CHAPTER 23

69 3 3
                                    

Abala ang mga tao ngayon. Nandito kami kina Dylan dahil gender reveal party ko ngayon. Ang ganda ng set up actually, puro pastel pink at blue lang. si Lors at Jess ang pinagbigyan ko nung result kaya silang dalawa lang ang nakakaalam. Halos mamatay na si Dylan kakaisip, sabi pa nya ay sabihin na ang gender tapos mag party nalang. Parang baliw, sinisira yung moment ko.

Andito rin sila Mama, Papa, Elias at Elle. Si Mama at Papa ay kausap ang Parents ni Dylan habang si Elias ay kalaro si James ng ps4. Mabilis magkasundo ang magulang namin dahil na rin siguro ay parehas silang mababait maswerte nalang talaga ako dahil wala akong problema sa ganong issue.

"Excited naba ang Mommy Elle?" Sabi ni Jess. Binuksan nila yung box ng cake. Ang cute ng design nya, may dalawang ice cream na nakataon sa cake na parang natutunaw kulay blue at pink. Kapag hinati ko ito ay lalabas yung cocolated dun at kung anong kulay ang lumabas ay ayun ang gender ni Baby. May party poppers din na color pink or blue ang laman. Kung anong kulay ay ayun ang gender ni baby.

"Super! Feeling ko lalaki to dahil ang panget ko magbuntis" sabi ko sa kanila.

"Gaga ang ganda mo nga eh blooming ka." Sabi naman ni Lors.

Nagsimula na ang party, nagkaron kami ng games. Ang una ay predictions for our baby. Huhulaan nila ang gender, date of birth, hair color, eye color and name suggestions. Nakakatuwa dahil kahat sila ay nakikisali. Second game is Stashes or Lashes, nilagay nilasa board yung hula nilang gender at name na gusto nila sa bata. Ang gaganda ng suggestions nila. Kung ano anong games na yung ginawa namin at lahat naman ay nag enjoy, nung napagod na kami ay kumain na kami.

"Nako sana talaga ay babae" sabi ng Mama ni Dylan.

"Ay babae din ang gusto ko para mabilis palakihin hindi matigas ang ulo" sabi naman ni Papa.

"Nako sinabi mo Pa, ang babae ay mas masunurin. Hindi nga lang pinagkaloob samin." Sabi naman ng papa ni Dylan.

Nagkkwentuhan kang kami habang nakain habang si Dylan ay tahimik dahil excited na malaman ang gender ni baby. Ang cute nya. Haha.

"Tara na start na tayo? Matagal paba?" Tanong ni Dylan na halatang naiinip na.

"Nako halika na at naiinip na ang daddy."  Biro ko sa kanila.

"So ganito, elle ikaw ang mag sslice ng cake habang nag sslice ng cake si Elle ikaw naman Dylan ay bubuksan mo ang party popper." Paliwanag ni lors.

"Wooooh Lalaki yan!" Sigaw ni Jerald. Pambwisit talaga.

"I'm confident it's a girl." Pambasag naman ni James.

"Okay ready in 3, 2, 1" sabay sabay silang bumilang, habang hinihiwa ko ay naiyak ako dahil pink cocoloates yung lumabas, kasabay non ay ang pagbagsak ng puro pink na powder mula sa itaas ko.
Lahat nagsigawan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Jusko salamat panginoon at tinupad mo ang kahilingan namin." Sobrang pasasalamat ng mama ni Dylan. Nakita ko naman si Papa ko at Papa ni Dylan na nag apir pa na parang magtropa lang, yung kapatid ko ay magkayakap ganun din si Lors at Jess. Naiiyak ako literal.

Nilapitan ako ni Mama at Papa kasama sina Elle at Elias. Niyakap nila ako.

"Magiging ina naka na anak, hindi parin ako makapaniwala." Sabi ni Mama habang pinupunasan ang luha nya.

"Sobrang proud kami sayo. Palakihin nyo ng maayos ang magiging apo namin ha?" Sabi naman ni papa. Hinalikan nya ako sa noo kaya lalo akong naiyak.

Pagkatapos nila ay si Papa at Mama naman ni Dylan ang lumapit kasama sina James at Jerald.

"Congrats Anak at salamat binigyan mo kami ng babaeng apo." Sabi ni Mama at niyakap ako.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon