CHAPTER 22

55 3 0
                                    

Naging madali ang trabaho ko, halos lahat ng pamilya at kaibigan ko ang tingin sakin ay parang basong mababasag sa sobrang ingat nila. Pero hindi mo maiiwasang hindi ma stress sa trabaho, lalo na kapag may makukulit na kliyente hanggat maaari ay si Jess ang kumakausap dahil mabilis uminit ulo ko pero may mga kliyente talagang ako hinahanap.

Nakauwi ako sa Nueva kasama si Dylan tatlong araw lang kami doon at sinulit na namin, maraming habilin si Mama sa amin ni Dylan. Lahat naman ay sinusunod namin. Patinang magulang ni Dylan, madalas bumisita samin lalo na si James, hindi ko alam kung bukal sa loob nya na napunta sa condo kasi parang siya ang pinaglilihihan ko. Naiinis nga si Dylan bakit daw hindi nalang siya baka daw kamukha pa ni James pag lumabas ang bata. Next month malalaman na namin ano ang gender ni baby. Sina Jess at Lors sobrang spoiled ko rin sa kanila, lahat ng kine'crave kong pagkain ay binibili nila.

Si Dylan naman ang mas naaawa ako. Minsan may pagkain akong gustong kainin kahit pagod sya lumalabas pa sya, may time nga na ayoko na sabihin sa kanya yung mga pagkain na gusto ko lalo na at pagod sya galing work. Kasama sya palagi sa check up ko, kapag tinatamad ako at may morning sickness andyan sya. Sabi ng OB ko ay hirap nga daw ako magbuntis kasi namamayat ako which is true.

"Jess ano balita kina Mrs. Thompson?" Tanong ko sa kanya, may travel kasi sila sa Spain next mo eh.

"Oks na Elle, wag mo na isipin." More on tracking nalang ako ngayon, ayaw na talaga ako pag trabahuhin ni Dylan, ako lang ang makulit dahil wala naman ako gagawin sa bahay. Yung pinapagawa naming bahay ay malapit na rin matapos, siguro 2months from now.

"Mabuti naman, jusko stress ako dun kila Mr. Macaraig. Buti at okay na rin." Reklamo ko sa kanya.

"True, wag kana masyado mag isip dyan dahil baka maapektuha ang baby namin. Lalabas ako baka may gusto ka ipabili?" Tanong ni Jess.

"Gusto ko mag kape Jess." Yan yung matagal ko ng gusto.

"Tigilan moko Elle." Mataray na sabi nya. Bawal kasi yung sobrang caffeine sakin.

"Jesssssss nakakapagod, gusto ko matulog." Reklamo ko ulit sa kanya.

"Then go home, rest." Taray ni Loka.

"Wait ko si Dylan." Yun nalang sinabi ko.

"Gurl, kamusta si Dylan? Hanga ako sa sipag at sobrang pagmamahal nun sayo." True.

"Kaya nga eh, lalo ko tuloy siyang minamahal." Para akong batang kinikilig.

"Ang landi mo, sige na bibili lang akong makakain." Lumabas na sya.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan sana si Dylan, agad nya itong sinagot. Lahat ng tawag ko sinasagot nya agad baka daw kasi biglang may emergency, para masagot nya.

"Yes Love? Kumain kana? Kamusta pakiramdam mo?" Malambing nyang tanong.

"Yes kumain na po, lumabas si Jess nagpasabay ulit ako ng makakain. Okay naman ako Love, inaantok lang ng very light. How's work? Not yet done?" Gusto ko sabihin sa kanya na uwi na kami at miss ko na sya.

"Malapit na to Love. Anong gusto mong dinner? Or I'll cook nalang?" Tanong nya. Siya na kasi ang madalas magluto o minsan puro take out ang trip ko.

"I'll cook nalang. Dun matutulog si James paglulutuan ko." Katulad ng sabi ko mas madalas si James don, sabi naman nya ay okay lang dahil tahimik siyang nakakapag review doon and besides nagrereview nalang sya sa bar exam nya. Accounting kasi ang kinuha nya.

"Love nagseselos na ako, lagi nalang si James ang iniintindi mo." Narinig kong nagbuntong hininga na sya.

"Love ano kaba ikaw parin ang mahal ko, it's just that I can't resist his cuteness, pagbigyan mo na ako mawawala rin to soon." Paliwanag ko sa kanya.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon