Chapter 5

245 17 5
                                    

HABANG nag lalakad siya papuntang classroom niya para pasukan ang second subject hinarang siya ng isang babae at may iniabot na isang peraso ng papel.

"Ahm Dana may nag papabigay sayo" sabi ng babae ng abutin niya ang papel ay umalis din ito agad.

Good morning.Smile girl

Again? Tinapon niya ang papel sa basurahan at dumiresto na sa classroom ng buksan niya ang pinto ay nag sisimula na ang teacher nila sa Earth and life science.

"Your late Ms.Brual"

"I know" walang pasabing pumasok siya at umupo sa upuan niya.Ng makaupo siya ay nagtanong agad sa kanya si Sheki.

"Asan si Jem?"

"Hindi ako tanungan ng nawawalang duwende"

"Baliw...Duwende ka jan"

Lumipat naman sa tabi niya si Lara.

"Kala ko mag kasama kayo?" Tanong ni Lara.

Tinignan niya ng masama si Lara "Pwede ba tigilan nyo ko sa kakatanong kung asan yung babaeng yun.Meron kayong number nya diba? bakit hindi nyo nalang tawagan?"

"Hindi sumasagot"Gustong gusto nya ng sipain ngayon si Sheki dahil sa kakadaldal nito.

"Baka—"

Hindi nya na pinatapos sa pag sasalita si Lara nilagyan nya na ito ng papel sa bibig at ganun din si Sheki.

"Isang ingay pa sisipain ko na kayo"

"Ms.Layar,Ms.Arzaga and Ms.Brual lumabas kayo."

Nauna na syang tumayo at lumabas ng classroom madali syang kausap at hindi na kailangang pilitin maya-maya pa ay sumunod sa kanya ang dalawang kulugong sobrang daldal.

"Dana tara hanapin natin si Jem" aya sa kanya ni Lara.Hindi niya alam kung bakit hinahanap ng mga ito si Jem kaya huminto sya at nag tanong.

"Bakit ba hinahanap nyo yung babaeng yun hah!?"

"Ehh kasi nag aalala ako" sagot ni Sheki.

"Wala lang" sagot naman ni Lara.

Binato nya ng bag si Lara.Kung ang dahilan ni Sheki matatanggap nya pa pero sa isang toh hindi.

"Dana ano ba tam— si Ericka yun diba?" Tanong nito at may itinuro pa mula sa Math Garden ng grade 12.

"Akala ko ba sa ibang school na sya nag aaral?" Iniwan nya na lamang ang mga ito hindi niya alam ngunit parang biglang nag balik lahat sa kanya.Damn you self move on.

Narinig niyang tinatawag siya ng dalawa pero hindi niya pinansin umakyat sya at nag tungo sa rooftop.Ng marating niya ito kitang kita niya ang kabouhan ng school.

Sumalampak siya sa gilid at tumingala.Hinayaan niya ang sariling lamunin ng dilim hanggang sa tuluyan ng humibing ang tulog niya.

LUNCH na ng mapasok siya dahil sa ngayon lang siya nakalabas sa hospital dahil binantayan niya ang Ate nyang nabaril ng may nakasagupang masasamang loob.Yan ang ikinatatakot nya sa trabaho ng Ate nya being a pulis is not easy oras oras nasa panganib ang buhay mo minsan mag aalmusal ka ng death threats gusto nya mang pahintuin ang Ate nya alam nyang hindi ito makikinig.

Nang makarating siya sa Grade 11 building nakita niya si Ericka bago nya pa ito malapitan may bigla nalang yumakap sa kanya mula sa likod.

"Jemmmmm bakit ngayon ka lang saan ka ba ng galing?" Tanong ni Sheki ng bitawan siya nito kasama nito si Lara.Ang pag kakaalala nya ay may klase pa pero—

That should be meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon