March 2014
"Class dismissed."
Agad na nagsi-unat at nagsigawan ang mga kaklase ko nu'ng sinabi 'yon ng adviser namin. Tamad na tamad na kasi kami dahila ang tagal naming naghintay sa kaniya kasi may announcement daw tapos napakahaba pa ng sinabi niya.
Inexplain lang naman niya na malapit na nga 'yung intrams namin. Sinabi niya rin 'yung mga activities na pwedeng mangyari do'n. May mga naka-assign na rin na groups para sa mga designs atsaka kung ano ano pa.
Ayoko ngang pumunta dahil alam kong mapapagod lang ako dahil sa sobrang daming gagawin at mga palaro. Buti na nga lang at napakaraming sumali sa'min sa volleyball, kung hindi, ipipilit talaga nila na sumali ako.
Nung bata kasi ako, tinuruan ako ni mama na mag volleyball. Sanay si mama maglaro no'n, libero pa nga raw ang posisyon niya. Hindi naman imposible dahil napakaganda ng hubog ng katawan ni mama.
Tuwing bakasyon no'n, lagi niya akong tinuturuan o kaya maglalaban kami, kaya medyo sanay ako. Si Ara at 'yung iba kong mga kaklase ko lang ang may alam no'n, pero hindi alam nila Louisse pati ng tropa niya.
Kahit naman na sanay ako, 'di pa rin ako sasali do'n kasi nakakapagod masyado. Mas gusto ko pang magbasa na lang ng sangkatutak na libro kaysa naman do'n. Kaso napakakulit ni Ara at nu'ng buong tropa nila Louisse kaya hindi ako makatanggi na 'wag pumunta sa intrams, susugurin pa raw ako sa bahay namin kapag hindi ako sumipot. Edi wow.
"Pa'no na, jo? Hindi tayo magka-group." Kasalukuyan kong inaayos 'yung mga gamit ko nang bigla niyang pinatong 'yung ulo niya sa balikat ko. Nasa likuran ko siya at nagpapabebe na naman.
Tumawa naman ako ng mahina dahil sa kilos niya. "Ano naman? Mamimiss mo ba 'ko?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Oo." Napatigil ako sa sagot niya. Binibiro ko lang naman siya tapos biglang sineryoso.
"Tumigil ka nga. Magkikita pa rin naman tayo, e!" Sinabit ko na sa balikat ko 'yung bag ko habang hawak ko 'yung mga libro ko. Humarap na ako sa kaniya atsaka kumapit naman siya sa braso ko.
"Kahit na, matagal pa rin tayong 'di magkasama no'n." Reklamo naman niya sa'kin. Tinawanan ko nalang siya atsaka lumabas na kami ng classroom.
Simula nung umamin siya sa'kin no'ng prom, mas lalo na kaming naging close. Bukod sa hinahatid niya ako pauwi, o kaya sinasamahan niya ako sa library o canteen, lagi na talaga kaming nakadikit sa isa't isa. Kahit na nagpa-practice sila, gusto niya akong kasama at nanonood. Hindi nga raw pwede 'yung mga hindi naman kasali sa banda o ano sa Music Room pero in-excuse niya ako. Ang kulit, 'no?
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
Fiksi UmumAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.