NLA 1 - KABANATA 15

15 4 0
                                    

Bukas ang pinakahihintay kung araw dahil ang araw na 'yon isinilang ang isang magandang dilag at medyo maharot na si Mikaela, ako syempre. Wag na kayo umangal maganda talaga ako 'di lang halata. Namiss ko kaagad sila Kienna lalo na syempre si Johan, syempre ilang weeks ba naman hindj nagkita tiyaka puro chat and video call lang kasi 'di ko naman sila kapit bahay e, sila sila magkakapit bahay pero ako hindi.

Minsan si Red nagpupunta dito este doon sa bahay ng tita niya na malapit saamin, tapos nagpupunta 'din dito minsan. Natawag pa nga ni Mama na crush ko daw, si mama talaga. Naikwento ko na 'din kay Mama ang tungkol kay Johan, pero syempre hidni ko sinabi na nagharot ako noon sa rp account at sa isip ko.

Pinayuhan naman ako ni Mama na wag mo na 'yon ang atupagin kundi ang pag-aaral. Knows ko naman 'yon.

"Mik, bumaba ka nga riyan" Tawag ni Mama.

"Yes ma, bakit po?"Tanong ko dito nang makapunta sa sala.

"Ilan ang pupuntang kaibigan mo dito?"

"Hmmm, lima po ma"

"'Yung iba mong kaklase nasa bakasyon na ba sila?"

"Iyung iba po kasi hindi pinayagan tapos nasa bakasyon na din po 'yung iba"Paliwanag ko

Si Grace at Lovely ang nasa bakasyon at si Neslyn ang hindi pinayagan, hindi ko naman kaclose ang iba kung kaklase para iinvite sa birthday ko tiyaka ok na saakin sila Johan na lang.

"Ahh, ganoon ba? Anonh oras mo sila pinapunta?"

"12:00 po para saktong lunch"

"Sige, maaga ka gumising ha? Tulungan mo ako sa paghanda"

"Day off po ba si Papa, ma?"

"Maaga lang uuwi, 7pm daw"

Napatango naman ako. Kailangan talaga na magtrabaho e. Pero ok lang naman dahil magbabakasyon naman kami sa May.

___________________________________________________________________________________________

"Hello po"Bati ni Kienna kay Mama.

"Hello po"Sila Remar, Ross at Johan.

"Hi Tita" Lakas naman nito makatita, kamag-anak ka ba namin? Wala kaming kamag-anak na pula. Chareng!

"Upo kayo" Sabi ko sa kanila sa sala.

"Happy Birthday Mikmik"

"Thank you, Kienna" Inaabot ko naman ang regalo nito. Ay wow mukhanb maganda ahh, ang ganda ng paper bag e.

"Ito akin, Piberthday" Inabot naman ni Ross ang regalo nito saaki .

"Happy Birthday Mik"

"Happy born day Mik"

"Salamat Remar at Johan, nag-abala pa kayo ng regalo ok lang naman kahit wala na, atleast nga nakapunta kayo"

"Ayaw mo? Bawiin na namin"

"Charot lang Ross, naibigay niyo na e"

"Charot lang din syempre"

"Ikaw, Red, regalo ko?"

"Wala e, itong mukha ko na lang"Saba'y ngiti nito at nagpogi sign pa, yakk naduduwal ako.

"Maaaa, wala naman tayong aircon diba? Ang lakas ata ng hangin"

"Joke lang 'to naman, ohh. Special 'yan" Sus, ibibigay din naman pala.

"Picture muna tayo!" Aya ko sa kanila at pumunta naman si Mama at pinictursn kami kasama ang cake syempre.

"Kain muna tayo tiyaka tayo magkaraoke"Sabi ko sa kanila, lunch na kasi at hindi pa ako nakakain ng kanin except nagpancit ako kaninang umaga.

___________________________________________________________________________________________

"Kay sakit naman isipin na, sa puso mo ako'y pangalawa, sa tuwing makikita kitang kasama siya, pinipikit ko ang aking mga mata🎶🎵" Kanta ni Ross, bwiset talaga 'tong lalaking 'to pinili pa 'yung kanta na madadama niya talaga. Sabi ko na nga ba kabit 'to e, chareng!

"Merong kahati, gusto kita mapasa'kin, kung pwede lang ba sa kanya kita nakawin, at lagi mong iisipin, kung hindi ka para saakin, huwag mo lang kakalimutin na ika'y mahal pa rin🎶🎵"

"Sa puso ko'y nag-iisa, kahit na mayroong iba, kahit hindi na tama ang ginagawa, sinta, basta ba'y makasama lang kita, kahit kapiling mo pa siya🎶🎵" Saba'y na kanta namin lahat parang bumalik kami sa jeje days namin, 'yung mga ganito pa tugtugan noon, magigising ka sa umaga dahil sa kantang 'to na pinapakinggan ng kapit bahay mong broken hearted, naka speaker pa 'yan.

Ang saya ko at nakilala ko sila, hindi man naging matagal ang pagsasama at pagkakakilala namin sa isa't isa alam ko na walang kalimutan kapag nag-iba iba man kami ng school o titirhan. Ngayon ko lang na experienced 'yung ganitong circle of friends.

Walang lamangan, hindi mo mafefeel na 'di ka belong, ipaparamdam sa'yo na hindi ka lang basta kaibigan kundi kapatid, kapuso, kapamilya char! Pero seryoso kahit na hindi kami ganoon kadami at hindi kagaya ng ibang magkakaibigan diyan, at least alam namin na hindi kaplastikan ang turing namin sa isa't isa.

Sa highschool life ko may mga nagiging kaibigan ako kada grade level pero after ng school year wala na, wala ng pansinan nakahanap lang ng bago. Naalala ko tuloy si Laine siguro kung nandito siya sa Manila, magiging parte din siya namin. Nabalitaan ko nga ayon sa kwento niya ay puro toxic mga nakakasalamuha niya.

___________________________________________________________________________________________

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU MIKAELA!!" Sigaw na parang baliw ni Ross.

Saba'y pinatugtog ang happy birthday song sa karaoke. Kumakanta sila at ganoon din si Mama, sinindihan pa ang kandila sa may cake ko.

"Make a wish" Sabi ni Kienna

Pumikit ako at humiling pagkatapos ay inihipan ko ang kandila at nagpalakpakan sila.

"Thank you sa pagpunta haa" Sabi ko sa kanila, walang salita ang makakatumbas ng saya ko dahil nandito sila at nakisaya sa kaarawan ko.

"Syempre, masarap po luto niyo Tita"Kanina pa pinupuri ni Ross si Mama sa luto nito.

"Aalis na ba kayo?"

"Opo, hanggang 2pm lang po pinaalam namin eh, the next day na po kasi flight namin mga 5pm po pero sila  po ata sa May pa" Paliwanag ni Remar.

"Magbaon kayo ng handa at hindi naman namin lahat mauubos ito, ingat kayo sa paguwi din"

"Salamat po tita" Si Red

Pinaguwi na sila ng handa at inihatid ko naman sila sa may sakayan.

"Happy Birthday Mikaela" Sabi ni Johan, shet, enebe crush chareng!

"Thank you, ingag ka...yo" Sabi ko ng makasakay na sila.

"Ingat din you salamat sa food" Kumaway si Kienna at kinawayan ko din sila

"Ingat Mik" Si Red naman

"Salamat sa food Mik, pasabi kay Tita super salamat" Tumango ako kay Ross.

"Ingat Mik"

"Ingat ka din sa flight niyo Remar, ingat kayo" Sabi ko at umalis na ang sinasakyan nila. Bumalik naman na ako sa bahay.

___________________________________________________________________________________________

" Si Johan ba ang crush mo sa kanila , nak?" Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Mama

"Oum, pero may iba na 'yung gusto"

"Ok siya, mukhang mabait pero wag ka masyadong umasa at wag madiliin ang mga bagay na hindi pa tamang panahon"

"Lola nidora lang ma? Char hahahaha"

"Sige na tulungan mo ako magligpit"

Nagligpit na kami ni Mama, at pagkatapos inupload ko naman ang picture namin nila Kienna at tinag sila, madaming bumati saakin at kahit sa IG meron. Ito na ata ang memorable birthday ko, nakasama ko si crush chareng!

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now