Kabanata 17

1.9K 74 24
                                    

Veronica's PoV

Maaga kaming gumising dahil napagdesisyunan naming bumisita sa bagong bahay nina Carmela at Tisoy sa kabila ng Ilog ng Pag-asa. Nakasuot lang ako ng simpleng puting baro't saya habang may bitbit na bayong kung saan nilagay namin ni Imelda ang baon naming mga pagkain.

"Handa na ba kayo?" tanong sa amin ni Juan. Rated K ka ghorl?

"Oo, tara na." wika ni Imelda kaya pumanhik na kami. Si Lola Mysterious ay mas piniling nag-paiwan sa bahay kasama ni Angelita dahil tuturuan daw niya itong magsulat at magbasa.

"Ay! punyeta!!" sigaw ko nang muntik na akong madulas sa huling batong nilalakaran namin bago makarating sa kabilang dulo ng ilog.

 "Por diyos por santo Veronica mag-iingat ka baka ika'y mahulog jan may sabi sabing pagnahulog ka jan mapupunta ka sa ibang panahon." napatigil ako sa sinabi ni Imelda.

"Mapupunta sa ibang panahon??" tanong ko sa kanya. 

"Oo. Lalo na raw pag alas-sinco o alas-sais na ng hapon." sagot niya. Napaisip naman ako ang pagkakaalam ko hindi ako nahulog sa isang ilog nadapa ako at nasa Bulacan ako noon kaya imposibleng dahil sa ilog na ito nakarating ako dito.

"Pati nga sa Bulacan may ganyang sabi sabi. Itong ilog kasing ito ay mahaba at matatagpuan sa Bulacan ang dulo nito. At kapag nadapa ka daw sa tapat ng nag-iisang puno ng matandang accacia na matatagpuan sa dulo ng ilog ay mapupunta ka sa ibang panahon. Kaya nga iniiwasan naming dumaan doon eh." mungkahi naman ni Juan.

"May kwento pa nga na may isang binatilyo na naggaling sa modernong panahon ang napadpad dito sa ating panahon sa katauhan ng isang kolonel. Ewan ko lang kung totoo." dagdag pa niya. Nagulat naman ako hindi kaya may kagaya pa akong taong nakabalik sa panahong ito.

Inalala ko naman ang mga nangyari sa akin noong araw na iyon. Nasa Bulacan ako noon para sa training bilang army doctor. Pilit kong inaalala lahat ng mga nangyari.

--flashback—

"Hi Dra. Flores!!" bati sa akin ng isang lalaking nakauniporme. I guess he is 22 or something. I graduated on UP med school last 2016 and now i want to pursue my dream to be come a military doctor. I have a license na kaya lang I need to train too.

"Hello??" sagot ko sa kanya. It is my second day here sa campo dito sa Bulacan and i want to roam around kaya lang nagkaroon ng emergency kaya hindi na ako tumuloy. 

"I'm Cpt. Vincent Enriquez III,  23rd infantry battalion." pagpapakilala niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Dra. Veronica Estrelle Flores. Military Doctor on training, it's my pleasure to meet you but would you mind if aalis na ako 'coz may pupuntahan ako." he just nodded and smiled. I get my bag and proceed on the operating room.

Everything goes well hanggang sa hindi ko namamalayan na last day na namin ito. Kakukuha ko lang ang aking lisensya. And i decided to roam around the camp, ang sabi nila nandito daw sa likod ng campo ang ilog na tinatawag nilang Ilog ng Pag-asa mahaba ito hanggang sa Quirino, Ilocos Sur daw.

"Hey, Doc. Saan punta mo?" tanong sa akin nung sundalong nakasalubong ko as far as i remember he is Sgt. Gomez. 

"Oh, maglalakad lakad lang ako kasi last day na namin dito." tugon ko sa kanya.

"Punta kayo sa likod ma'am?" tanong niya ulit sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilng sagot.

"Nako, mag-ingat po kayo jan kasi nung pumunta si Capt. Enriquez diyan eh natagpuan walang malay tas hanggang ngayon wala pa ring malay. Ang sabi-sabi baka naengkanto o ano." nanakot nitong wika.  Maniniwala na sana ako pero nakita ko si Capt. Enriquez na kumakaway sa amin habang naglalakad.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon