Sharpton POV
"a-aray!!ang sakit naman!"sigaw ko kay tanasia ng pinagpapalo niya ako sa ulo
"ayan ang literal na masakit!"sabi saakin ni sharpton at binatukan ulit ako
"aahhh!!tama naa!!!"natatawa kong sabi dahil halatang nag alala siya
"Nyemas ka!! Akala ko naman may dadagdag nanaman sa problema ko"sabi nito at tumigil na sa pambabatok sakin
"marunong ka palang mag alala?"tanong ko sakanya
Agad naman itong natigilan at nanahimik
"mukha ba akong nag aalala?"sabi niya saakin
"Hindi naman slight lang"sabi ko dito
"kalokohan, pero totoo bang masakit yang ulo mo? Hindi ako nag bibiro"seryosong tanong nito saakin
Tumango naman ako sa kanya at hinaplos ang ulo ko dahil tadtad ako ng hampas sa ulo ni tanasia
"ang totoo nga ay sa mga hampas mo ako nasaktan...."sabi ko dito
"hindi ko naman sinasadya nairita lang talaga ako.."sabi nito saakin
Ngumiti ako at umiling iling bago ko buksan ang pinto para lumabas
"oy hintayin mo nga ako! Baka gusto mong mawalan ng trabaho!..."sigaw ni tanasia habang papalayo na ako sa kotse niya
Hindi ko parin ito pinansin at nag lagay ako ng earphone, pinindot ko ang Creep na kanta sa cp ko at binulsa ko ito
Binuksan ko ang elevator at ng makapasok na ako ay isasara ko na sana kaso may pumasok na kamay dito
"IKAW!!!"duro sakin tanasia ng bumukas ang pinto
Tinanggal ko ang isa kong earphone
"anong ako?"tanong ko dito
"binge kaba?!!"sigaw ulit nito
"hindi,nakita mo naman na naka earphones ako kanina diba?"sarkastikong sabi ko dito
"balakajan....."bulong nito kahit narinig ko naman talaga
Nang pipindutin ko na ang 4th floor ay nagulat ako ng magsagi ang kamay namin ni tanasia
Nagulat din ito sa ginawa niya at napakamot ng ulo
Pipindutin niya rin ba ang 4th floor??.....
Tumingin lang ito saakin at umiling, ewan ko pero may part saakin na natawa or na weirduhan
Hindi ko na ito pinansin at hinintay ko nalang ang floor ko
TING!!!
Bumukas na ang pinto ng elevator ko at tumingin naman ako kay tanasia
"paalam na...at g-good n-night...."sabi ko dito sabay talikod dahil ayaw ko ng marinig mga sasabihin nito saakin dahil baka pangit pa ang sabihin nito
Pag pasok na pag pasok ko sa kwarto ay naligo agad ako dahil sa sobrang init at pawis na pawis ako
At pag katapos ko dito ay humiga ako sa kama at nag pakawala ng sobrang lawak na ngiti
Ang ganda pala niya pag nakangiti...hindi na maalis sa utak ko ang mga galawan niya kanina sobrang layo sa nakilala kong tanasia
Naiisip ko parin hanggang ngayon ang galawan niya ng niyakap siya ng bata at pinatahan niya ito para bang siya ang nanay nito
Napailing ako dahil ibang klase ang ugali ni tanasia nag aangas angasan lang siya pero may tinatago itong kabaitan sa loob nito
Ewan ba kung bakit nasasaulo ko ang galaw niya masipag siya pag dating sa trabaho at mas lalo na sa pag utos saakin ng kung ano-ano pero habang tumatagal ay nagiging mabait na ito saakin katulad ng pag treat niya saakin kanina....
Hindi rin nagtagal ay nakatulog nako kakatunganga
***
Pag kadilat ko ay agad ako napatingin sa orasan
8:02AM
Nagulat ako bigla dito dahil ang oras ng trabaho ay 8:30am
Fudge yari ako nito!!!!tuktok nanaman sa ulo ang aabutin ko..
Agad akong nag madali at lago at tumakbo pa puntang elevator
Wait?!mag kotse nalang kaya ako
Tinignan ko ulit ako oras at 8:19 na
No choice!!
Bumalik ako sa apartment ko at kinuha ko ang susi ko ng kotse
At hindi nag tagal ay nakapunta na agad ako at pinark ko ito sa parking lot
"OOOPSS!!teka teka....."biglang may pumigil sa akin na lalaki at sa pagkakaalala ko ay siya si rex ang kaibigan ni tanasia
"late nako wala akong time sa ganyan..."sabi ko dito pero nakaharang parin ito
"kotse mo ba ito?ang ganda ah"sabi nito habang hinahaplos ang kotse ko
Yan na nga ba ang kinakatakutan ko eh yung pag titripan yung kotse ko...
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong cctv na naka tutok mismo sa kotse ko
Salamat naman safe.....
Bumuntong hininga ako at hinintay ko siyang tapusin ang pag hahaplos sa kotse ko
"pwedeng pahiram??"tanong nito bigla
"wait ano ka swineswerte? Bawal"sabi ko sakanya
Pero nagulat ako ng maglabas ito ng piso at alam ko na ang babalakin niya...pang gasgas sa kotse ko
"nakikita mo bayun!"turo ko sa cctv na nakatutok samin
"oo naman..."sabi nito
"ako rin, pero pag ginawa mo yan sa kotse ko kukuhain ko yang copy niyan at isusumbong kita kay tanasia"sabi ko dito
"ah!baka nakakalimutan ko na kaya kong burahin lahat ng yan para walang motibo!"sigaw nito saakin dahilan ng paglunok ko dahil may punto siya
"hindi naman yan laruan na hinihiram hiram lang ng basta basta"sabi ko dito
"alam ko pero isang beses lang naman pre"sabi nito
Anong pre? Prehin mo yang mukha mo!!
Tumingin ako sa orasan ko at hindi ko na ito na isip 8:35 na
Potek!!!!!!naman oh!!! Ayaw kong umitin ang ulo ko sa lalaking ito pero siguro isa lang ang paraan para tumigil siya....ipapahirap ko nalang sa kanya
"bakit mo ba gustong gamitin ah!"sabi ko dito na medyo naiinis na
"gusto ko lang naman maranasan hindi naman masaba diba?"sabi nito
"oh eto na ingatan mo yan ah bibigyan kita ng 1hour para gamitin yan.."sabi ko sabay bato ng susi sa kanya
"got it sir!at pumunta ka nalang sakin pag kuhain mo na yung susi nandun lang naman ako sa office ko mag tanong kana lang sa kanila kung saan yun..."sabi nito at sumakay na ng kotse ko
Tumalikod na ako para malabas ko ang galit kong mukha at pasikretong napa bad finger
Kapal ng pag mumukha ng lalaking yan....
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.