CHAPTER 21

65 4 0
                                    

Kinabukasan nagpunta kami sa OB ko, hindi ko kasi alam kung nagkaton ako this month. Sinamahan naman ako ni Dylan. Tuwang tuwa sya at nagdadasal na sana ay buntis nga ako. Hindi ko muna binabanggit kina Mama hanggat hindi pa confirm.

"Congratulations, you're three weeks pregnant." Sabi ni Dra. Valdez naluha ako, hindi ko alam anong nararamdaman ko, naghahalohalo sya. Kinakabahan at natatakot dahil unang baby namin ito pero mas nangingibabaw ang saya dahil magiging pamilya na kami ni Dylan. Hinawakan ni Dylan ang kamay ko at halata sa mata nya na maluha luha sya.

"Magkaka- baby na tayo Love." Nakangiti sya sakin, tumango ako at ngumiti rin. Hinalikan nya ako sa noo.

"Ito ang iinumin mong gamot Elle ha? Pampakabit sa baby at vitamins. Please avoid stress, huwag ka rin kilos ng kilos. Ingatan si baby at all cost. Medyo mahirap at risky ang first trimester." Paliwanag sakin ni Dra. Valdez.

"Kapag may question ka, you can call me." Nginitian nya kaming mag asawa.

Nung natapos kami ay masaya kaming lumabas. Napahawak ako sa tiyan ko, hindi ako makapaniwala na may baby na kami.

"May gusto kaba kainin? May nararamdaman kaba?" Tanong ni Dylan.

"Wala naman Love, tara grocery na tayo?" Yaya ko sa kanya. Dumaretso agad kami sa S&R at kumuha si Dylan ng malaking cart.

"Love and saya saya ko, kailan tayo bibili ng gamit ni baby?" Excited nyang tanong.

"Huwag muna ngayon Love, hindi pa natin alam ang gender, mabilis naman na yun." Sabi ko sa kanya, halata ngang excited sya.

"Eh kailan ba malalaman?" Curious na tanong nya.

"Pag 18 to 20 weeks na si baby." Sabi ko sa kanya, kumuha ako ng frozen foods like chiken, meat, bacon, fish at dinamihan ko ng salmon.

"Sana babae, kailan tayo punta kila Mama at Papa para sana sabihin natin sa kanila yan?" Parang hindi siya kinakabahan sa sinabi nya.

"Next week? Or sabihin na natin thru videocall para alam na nila." Magtatampo kasi yun kapag hindi namin sinabi agad, medyo kinakabahan din ako baka magalit sila though minsan sinasabi nila na gusto na nila mag ka apo.

"Okay tawagan natin mamaya then punta tayo sa bahay bukas?" Panigurado akong matutuwa ang Mama at Papa, pangarap nila to samin eh bukod ang maikasal.

"Sure. Ipagluluto ko ulit si Papa ng Salmon." Tipid na sabi ko habang kumukuha ako ng gatas na para daw sa pagbubuntis ko.

"Love about the wedding, gawin na natin this month? Or pagkalabas nalang ng baby?" Isa ito sa gusto ko kay Dylan, nirerespeto nya yung desisyon ko, hindi siya mag dedecide agad ng hindi sinasabi sa akin.

"Parang gusto ko muna pag focus sa pag aalaga ng baby natin Love, okay lang ba?" Wala namang kaso kung mauuna ang baby sa kasal, mahalaga mahal namin ang isa't isa.

"Okay na okay lang Love, dalawa tayong mag aalaga kay baby habang nasa loob pa sya." Ngumiti sya at hinawakan ang isang kamay ko.

"Love may sabon kapa ba? Shampoo mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na Love paki kuha nalang ako." Kinuha ko naman sya, kakadating nya lang dala dala ang mga chocolates na kinuha nya kabilang isle.

"Chocolates ka nanaman." Hilig nya kasi kumain nyan habang nag tatrabaho kaso napaka tamad namang uminom ng tubig.

"Minsan lang eh." Inirapan ko lang siya at nagsimula na kumuha ng mga iba pang kailangan.

Naupo muna ako dahil napagod kami, si Dylan ang nagkapila sa counter at nagpaassist nalang kami sa mga pinamili namin. Medyo napadami ang bili namin.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon