag?!
"Charot, tara na mga tropapits" Sabi naman ni Ross kaya naglakad na kami palabas ng school.
___________________________________________________________________________________________Sa Mcdo
Nag-order na kami at pagkatapos ay umupo sa nahanap naming pwesto.
"Happy Birthday Red, regalo ko" Sabi ko at binigay ang paper bag na may laman na ginawa kung album mga pictures namin 'yon at may polo na blue. Inabot niya ito.
"Salamat, Mik, lakas ng tama niyo ahh"
"Ako din, ohh" Sabi ni Ross at binigay din ang regalo.
Nagbigay na din ng regalo sila, Remar, Kienna at Nagkwentuhan lang kami.
"Hindi nga kami nahirapan na hindi ka pansinin, parang wala ka din kasing pakialam samin hahahaha" Kwento ni Kienna
"Sa totoo lang napansin ko din ang pag-iwas niyo saakin kokomprontahin ko sana kayo kaso kung ayaw niyo talaga ako pansinin, ediwag. Hindi ko naman kailangan ipilit ang sarili ko kung ayaw niyo na saakin, maging kaibigan" Ang drama naman nitong si Red.
"Drama mo naman, pre. Syempre magkakasama na tayo simula bata ngayon pa ba tayo magwawatak?" Saad ni Ross at inakbayan si Red.
"Ang sarap mo ngang sapakin kasi parang wala lang talaga sayo kung hindi ka namin pansinin"Sabi ko naman. Ang pride masyado ni Red kung hindi siya papansinin edi hindi.
"Kakausapin ko nga dapat ikaw o kaya si Remar kaso naiisip ko mukhang ok lang sainyo ang hindi ako kausapin" Sabi ni Red
"Ano nga palang plano niyo sa bakasyon?" Pag-iiba ko ng topic.
"Sa Probinsiya kami magbabakasyon"Sagot ni Remar
"Same"Si Ross
"May plano silang magjapan e, baka doon"Si Kienna, ay yaman sana all.
"Baka ganon din kami" Sabi ni Johan, sa japan din?
"Sa Malaysia kami sa may Kuala Lumpur"
Naalala ko na nag-iibang bansa pala mama niya. Sana lahat talaga magout of the country.
"Sa province lang din kami, ikaw mik?" Si Red.
"Hmmm, sa province pero sa May alis namin. Dito ako magbibirth day, imbitahan ko sana kayo sa bahay. Kung 'di pa kayo nasa bakasyon, sa April 20."
"May din alis namin"Sabi ni Kienna
"Makakapunta ako, syempre birthday mo e" Ross
"Kami din" Sabi ni Remar at inakbayaan si Kienna.
"Ako din, syempre titikman ko luto ni Tita"Sabi ni Johan, akala ko naman titikaman mo gawa ni mama, ako ba? Charot hahahaha.
"Ikaw, Red?" Tanong ko
"Try ko kasi baka mapaaga alis namin"Tumango na lamang ako
Dumating na 'din ang order namin. Kumanta na kami lahat at muling sinuot ang party hat.
"Tama na 'yan, kahiya kayo" Tumawa naman kami at nagsimula ng kumain syempre bago 'yan ay nagpicture na kami.
___________________________________________________________________________________________
11:00 PM
Nag-online naman ako agad at chinat na si Johan, hindi ko pa natatanong about sa pag-amin ko sa kanya at parang wala lang naman sa kanya 'yon o baka hindi niya lang pinapansin? Ganoon pa din ang turingan namin sa isa't isa gaya ng dati, masaya ako at hindi naman niya ako iniwasan. Kaso may part sakin na umaasa baka gano'n ang turing niya sakin ay dahil may gusto siya?
Mikaela: Hello, Jo
Johan: Hi, Mikmik hahaha
Mikaela: Happy na 'yan?
Johan: Depende
Mikaela: Basta pumunta ka haa, titikman mo gawa ni mama
Mikaela: ako charot ;>
Agad ko naman niremove ang huli kung message.
Johan: Bilis ah, hahahaha
Gano'n talaga kapag nabihasa ka sa typewriter hahahah joke
Mikaela: Basta pumunta ka
Johan: pero nakita ko 'yon
Mikaela: hehehe charot lang e
Johan: ediwow haahahaha
Hindi talaga maalis dito ang ediwow 'no? Wala kaming chat na walang ediwow, lahat meron. Kung skya ediwow ako naman charotera hahaha.
Nag-usap lang kami tungkol sa magiging ganap sa bakasyon at kung magshishift ba kami ng Tle namin at kung ano ano pa hanggang sa naggoodnight na sjya.
Goodnight na ba? Umaga na kaya.
Nag-log out na ako ngunit may message na pahabol.
Johan: Hi Mik
Inaantok na ako e, bukas na lang magchikahan. Magchichikahan naman kamj sa gc minsan e.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)
Fiksi RemajaPart 1. (Mikaela P.O.V) Si Mikaela Esmida ay may mala-anghel na boses at napakatalino na babae. Isang araw, nagkagusto siya sa kaeskuwela niyang si Johan Almarano. Umaasa siya na balang araw ay magkakaroon din si Johan ng ganoong pakiramdam sa kanya.