Chapter 1

4 0 0
                                    


Masayang pinag mamasdan ni Kristina ang mga batang naglalaro sa hardin ng Sagip Bata Orphanage. Natutuwa sya na masaya ang mga ito kahit na sa kabila ng katutuhanang wala silang mga magulang, batid nya na sa kabila ng kasiyahan ay malungkot ang mga ito at nag hahanap ng mga magulang na mag aaroga sa kanila tulad nya.
Gayun pa man ginagawa nila ang lahat para lang maiparamdam sa mga bata na hindi sila nag iisa, na mayroon silang masasadalan at masusumbungan sa lahat ng problema.

"Kristina iha, nandito ka lang pala" wika sa kanya ng bagong dating na si Mother Elina ang Mother Superior ng Ampunan na kumopkop sa kanya.

Si  Mother Elina ang nag aruga sa kanya mula ng ma tagpuan siya ng mangingisda sa tabi ng dagat na walang malay.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya matatandaan kung bakit na padpad siya sa tabi ng dagat na walang malay at sugatan ang buong katawan.
Ayon sa kanya ng Mother Superior ay tantya ng mga ito ay nasa sampung taong gulang lamang sya ng matagpuan ng mga ito.

"Kayo po pala Mother. Bakit po?"
Tanong niya dito ng may ngiti sa kanyang mga labi. Katuwang nito ang madre ding pinsan na si Sister Kristal. Dito din nya nakuha ang kanyang pangalan na Kristina sapagkat di nya matandan ang kanyang buong pagkatao ng sya ay magising mula sa mahimbing na tulog.

"Magsisimula na ang programa kayat halina kayo ng mga bata sa loob."

"Sige po, pupuntahan ko lang po ang mga bata at susunod na lamang po kami sa inyo."

"Dalian nyo at masakit na rin ang sikat ng araw."
Ani nito habang naglalakad papasok sa loob ng ampunan.

Huminga muna sya ng malalim bago nya puntahan ang mga bata para akayin sa loob.

-----------------------------------------------------------

" Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you." 

Masayang kinakantahan ng mga bata ang kanilang ate Kristina na nag diwang ng kanyang kaarawan. Itong araw na to ang napili nila para mag diwang ng kanyang kaarawan sapagkat itong araw na to sya natagpuan sa tabing dagat.

"Happy birthday Kristina"

"Happy birthday iha."

"Happy birthday anak."

"Salamat po sa inyo Mother and Sister's, salamat din po sa tulong sa pag hahanda ng mga pagkain." Pasasalamat niya sa mga ito.

Katunayan 13 na taon na nila itong pinag didiwang dahil mula ng ma punta sa puder nila si Kristina ay nabigyang buhay itong bahay ampunan na puno noon ng trahedya.

"Ano ka bang bata ka, kami nga dapat mag pasalamat sa iyo. Marami ka nang naitulong dito lalo na sa mga bata. Wala na nga yatang natira sa iyo mula sa sahod mo."
Ani sa kanya ni Sister Kristal.

Mula kasi ng makapag trabaho si Kristina lahat ng sahod niya ay binibigay nya sa ampunan para ma tustusan ang mga pangangailangan ng mga bata. Isa syang branch manager ng isang boutique sa kanilang lugar sa  Vigan, naka pagtapos sya ng Business management at dahil sa kanyang sipag sa pag tatrabaho ay kalaunan ay na promote bilang Branch Manager.

"May sasabihin ho sana ako sa inyo Mother and Sisters."
Kinakabahan man pero buo na ang kanyang desisyon isa pa ito ang mas makakabuti sa Orphanage.

"Ano ba iyon Kristina" tanong sa kanya ni Sister Carmina na may malawak na ngiti sa mga labi nito.

"Magpapaalam ho sana ako sa inyo na luluwas ho ako ng Maynila para maghanap ng trabaho."

"Bakit natanggal ka ba sa trabaho mo Kristina?" Nag aalalang tanong sa kaniya ng kanilang Mother Superior alam kasi nito kung gaano ka dedicated at ka mahal niya ang kanyang trabaho.

"Hindi po Mother Elina gusto ko pong makahanap ng trabaho na malakilaki ang sweldo."

"May gusto ka bang bilhin iha? Pwedi ka naming tulungan."

"Wala naman po Sister Kristal gusto ko pong mapabuti ang buhay ng mga bata dito, gusto ko po silang mabigyan ng magandang buhay hanggat wala pang umaampon sa kanila, isa pa po habang tumatagal parami na po ang mga bata." Malungkot niyang ani, hindi ma isip ni Kristina kung bakit na aatim ng mga magulang ng mga bata na basta na lamang iwan ng mga ito sa kalsada o di kaya sa pintuan ng ampunan.

" Kristina anak hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na iyon, marami na ang sponsors natin at lahat sila ay mabubuti ang mga hangarin."

"Pero kung iyan talaga ang gusto mo Anak susupurtahan ka namin, isa pa alam din namin na gusto mo mahanap ang iyong pamilya."

"Salamt po sa inyo, wag po kayong mag alala tatawag po ako parati."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Montemayor's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon