Prologo
Nakakabinging sigaw ng paghingi ng tulong ang naghari sa tahimik na gabi na nagmumula sa loob ng mansion kung nasaan ang mga kasama ko. At ang nakakabinging tunog ng tambol na gawa ng mga kakaibang nilalang na pinangungunahan ni Lakay Dalem .
TUG TUG TUG TUG TUG TUG
Mula rito sa itaas ng puno ng mangga kung nasaan ako nagtatago, makikita ang mabagal nilang pagpasok sa loob ng mansion kagaya ng plano ko. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila, nakatalikod sila mula sa pwesto ko.Rinig rin mula rito ang pagmumura ng mga kasama ko sa'kin dahil sa ginawa kong pagtra-traydor at ginawa silang pain.
TUG TUG TUG TUG TUG TUG
Napatakip ako ng tainga dahil sa ingay na ginagawa nilang pagtatambol dahilan para mawalan ako ng balanse at muntikan ng malaglag. Nakagawa ito ng munting ingay.
Sabay-sabay na lumingon sa'kin ang mga kakaibang nilalang at hininto rin nila ang pagtatambol.
Saglit na huminto ang mundo ko, wala rin akong naririnig na ingay mula sa mansion. Naririnig ko nalang ang malakas na tibok ng puso ko.
Ang mga katanungan ko ay ngayon nasagot na...
Nakita ko na ang kanilang mga itsura...ang itsura ni Lakay Dalem
----oOOo----
Unang kabanata: Meet Lakay Dalem
BINABASA MO ANG
Lakay Dalem
Mystery / Thriller"Sometimes curiosity is a poison, not only for those who drink it but for everyone around it." ~unknown