chapter 21

19 2 0
                                    

Bumangon ako na masakit ang ulo.

"Are you okay now?" Nag aalalang tanong ni ate Jazz

"Nanaginip ka kagabi. Sinisigaw mo yung pangalan ni Lauv." Sabat ni Clark na kararating lang.

Naguluhan ako sa sinabi ni Clark. Napalinga ako sa paligid ko, nandoon sina Clark, Adrian at Franz pati na rin si ate Jazzy at Vienna.

"Napapanaginipan mo pa sya? Kailangan nating mag-consult sa therapist." Sabi ni Franz at kinuha ang cellphone nya. "Tatawagan ko na din si Mamita."

"You need to rest, Tin." Ate Jazzy kissed my forehead.

Lumabas sila sa kwarto ko ng tahimik. Naiwan akong naguguluhan. It felt so real. Ang nasa panaginip ko ay pinagsamantalahan ako ni Drake at dumating si Lauv.

Naalala ko ang note na kinuha ko kay Drake. Agad akong bumangon sa higaan ko. Sa Kaigo ang sinabi nya.

Naalala kong nakatulog ako ng maaga kagabi kaya nakalimutan kong pumunta doon.

Natigilan ako ng matantong maari ngang buhay si Lauv.

"Shit." Mura ko ng matapunan ko ng tubig ang palda ko habang nasa kusina. Kanina pa ako nawawala sa sarili ko.

Tatanungin ko nalang ba si Drake?

"Anong nangyari dyan?" Tanong ni Adrian at pinunasan ang lamesa.

"Papasok kana?"

Tumango ako sa kanya.

"Kaya ko na naman. Panaginip lang yun." Sagot ko.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na tigilan ko na ang pag-iisip ng masama kay Drake. Naka-upo sya sa tabi ko habang kumakain ng burger nya. Ako naman ay hawak ang milktea ko na medyo nawawala na rin ang lamig. Hindi ako mapakali kung paano ko itatanong sa kanya kung nasaan na si Lauv.

Right, maaring di nya nabasa yung note ni Lauv sa kanya kase nga kinuha ko iyon.

"Okay ka lang?"

"Ayyy! Note!" Gulat kong sigaw ng bigla syang magsalita.

"Note?" Natatawang tanong nya at nilingon ako. Naka-tukod ang dalawang siko nya sa tuhod nya habang naka-upo.

"Uhm, kase..." naiilang ako sa titig nya.

Nagguilty na rin ako dahil pinag-iisipan ko na sya ng masama dahil sa panaginip ko. Letche.

"Drake, paano kung..." di ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko.

"Paano kung?" Tanong nya, gustong dugtungan ko ang sinabi ko.

"Buhay pa si Lauv?" Tanong ko.

Nginitian nya ako at tumingin sa malayo.

"It's too complicated." Aniya.

Di ko ma-gets ang sinabi nya. Bigla nalang syang tumayo at nilahad ang kamay sa akin. Nalilito kong nilagay ang kamay ko sa kanya.

"Do you trust me?" Tanong nya.

Bigla kong naalala ang panaginip ko, pero mas nangibabaw parin ang pagtitiwala ko sa kanya na wala syang gagawin sa akin na masama.

"Yes, I trust you."

"I'll tell you everything, Christine. Just believe me."

Sinundan ko sya palabas ng school. Napapansin ko na papunta kami sa may Darkin Lake. May natatanaw na din akong kulay white na bahay sa may tabi ng lawa at sa likod naman ay kakahuyan.

"That night, the prom night." Umpisa nya kahit di pa kami nakakarating sa bahay na iyon.

"He tried to escape in his father para makasama ka." Aniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon