Malakas na bumubuhos ang ulan at nararamdaman ko ang unti-onti nitong pagdampi sa aking balat. Wala na akong pakialam sa puti kong sapatos at uniporme dahil ang mahalaga ngayon ay walang nakakakitang umiiyak ako.
Ayoko nito! Hindi dapat ako umiiyak! Hindi dapat ako sensitive at bitter sa buhay ng ibang tao!
Lumabas ako ng school at nagsimulang maglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin dahil ang gusto ko lang ay magtago.
Walang hiya naman oh! Kailan ba mawawala 'yung sakit? Kailan ba 'to maaalis sa buhay ko? Lord please naman oh! Parang awa niyo naman na po oh! Pagalingin niyo na po ako! Ang sakit-sakit po sa puso eh. Bigyan niyo na po ako ng kapayapaan at pahinga. Tulungan niyo naman po ako!
Ilang hikbi pa ang ginawa ko at dinama nang dinama ang sakit ngunit lumipas ang ilang minuto nang bigla akong napahinto dahil sa malakas na busina sa tabi ko.
Huminto ako sa paglalakad para siguraduhin kung sino ang nasa loob ng sasakyan.
Halo-halo ang aking naramdaman nang lumabas si Kai mula sa kotse niya pero wala roon ang pagtataka. Bukod sa alam ko ang disenyo ng mamahalin niyang kotse, siya rin ang alam kong taong nililigtas ako palagi sa pagkalunod sa negatibong nararamdaman.
Wala ng iba!
Maya-maya lang ay naramdaman kong hindi na ako nauulanan dahil pinayungan na niya pala ako.
"Magkakasakit ka," tanging sinabi niya at binuksan ang front seat ng kanyang sasakyan.
"B-baka mabasa," komento ko sabay turo sa uupuan.
"Please, pumasok ka na. Ikaw ang inaalala ko at hindi ang kotse ko." Tumango ako at sinunod ang sinabi niya pagkatapos ay mabilis siyang nagtungo sa driver seat.
Kinuha niya ang t-shirt sa likod at binigay sa akin. "Punasan mo ang sarili mo," utos niya na kaagad ko namang sinunod.
Umiling-iling siya habang pinagmamasadan ako. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya at pagtataka. Malamang sa alamang, maraming tanong sa isipan niya kung bakit ginawa ko ito.
Lumalim ang paghinga niya bago magsalita, "Want someone?" tanong niya nang makitang umiiyak ulit ako dahil naalala na naman ang sakit.
Tumango ako na parang basang tuta at nanghihingi ng kalinga.
"Saan mo gustong pumunta?" Tinititigan niya pa rin ako at hindi pa nagsimulang mag-drive .
"Huwag mo muna ako iuwi sa condo unit namin, Kai. Ayaw kong makita nila akong ganito."
"Okay, sige. May condo unit ako malapit dito. Doon na lang, okay lang ba?" tanong niya kaya tumango naman ako.
Dali-dali niyang pinaandar ang kotse. Hindi siya nagsalita at diretso lang ang tingin sa madulas na kalsadang tinatahak namin.
I wonder why this man always there kapag umiiyak na ako? Parang noong nakaraan lang ay sinusulyapan ko lang siya sa malayo dahil hindi kami ganon ka-close, pero ngayon nakasakay na ako sa kotse niya at sinasamahan ako sa malungkot na buhay kong ito.
"Paano mo nalaman na aalis na talaga ako ng school samantalang hindi ko dala ang bag ko?" tanong ko sa kanya, pinipilit itigil ang pag-iyak.
"Naramdaman ko lang. Tinitingnan kita kanina habang nagku-kwento si Ma'am, nakayuko ka lang at hindi mapakali. Sa action na pinakita mo, feel ko sensitive ka sa topic at nakumpirma ko 'yun nang magpaalam ka. After five minutes nagpaalam na rin ako at nagdesiyon nang hanapin ka."
Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti.
"Thank you," maikling sabi ko."Carm, kapag ako ang kaharap mo hindi mo kailangan itago ang tunay na nararamdaman mo."
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...