"Therese, asan ka na? Magsisimula na ang program!" Sabi ng co-teacher ko.Dali dali akong naghanap ng taxi. Shit! Sana hindi na lang ako naghintay ng jeep in the first place kung wala rin lang namang bakante. Ba't ba ang daming mga tao ngayon? Saktong sakto oa sa event namin!
"Aray!" Impit na sigwa ko ng mabali ang suot suot kong heels. Naman oh! Ba't ba kasi ngayon pa nagkamalas-malas? "Taxi! Para po, para!" Habol ko kay mamang driver, mabuti na lang at medyo mahina ang takbo niya kaya malapit lang ito sa akin.
"Manong l'fisher hotel po. Salamat po." Sabi ko dito at kinalikot na ang sira kong sapatos. Taranta kong kinuha sa bag ang phone ko ng tumunig ito. Mabuti na lang at malapit na talaga ako sa venue!
"Therese! Nandito na ang ibang studyante mo! Nasaan ka na ba?" Bulalas nito sa kabilang linya na parang nagpapanic na. "Therese, may mga bata rin akong aatupagin, hindi ko kaya ang mga chikiting mo! Napaka-hyper nila!" Kahit kailan may dugong OA rin itong si Kit. Ang behave kaya ng mga students ko!
"Malapit na ako, nasa starbucks na! Manong pakibilisan po ng konti." Nako, Rese sino ba ang may sabi na mag jeep ka? Alam mo namang may event, e!
"Miss, nandito na tayo." Pagkatapos kong magbayad agad akong nagmadaling bumaba. Agad kong nadatnan ang dami ng mga babae sa labas ng hotel. Ah, siguro sa pupuntang celebrity ang sadya ng mga 'yan. Hindi na ako nag atubiling sumiksik sa kumpulan at naisipang sa likurang entrance ng hotel na lang dumaan.
Sa likurang entrance naman nandoon ang tatlong black na van na naka tinted ang mga bintana. Hula ko sasakyan ng mga artista 'yan. Rinig ko kasing may pupuntang celebrities ngayon, e.
"Teachew Wese!" Napabaling ang atensyon ko sa batang tunatakbo palapit sa akin. Basang basa ng pawis ang mukha nito at puno ng tsokolate ang pisnge at damit. Nakaputi pa naman ito!
"Zee! Anong nangyari? Ba't ganyang ang mukha mo?" Kinuha ko ang wet wipes sa bag ko saka pinunasan ang mukha nito.
"Teachew, maywoong po doong chocolate fountain! Ang sawap sawap po!" Kuwento niya na halata ang mukha sa tuwa.
"Nako naman, Zee. Masyadong maraming chocolate na ata ang nakain mo? Sige ka magkakaroon ng worms diyan sa ngipin mo." Pananakot ko sa kanya.
"Teachew, samahan mo po akong mag toothbwash mamaya, ah?" Mangiyak ngiyak na sabi nito at pinahiran pa ang tumutulong sipon niya.
"Sure, halika na. Aayusan kita ulit." At kinuha ang kamay at nagtungo na sa loob ng venue.
Makikita mo talaga na napakaraming bata ang nag eenjoy. May iba sa kanila na tuwang tuwa sa mini playground na nasa likod lang ng mga upuan.
"Beh, rinig ko daw na maraming gwapo ang pupunta ngayon." Si Kit na kinilig kilig pa.
"Gwapo man, wala naman tayong pag asa sa mga 'yon. Ang sisikat ata ng pupunta ngayon, e. Ang dami nga nilang fans sa labas kanina." Putol ko sa daydream niya Mabuti rin 'tong UNICEF at naisipan nilang puntahan ang Bacolod, lagi na lang kasi sa Luzon o di kaya sa Mindanao sila pumupunta. Marami ring bata ang nangagailangan ng sapat an suporta dito, lalong lalo na sa orphanage na pinag-vovolunteer-an ko. Kaya kahit olang weeks lang itong charity na 'to thankful kaming mga guro na isa sa malalaking foundation ang naisipang tumulonh dito sa amin. Bonus pa na may mga artistang dinala!
"Oh my gosh!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Kit at ng ibang tao sa loob ng venue. Siguro ang mga artista na 'yon.
"Let's all welcome, NCT 127!"
"Anak ng tokwa..."Iba ata ang narinig ko sa emcee? Or sila talaga? Tinignan ko ulit ang stage kung nasaan ang grupo. "Sila nga!" Bakit sila pa? Atsaka ba't sila napayagan ng company nila na sa Pilipinas mag charitu work? First time atang may pumuntang malaking kpop group dito sa Bacolod? Nag iba ba ang ihip ng hanging sa SM Town?
"To the world we are NCT! Hi, we are NCT 127!" sabi ni Taeyong, leader nila. Agad namang dumapo ang mata ko sa kaisaisahang tao na pumasok kaagad sa isip ko. Wala pa rin talaga siyang pinagkaiba. Except lang na mas naging mature ang mukha niya at lalong gumwapo ito. Naka-smile din siyang tumitingin sa mga batang nasa paligid nila. Kamusta na kaya siya? Sila?
"Beh, tulala ka ata?" Uyog sa akin ni Kit na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"Ah, wala." Saka ako yumuko. Matagal na rin akong tumigil sa panonood sa kanila. Nakikita ko lang sila paminsan minsan sa local news. Mabuti naman ata ang kalagayan nila ngayon. Pati si Haechan at Mark mature na rin tignan. Nakakatuwa naman kung gano'n.
"Nagwagwapuhan ka sa kanila no?" Sabi nito na may malokong ngiti. "Nako, beh okay lang 'yan ano! Hindi forever single ka, landi landi rin kasi kahit slight lang! Para ka namang matandang dalaga niyan. Hindi ko nga gets ba't gustong gusto ka ng mga bata e para ka namang walang happiness sa life!" OA nga hindi naman ako matandang dalaga! Talagang conservative lang ako. Atsaka gusto ako ng mga bata kasi hindi ako maingay, hindi kagaya ni Kit na parang nakalunok ng microphone sa sobrang ingay.
Agad ko silang tinignan sa pinakaunahan na table. Hangganh ngayon makulit pa rin talaga sila, parang mga baliw lang na pinagtitripan si Doyoung. Tahimik akong napatawa sa pagmamasid lang hanggang sa napunta ang paningin ko sa kanya na nakatingin rin pala sa akin.
Parang bigla kong nahugot ang aking hininga ng tignan ako nito sa aking mga mata. Hindi ako makahinga ng maayos, ang puso ko nagwawala at para akong nalulunod sa mga titig niya! Ang mga mata niya, kumikinang pa rin.
"Teachew! Pwede po bang mag c. awr?" Naputol ang tingin ko sakanya ng lumapit si Zee sa harapan ko.
"Yes, naman po. Halika?" Hindi ko na muling ibinaling ang mga mata ko sa kanya at dinala na lang palabas si Zee papuntang comfort room.
"Teachew! I wanna be like them!" sabi nito habang nakaupo sa basin at sinisway pa ang kanyang mga paa.
"Sinong sila, Zee?" Nagtatakang tanong ko.
"Those handsome boys po, teachew. Gusto ko rin pong sumayaw at kumanta kagaya nila." Sabi nito at saka siya sumayaw sayaw na parang lumilipad na ibon.
" Gusto no'n ni, Zee?"
"Opo!"
"Edi kailangan ni Zee na mag work hard para maabot ang kanyang pangarap. Kailangan rin ni Zee maging matatag para maging kagaya nila." Payo ko dito habang sinusuotan siya ng shorts niya.
"I will, teachew!" Saka tumalon-talon ito palabas ng banyo. Hindi ko pa nga naayos ang pagkaka tuck-in niya! Kahit kailan talaga ang batang 'to! Napakakulit!
"Zee, wait! Aayusin pa natin ang damit mo!" Habol ko dito ng makita siyang hawak hawak na sa kamay ng isang lalake.
"Teachew! He's handsome oh!" Namilog ang mata ko ng napagtanto kung sino ang lalaking humahawak kay Zee.
"Jaehyun." Napayuko ako sa sobrang kahihiyan at awkwardness na nararamdaman ko.
"Therese, long time no see."
BINABASA MO ANG
Tell Me Your Heartaches
Storie d'amoreWe just want someone to be there for us. NCT 127 Jaehyun