NLA 1 - KABANATA 16

11 4 0
                                    

Leann: Last Chapter here we gooooo, enjoy reading ^^

___________________________________________________________________________________________

KINABUKASAN

"Ma, magpunta lang po ako saglit sa kanila Red, magbabonding lang kami, bago na din umalis sila"

"4pm umuwi ka na ha, 'yung kaibigan mong isa nga pala? Hindi ba mamaya na ang alis niya?"

"Hindi na nga po siya makakasama e, sige po maa, alis na po ako"

Next next day pa ang flight namin kaya last bonding na talaga namin ito. Magkakasama pa naman kami sa next school year kaso mukhang si Kienna may balak lumipat, pero wag naman sana.

Sumakay na ako sa Tricycle at chinat sila Red na papunta na ako. Biglang nag-aya kasi si Johan na magbike sa village nila.

Nakarating na din ako sa Village nila at nakita ko sila Red na inaabangan na ako sa may gate.

"Buti pumayag si Tita" Sabi ni Kienna.

"Oo naman, bakit naman hindi? Hanggang 4 nga lang ako"

"Ohhh ok tara bike na kuhain ko lang sa bahay 'yung isa ko pang bike" Sabi ni Kienna kaya pumunta muna kami sa bahay nila para kuhain ang bike.

___________________________________________________________________________________________

"Whooooo, tekaaaaaa" Sigaw ko dahil medyo mabilis at natatakot ako sa pagmamaneho ng bike ni Johan, nakaangkas kasi ako sa kanya.

"Teka pahinga muna tayo" Sabi ko ng makakita ng bench at umupo dito.

Nasa ibang street na kami at baka sila Ross, Red at Kienna ay nasa kabilang street pa umikot kasi kami ni Johan. Kaya nga pala naging angkas na lang ako dahil sira pala ang gulong ng isang bike ni Kienna. Masaya naman ako at nahawakan ko pa nga bewang ni Johan e, errrr eneber

"Ohhh, bumili ako ng tubig diyan" Sabi ni Johan at inabot ang tubig, may bigla naman akong naalala, si Red... noong pagod din ako sa practice binigyan niya ako ng tubig.

"Salamat Johan"

"Kamusta ka pala?" Tanong nito at natawa naman ako.

"Kahapon lang nagkita tayo sa birthday ko ahh"

"Ang ibig kung sabihin 'yung inamin mo sakin noong fieltrip"

"Kamusta na 'yung nararamdaman mo"

Bakit niya kaya na itatanong? Aamin na ba siya na parehas kaming may gusto sa isa't isa, naiilang ako kapag naalala yung pag-amin ko sa kanya, pero buti na lang at hindi naman niya nababanggit at napapagusapan namin, wala ding alam sila Red, sana hindj niya sinabi na umamin ako sa kanya.

Napansin ko din na medyo ng care at sweet niya sakin nitong mga nakaraang araw bago 'yung birthday ni Red. Iniisip ko sa point na 'yon na baka same na talaga kami.

"Hmmm, ito same pa din naman, mas malala ngayon"

"Malala?"

"Sa totoo lang Johan, sobrang saya ko na kahit umamin ako sayo walang nagbago sa pakitungo mo sakin. Akala ko iiwasan mo ako pero hindi e, kaya umasa ako na baka gusto mo din ako.."

"Hindi naman talaga bigyan menaing lahat ng care at sweetness na pinapakita mo sakin, pero minsan hindi ko maalis sa isip ko na baka nagbibigay ka na ng motibong parehas tayo ng nararamdaman"

"Mikaela..."

Napatingin ako dito at seryoso din nakatingin ito saakin.

"Sinabi ko na 'to sayo noon sa chatna hanggang kaibigan lang talaga turing ko sayo, ayokong pilitin ang sarili ko na gustuhin ang isang tao na hindi ko naman talaga gusto, hindi mo deserve 'yon..."

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now