Chapter 24

455 20 11
                                    


Umiiyak ako habang nagtatanggal ng sapatos. Sa condo ako ni Prince ngayon, dito niya ako dinala pagkatapos ng nangyari. Hindi ako makapaniwalang ako parin ang magiging dahilan ng gulo. Masyadong nakakahiya dahil ito yata ang unang beses na magkaroon sa The Heirs.

Wala pa ang labinlimang minuto ng kumalat sa social media at telebisyon ang nangyari, mabuti nalang at hindi nakita ang mukha ko sa mga litrato.

"Gumawa kayo ng paraan ngayon din." Utos ni Prince sa kausap sa telepono. Agad niya akong dinaluhan ng maibaba ang tawag, umiling ako habang patuloy sa pag-iyak.

"Kasalanan ko." Maya't-maya tumutunog ang cellphone ko. Kung hindi ang mga pinsan ko ay si Seiko at Ara ang tumatawag, Pati si Honey nakisali ngunit ni isa sa kanila ay wala akong sinagot.

Tanga man pero si Yvo ang gusto kong tumawag.Siya ang gusto kong makausap. Pero ni isang mensahe galing sa kanya para kamustahin ako ay wala.

"Sssshh. Tama na yan. Hindi mo sinadya, nakita ko." Palubag loob niya. Nakatulog akong umiiyak sa sala, nagising na lamang ako ng marinig amg boses ni Kuya Sirius at Seiko. Iba narin ang suot kong damit, ganon ako ka pagod na hindi manlang naramdaman ang pagpalit sa akin?

"Thank you Prince.." Rinig kong sabi niya tsaka bumaling sa akin. "Let's go home my princess." Malambing pa na sabi ng kapatid ko. Siguro ayaw lang nila dagdagan ang bigay ng nararamdaman ko ngayon kaya hindi niya ako magawang pagalitan.

Kinabukasan ay walang pasok. Binigay kasi ang araw na iyon sa lahat ng staff upang makapagpahinga. Wala man sa sarili ay maaga akong nagising, nasa kitchen si kuya may kausap sa telepono, sinundan niya lang ako ng tingin habang nagsadalin ng fresh milk sa baso hanggang sa tumusok ng isang hotdog.

"Okay. Pupunta kami." Napatingin ako sa kanya, masyado siyang seryoso ngayon.

Ilang sigundo pa siyang natahimik habang pinagmamasdan ang kilos ko. Kung magkakaroon ng girlfriend si kuya di ko na alam kung swerte siya o malas. Masyadong mahigpit pero mapagmahal.

"Kuya Ken called." Pauna niyang sabi.

Tumango-tango ako. "Siya yon?" Walang gana kung sagot habang ngumunguya ng hotdog. Wala akong balak pumasok sa trabaho bukas, hindi ko pa nasasabi kay kuya pero iyon ang plano ko.

"Uhm.. We have a dinner. Mamaya iyon sa Kanza.." Nagsalin siya ng tubig at tsaka umupo sa harapan ko. Nailang ako sa paninitig niya kaya nag-iwas ako ng tingin. "Okay ka na ba? Hindi lang tayo ang naroon mamaya.. Nandoon si Mommy at Daddy.." 

Natigil ako sa pagkain at bahagyang napaisip. Maybe this is the right time? Kung hindi kasi ngayon eh kailan naman.. I bit my lips. Bahagyang tumango kay kuya. Napasinghap siya at tsaka hinaplos ang buhok ko.. Iniwas ko ang sarili sa ginawaya at sabay kaming nagtawanan..

"You can do this. Alam kon matapang ka, pero maniwala ka Selena kailangan mo ako, Kailangan mo ang Kuya Sirius mo."

Maaga akong nag-ayos ng sarili, wala pang alas kwatro ay naligo na ako. Buong araw lang akong nagkulong sa kwaryo ng umalis si kuya. Tanging si Seiko lang at Ara ang nakakausap ko, napasulyapan ko ang bag ko kung nasaan nakalagay ang brown enevelope na galing kay Honey ngunit wala parin akong lakas ng loob na buksan yon. Noon nagmadali akong malaman ang katotohanan, ngunit ngayong nandito na sa akin ang katotohanang hinahanap ko ay nakaramdam na ako ng takot.

Black jumpsuit ang napili kong suotin, siguro naman nasa pribadong resto ang kakainan namin, hindi naman sila papayag na basta nalang ako isasama at nasa publiko. Siguradong maraming magtatanong at ma headline na naman ako bukas. 

Napangiti ako ng kinuha ang white pump shoes ko, matagal ko ng hindi naisusuot ang mga bigay sa akin ni Kuya Sirius. Iyong mga bigay naman ni Daddy ay itinago ko. Lalo lang kasi akong nakakramdam ng galit dahil sa tuwing nakikita at maiisip na baka magkapareho kami ni Kara sa lahat ng bagay na nangdahil sa kanya.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon