DEIB'S POV
"Ddy, iddy!" Nanggigigil na tawag sa akin ng anak ko.
"Da--ddy," pagtuturo ko sakaniya pero tawa na naman yung sinagot nya. Karga ko naman sya ngayon.
Nandito kami sa kwarto ngayon dahil kakagising ko lang at ginising pa ako ng anak kong toh, basa nga pisngi ko e.
"Immy," tawag nya kay Maxpein at tinaas ang kamay na nagpapakarga.
Kinuha sya ni Maxpein at nilaro-laro. "Tara, baba na tayo." Sabi nya.
"Sige," sabi ko at sabay namin kaming bumaba, naabutan naman namin ang mga Moon.
~~
Nangmaka-uwi kami sa bahay ay nagplano si Maxpein na mag Mall daw kami.
"Ano gusto mong kainin, babe?" Tanong ko nung matapos namin mamili.
"Sa korean restaurant tayo," Sambit nya kaya pumunta kami ron.
"a--mmy! Immy," tawag ng anak ko sakaniya.
"Mo---mmy," pagtatama ni Taguro sakaniya.
Sinubuan siya ni Taguro ng konting Gyeran-Bbang, para siyang tinapay lang pero sobrang sarap as in.
Ngumiti naman ang Anak ko at parang gusto pa nga. Tch, matakaw
"Eim-my," tawag nya uli saka ngumanga. Ibig sabihin ay gusto nya pa uli.
"Tch, Paborito nya yan, Babe." Singit ko at nilingon nyako.
"Masarap kasi e, gusto mo?" Alok niya.
"Subuan moko?" Nakangusong sambit ko.
"Tigilan moko, Sensui." Singhal nya.
"Tch. Madamot, makasarili," sambit ko sakaniya at natawa naman siya. Nakita kong humikab si Spaun at mukhang inaantok na ito.
Nagpatuloy kami sa pagkain at nakita kong lumingon si Maxpein banda don sa may Dibdib nya kaya tinignan ko.
Ayon! Yung anak naming tulog, nakasandal ang ulo nya sa Dibdib ng Asawa ko saka nakayakap.
"Ngek! Tulog?" sambit ko.
"Napagod e,"sabi ni Maxpein at nagdahan-dahan para di magising.
Nagpatuloy kami sa pagkain at ng matapos ay binuhat nang Asawa ko dahan-dahan ang Anak namin, gumalaw pa ito pero hindi naman Nagising.
"Akin na, dito na sakin," utos ko.
"Tss, magdala kana lang, ako na dito," sambit nya kaya wala kong nagawa.
Nang makarating kami sa kotse ay pinaandar ko iyon at nilingon ang Anak ko, tulog pa din.
MAX'S POV
Nasa byahe kami ngayon pauwi at tulog na tulog naman ang Anak namin.
"Babe?" Tawag sakin ni Deib Lohr kaya lumingon ako.
"Hmm?"
"Wag kana lang kaya magtrabaho? Bantayan mo nalang yang Anak natin," sambit nya kaya nagitla ako.
"P-pero Deib, may pinapakain kami sa Norte, at puro mahihirap ang mga Tao ro'n, kailangan nila ng tulong namin, saka andito naman si Heurt para bantayan toh," paliwanag ko sakaniya at bumuntong hininga lang siya.
Nang maka-uwi kami sa bahay ay nilagay ko si Spaun sa Baby Crib.
Pumunta ako sa kama at tumabi kay Sensui, pansin kong naiilang siya sakin.
"Woi, Ayos ka lang?" Tanong ko sakaniya.
"Mm," kaswal na sagot nya.
"Tss, bakit ba?" Sabi ko at hinawakan ang mukha nya.
Ngumuso naman siya. "Mamimiss kasi kita e,"
"Tss, Sana diniretso mo'ko kanina hindi yung gagamitin mo si Spaun, haha!" Nakangising sambit ko.
"Tch, Sige na nga, Magtrabaho kana lang," buntong hiningang sambit nya.
Yinakap ko at sumiksik naman siya Banda sa may leegan ko. Hinimas-himas kopa ang buhok niya.
"I Love you," sabi ko.
"I Love you too,"
To be Continued...
Guys! Sorry kung maikli lang muna, saka sorry din natagalan update ko. Kaexcite kasi yung LWL e. Sorry-sorry talaga guys. Babawi ako guys promise.
d--,b
BINABASA MO ANG
He's Into Her (Season 4 On-going)
ספרות נוערThis is the on-going of TagSen. This is connected to LWL. itutuloy ko lang po ang kwento ni Deib Lohr Enrile-Moon at Maxpein Zin Enrile-Moon.