CHAPTER 33

358 9 1
                                    

CHAPTER 33: WELCOMING PARTY

"Welcome home, Victorina!" Bati ni daddy ng makita ako at niyakap. "Oh how's my granchild?" Tanong niya at kumalas sa yakap.

"Ayun, miss na miss ka nila, Daddy"

Nilapitan ni daddy ang mga apo niya. "Ang laki laki niyo na. Hindi ako makapaniwala na may-apo nako" mangiyak-iyak niyang sabi.

Nag-mano ang kambal at si Zed sa lolo nila. "I miss you, Lolo" ani Zed at niyakap ang lolo niya.

"We miss you too grandpa!"

"Yep! We miss you so much po!"

Sabi ng kambal at kapwa rin niyakap ang lolo nila. Napangiti nalang ako habang nakikita sila. Medyo may katandaan narin si daddy.. Bakas na sa balat nito na tumatanda na talaga siya.

"I miss you too mga apo. From now on, dito na kayo sa hacienda titira.. Lagi ko na kayong makikita"

"Really grandpa?" Sapphire asked in amusement.

Hindi nila alam na hindi na kami ulit babalik sa US. "Yes apo. Dito na kayo titira. Give me more hug twins and Zed, na-miss kayo ni lolo"

Lalong yumakap ang tatlo kay daddy. "I'm excited na to live here lolo Ced" ani Crystal.

"Me too apo. Masaya ako dahil makakasama ko na kayo" ani daddy at kumalas sa yakap. "Let's go inside. May mga bisita kayo sa loob, I'm sure magugustuhan niyo dahil makikilala niyo na ang mga anak ng Tita's niyo"

"Wahh! we're going to have a new friends here, Zaneyy!" Crystal said to her twin.

"Yepp! I'm excited na to meet them, Kaneyy" sabi naman ni Sapphire.

Ganyan ang kambal, meron din silang sariling endearment para sa isa't isa. Ang tawag ni Sapphire kay Crystal ay 'Kaneyy' habang ang tawag namin nito sa kaniya ay 'Zaneyy'

Galing nila 'yun sa second name nila.

"Then let's go inside" sabi ni Zed at kasabay si Zrel na pumasok sa loob habang ako naman ay nakasunod kasama ang kambal.

Pumasok kami sa loob ng hacienda at nanlaki ang mga mata ng makita ang malaking tarpaulin sa entrace. "You did this dad?"

"Yes anak. Tinulungan din ako ng mga kaibigan niyo para asikasuhin itong simple welcoming party para sainyo"

Napangiti nalang ako kay daddy. Kahit kailan talaga ang effort niya rin pag-dating samin.

Tumungo kami sa sala ng hacienda at nakita ang mahabang lamesa na puno ng iba't ibang klase ng pagkain. Nandun narin sina Margo, Xavier, Leann at Kevin... At sa tabi nila, may mga bata rin na medyo ka-edad ng kambal.

Dali daling lumapit samin ni Zrel ang apat na bata at nagmano.

"Hello po. I'm Fawziya Phyrizz" pag-papakilala ng isang bata.

What the hell? Eto na si Fawziya?! Shit! Mukha na siyang dalaga! "Ang laki mo na Ziya!" gulat kong sabi habang pinagmamasdan ang anak nina Kevin at Leann.

I think 16 years old na ito. Lalo tuloy gumanda si Fawziya ngayon dahil medyo nag-dalaga na ang mukha niya.

"I'm Princess Raizen naman po" sabi naman nung isang bata na mukhang ka-edad ng kambal namin.

"Your daughter?" Tanong ni Zrel kay Xavier at tumango ito bilang sagot.

"Ang ganda mo rin Raizen! Kamukha mo si Margo" sabi ko sa bata.

Medyo nahiya ito sa puri ko sa kaniya. "Thank you po"

Lumapit naman ang isang lalaki samin na mukhang kaedad ni Zed. "Hi. I'm Saito Levin, kapatid ko po si ate Fawziya"

Delightful Marriage #1.2 [COMPLETED🍎]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon