Ika-dalawampu't dalawang Kabanata

42 2 0
                                    

Mabilis akong tumakbo pababa nang madinig ko ang sigaw ni Era. Muntik pa nga akong mapatid sa naka-usling simyento. Buti na lang malayo pa sa may hagdanan.

Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita kong hawak ni Francis ang kaliwang braso niyang dumudugo. Pati ang kaninang maayos niyang damit ay sobrang gusot na ngayon, "Anong nangyari sayo?!" Hindi ito sumasagot pero kitang-kita sa itsura niyang nasasaktan siya, "Patingin nga!"

Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakatakip. Ayaw pa nga niyang bitawan pero dahil injured siya at nagtitiis ng sakit ay madali kong natanggal ang pagkakahawak niya.

"Oh my gosh!" singhal ni Era. Mukhang pati siya ay nagulat dahil halatang may kalaliman ang hiwa ni Francis.

"Saan ka ba kasi galing?! Sa'n mo nakuha 'yan?" sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina kung saan namin iniwan ang first aid kit. Hindi ko akalaing gagamitin ko din sa kanya 'to ngayon.

"Era, kumuha ka pa ng bulak do'n sa kwarto ko."
Agad na tumakbo paakyat ang kapatid ko kaya naiwan kaming dalawa ni Francis. Mukhang kailangang tahiin ang hiwa niya. Lilinisan ko muna saka tatakpan ng gauze para hindi na magdugo pa.

"Sorry."

Napatingin ako kay Francis nang magsalita ito. Akala niya siguro galit ako dahil sa pag-alis niya, nag-alala lang naman ako dahil bigla na lang siyang bumalik nang dumudugo na ang braso.

"Sa'n ka ba kasi galing? Anong nangyari diyan?"
Hindi ito sumagot agad. Napangiwi siya ulit dahil na din siguro sa sakit, "Na-nalaglag ako."

"Huh?"

Nahihiyang tumingin 'to sa'kin bago sumagot, "Nalaglag ako sa may balcony niyo sa taas."

Kumunot ang noo ko. Pilit kong pinoproseso ang sinabi niyang kwento. Halos masamid naman ako kapipigil ng tawa ng ma-imagine ko kung paano siya nahulog.

Tinakpan ko na ng kamay ang bibig ko para lang pigilan ang tawa pero may kumawala pa ding tunog galing dito.

Ganoon kami naabutan ni Era pagbalik nito. Mukhang naguluhan siya nang makita akong tumatawa at si Francis na mukhang nahihiya, "Anong meron?" tanong ni Era.

Tinignan mo ng mapang-asar so Francis bago sumagot, "Tanong mo dito kung anong nangyari sa kanya." nagkanda-bulol-bulol pa 'ko kapipigil ng tawa.


Hindi na nagtagal sa bahay si Francis dahil kailangan niya agad magpunta sa ospital. Baka ma-tetano kapag hindi nagamot agad ang sugat niya. Gusto ko pa sana siyang samahan pero tinanggihan niya. Tatawagan niya na lang daw si Tito Felix.

"Una na 'ko, Ara."

Nasa labas na kaming dalawa para ihatid siya, "Sigurado ka hindi mo na kailangan ng kasama?" tanong ko ulit dito. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na samahan habang hindi pa dumadating si Tito.

Mahina siyang tumawa bago sumagot, "No need na nga. I can manage," Ngumuso ako kaya lalo siyang natawa, "Alis na 'ko. Ingat kayo dito."

"Ikaw ang mag-ingat. 'Wag mo bilisan mag-drive, baka maputol braso mo." Tumango 'to nang nakangiti.

Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya ay sinara ko na ang gate at dumeretso ako sa pinagbagsakan niya mula sa balcony sa taas. Grabe, ang daming nangyari ngayong araw.

Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang bahid ng dugo o kahit gulo man lang ng mga halaman dito. Wala ding bato o kahit anong matulis na bagay ang pwedeng makasugat sa kanya ng gano'n.

Nagtataka man, minabuti kong bumalik na lang sa loob at isa-walang bahala ang nangyari. Kung ang sabi niya nahulog siya, edi nahulog siya.
Masama maging tamang hinala.


Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon