Its been a week narin simula ng tumira si Even at Calix dito sa bahay. Tulad pa rin ng dati ay palagi silang nagbabangayan at nagpapalakasan.
Sabado ngayon at pupunta ako sa University mamaya dahil magsisimula na kaming umasikaso para sa darating na intramurals which is sa lunes.
"I have to go, Princess. I have my urgent meeting with my business partners" saad ni Even ng makababa siya.
Formal na formal yung ayos niya kaya hindi ko mapigilan na mamangha habang nakatingin sa kanya.
"Mag-ingat ka dito. I will be back as soon as possible" ani nito at agad na ginulo yung buhok ko at lumabas kaya sinundan ko nalang siya ng tingin.
Pagka-alis ng sasakyan niya ay umupo nalang ako sa sofa at agad na binuksan yung tv. May hindi talaga ako maintindihan.
"Umalis na siya?" Tanong ni Calix na ngayon ay may dalang pagkain na niluto niya at nilagay ito sa mesa.
"Oo, kakaalis lang" saad ko at agad na kumuha ng plato para kumain.
"Alam mo hindi ko talaga maintindihan" saad ko sabay subo ng pagkain kaya napatingin si Calix sa akin.
"Ang alin?"tanong nito at agad na tumabi sa akin sa sofa kaya napausog ako. "Si Even at ikaw" saad ko kaya napataas siya ng kilay.
"Si Even parang around 20's na yung age niya pero hindi siya nag-aaral. I mean, hindi mo ba napapansin? Na sa loob siya ng Dean's office. Ganun ba yun kapag anak ng may-ari ng school ay hindi niya na din kailangang mag-aral?" Tanong ko dito. Napatingin ako muli sa kanya ng madinig ko ang pagtawa nito. "Bakit?" Tanong ko muli sa kanya.
"You really don't know anything. Do you?" saad niya kaya napatango ako.
"At the age of 19, Even has already graduated in Oxford University" saad niya kaya nagulat ako and the same time, hindi makapaniwala.
"Seriously?" tanong ko kaya napatango si Calix at agad na itinuon ang tingin sa tv.
"Wow! Grabe! Pwede pala yun?" Saad ko. Hindi talaga ako makapaniwala nanat the age of 19 ay nakagraduate na siya.
"Yes, matalino si Even that's why naging advance siya. Instead of spending his 5 years in highschool ay sa college agad siya itinuloy. He graduated form the course of BSMA or Bachelor of Science in management accounting para na din mapangalagaan niya yung business ng family nila" saad niya kaya mas lalo akong namangha.
"Hinay hinay lang. Baka maging crush mo na siya" saad nito kaya agad ko siyang pinalo sa braso dahil nang-aasar na naman siya.
"Kidding" ani pa niya. "Ako pala yung crush mo" dugtong niya sabay tawa kaya hinampas ko na naman siya sa braso at napatawa nalang.
Natural lang naman sa magkaibigan ang mag-asaran right?
"By the way, Ilang taon na pala si Even?" Tanong ko kaya napatitig siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil alam ko ang kahulugan ng pagtingin niya sa akin.
"Bakit bawal bang magtanong? Ikaw talaga ang hilig mong mang-issue" saad ko kaya natawa nalang siya.
"21" simple niyang sagot at agad na nilagay yung plato niya sa mesa. "Ikaw? Ilang taon ka na?" Tsnong ko sa kanya.
Alam ko namang mas matanda si Calix sa akin kasi 2nd year college na siya. Curious lang talaga ako about sa kanila ni Even. Parang may itinatago sila sa akin.
"21" saad niya kaya napangiti ako. "Magkasing edad lang pala kayo ni Even"saad ko kaya napatigil siya at tumitig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Pero bakit 2nd year college ka palang? I mean diba 21 ka na? Nag stop ka ba?" tanong ko muli kaya nqpasmirk siya na siya namang ikinatayo ng mga balahibo ko.
BINABASA MO ANG
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomanceEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...