Chapter 21
I didn't know what was happening. I can't understand why Diego was mad at me.
What the hell was going on?
"Putangina mo talaga, e!" he shouted through gritted teeth.
"What? Bakit ako?" tanong ko nang malumanay. Fueling up his anger would be no help.
"Kasalanan mo 'to, e!" sigaw na naman niya. Umamba pa siyang sasapakin ulit ako pero agad siyang napigilan ng kapatid niyang si Raven.
Si Cassy naman ay nagu-gulantang sa ikinikilos ng kanyang kapatid. Magka-tabi sila ni Sef sa sofa habang naka-tulala lang sa amin, halatang hindi alam ang gagawin.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Paano naman naging kasalanan ni Gab na hindi pumayag si Sir Marlon sa gusto mong ipa-gawa?" sigaw ni Raven sa kapatid.
Hindi pinakinggan ni Diego si Raven. Sa halip ay humarap muli siya sa akin at dinuduro ako sa mukha.
"This is your fault! You didn't convinced him harder kaya hindi siya pumayag! Ano na lang ang mangyayari kay Lani kapag nalaman ng parents niya na may bagsak siya? Tangina mo talaga kahit kailan, e!" Diego yelled at my face.
I took a very deep breath.
Hindi ko siya maintindihan.
"Why would you blame me for something that is out of my control? Sir Marlon told me that there are reasons why he gave Lani that grade. Aware ka ba sa kung paanong estudyante si Lani sa klase niya?" mariin kong sinabi.
I'm not gonna shout back at him. I knew better than this. He's still my cousin. Problemado lang siya ngayon kaya siya nagkaka-ganyan.
"Huwag kang magsa-salita ng masama tungkol kay Lani! Palibhasa kasi self-centered person ka! Kaya nga namatay buong pamilya mo kasi sarili mo lang ang iniisip mo!" sigaw niya na naman sa mukha ko.
As much as I wanted to calm myself down, I just couldn't. He pulled the trigger that would make me explode. Iyon ang dahilan nang pagka-putol ng natitirang pasensya na meron ako para sa kanya. Bigla na lang nangati 'yung kamay ko at hindi ko na napigilan ang pag-sapak sa mukha niya. Mabilis namang lumapit sa akin si Sef para umawat.
"Tumigil na nga kayong dalawa!" sigaw naman ni Cassy na ngayon ay naka-tayo na rin dahil sa nangyari.
Masama ang tingin namin ni Diego sa isa't isa. Hindi ko na alam kung bakit nangyayari 'to. Gets ko naman na problemado siya sa grade ng girlfriend niya. Ang hindi ko lang maintindihan... bakit ako 'yung sinisisi niya sa nangyari? Nagawa niya pang ungkatin 'yung sensitibong pangyayari sa buhay ko.
"Wala kang alam sa nangyari nung araw na 'yon," mariin kong sinabi sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Pasalamat ka na lang kinupkop ka ng mga magulang ko," sambit niya bago naglakad palabas ng mansyon.
Natulala na lang ako sa kawalan. Agad akong nahimasmasan nang tapikin ni Raven ang balikat ko.
"I will talk to him," sabi niya bago sundan ang kapatid sa kung saan man siya maaaring pumunta.
Tinapik din ni Sef ang balikat ko. "I'm sorry about that, bro."
Agad akong umiling. "Nah. It's okay. Punta lang ako sa kwarto ko."
Ngumiti lang siya saka tumango. Nag-paalam din ako kay Cassy bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ko.
Saka ako naka-hinga nang mabuti nang nasa loob na ako ng kwarto. I can't believe what just happened.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #2) Lost Steps (COMPLETED)
Ficción GeneralGab Nikko Ignacio is an orphan living with his four cousins. A day came, in the library, a girl named Ciarra Flojo caught his attention because she's reading the favorite novel book of his mom. She caught more of Gab's attention when she uttered the...