PICKY 53: He's Back

133 5 0
                                    

KAITEY

"Oh yeah! Whoa! Let's party party!" Parang nakakatakas palang sa hawla na sigaw ni Suzy habang nag he-head bang sa malakas na music dito sa loob ng bar. 

"Cheers!" Sigaw ko habang itinataas ang wine glass na may lamang alak. Humahagikhik na nakipag cheers naman sakin si Suzy. Grrr! Nakakainis talaga yung nerd na Vivian na 'yun! Hindi manlang sumama samin ni Suzy. Mukhang pinaghihigpitan nga talaga siya ng mukong na si Steven. Kawawa naman yung kaibigan naming yun, mukhang hindi pa nakaka-experience na makapasok sa isang bar. Tsk.

Mabilis na linagok ko ang laman ng aking wine glass at hindi na ininda ang pait na dala ng alak. The truth is ako talaga ang nakipagyaya kay Suzy na pumunta sa bar na ito. I just want to enjoy and remove all my stress tonight. Buti nalang at parating ready to go 'tung si Suz. Lalo na kung ang usapan ay bar. Nako mukhang suki na nga siya dito eh. I think all the bartenders here ay kilala na siya. Also this is my first time going here in a bar. Wala namang mali kung pumunta na ako sa mga bar na katulad nito. Duh! I'm already in my 20's at wala na namang nagbabawal sakin. Yes! Wala. Damn it! Single ako ngayon.

Tss, wala namang boyfriend na sumuyo sakin nitong nakaraang tatlong araw. Mukhang nawalan na siya ng pake. Grrr! Dun nalang siya tumira sa New York!

"Kait, stop gripping that poor glass" Nakangiwing sabi ni Suzy. Napatingin naman ako saking kamay na mahigpit na nakahawak sa wine glass. I sighed at inilapag nalang ito sa counter island.

"We're here to enjoy. Diba ikaw mismo yung nagsabi sakin na tonight we need to forget the damn problems and just freaking enjoy!" Malakas niya pang sabi dahil sa lakas ng tugtog ng music at hindi kami magkakarinigan kung hindi namin lalakasan ang boses sa pag-uusap.

"Yeah! Whoa let's go to the dance floor!" Hiyaw ko habang napailing naman siya. Hinila kona si Suz sa dance floor at sumabay na kami sa beat ng music. Ramdam kona rin na tinatamaan na ako ng alak. Sunod sunod ba naman yung inom ko kanina.

Isang iglap ay nawala nalang si Suzy sa tabi ko and she's nowhere to find. Hindi ko nalang iyun pinansin at hahanapin ko nalang siya mamaya. Pinagpatuloy kolang ang pag-indak sa music hanggang nakaramdam ako na may pumulupot na mga braso saking bewang. Mabilis na napalingon ako kung kaninong braso iyon at nagsalubong ang kilay ko ng makita si Hendrix na nakangisi sakin. Halos magkadikit narin ang aming mga katawan and i think lasing narin ito.

What the hell is this moron doing here?!

"Hey! Finally nahanap rin kita. I didn't know that you're also going here in a bar like this" nakangising aso na sabi nito. Napaikot naman ang eyeballs ko at pilit na tinatanggal ang nakapulupot niyang braso. But he's so strong. Dahil sa nanghihina na ako sa kalasingan ay pinabayaan ko nalang muna.

"The f*ck you care asshole!" Mas lalo naman itong ngumisi.

"Mas lalo kalang naging hot sa paningin ko Kaitey. You know how much i badly want you to be my girl" May bumangga naman sa likod ko kaya napayakap na ako kay Hendrix. Nagsitindigan naman ang balahibo ko ng haplusin nito ang aking likuran. I'm wearing a backless dress thats why. Itinulak ko naman siya pero hindi naman siya natinag sa kinatatayuan niya. Geez! Nasaan na ba kasi si Suzy!.

"Back off jerk! Wala akong oras para sa mga gagong tulad mo" sumama naman ang timpla ng mukha nito at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. The hell, kelan niya ba ako lulubayan?!

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon