CHAPTER 24

73 5 1
                                    

Trabaho, condo lang palagi set up namin ni Dylan. Mas naging busy sya sa work nya dahil lumalaki na lalo ang business nila. Nasa hospital ang Daddy ni Dylan dahil inatake ng high blood, sa ngayon ay stable naman sya. Palagi naming binibisita gabi gabi.  Ang bilis nya nga maka recover pero kita ko sa kanya ang pagod. Dala na rin siguro ng pagtatrabaho nya para mapalaki ang mga business nila.

"Elle, Tumawag si Mrs. Thompson may group departure sila next next month. Europe ulit 100 plus pax." Sabi sakin ni Jerald at naupo sa upuan sa tapat ng mesa ko.

"Wow! Ang hilig talaga nila mag travel buti nalang talaga at satin sila napunta." Sabi ko kay Jerald habang umiinom ako ng tubig.

"Ang sabihin mo, buti nalang at magaling ka." Sabi naman ni Jerald.

"Gusto ka daw nya makausap, baka daw pwede sagutin mo ang tawag nya. Pag bigyan mo na mukhang hindi ka naman ma s-stress sa isa na yan." Payo pa ni Jerald. Napag usapan kasi namin na siya mag hahandle ng accounts ko or si Jess. Pero since big client naman to eh hindi naman siguro sakit sa ulo to. Kilala ko na pati si Mrs. Thompson.

"Oo sige ako na ang tatawag tatapusin ko lang ang ginagawa ko." Pag payag ko sabay tutok sa laptop ko.

"Kamusta ang baby? Still no name?" Oo nga pala, hindi parin kami nakakapili ng pangalan.

"May lists na  kami, mamimili nalang. Huwag kang excited Jerald." Tawa ko sa kanya.

"Ito naman nagtanong lang. Kamusta si James? Hindi ba sakit sa ulo?" Tanong ni Jerald. Sa amin na kasi nag sstay yung isang yon. Para na rin daw mabantayan nya ako kapag wala ang Kuya nya.

"Nag reready na para bukas. Huwag nyo na guluhin." Bukas na kasi yung exam nya.

"Okay igo-goodluck ko nalang sa tawag mamaya. Kakain kami ni Jess, ikaw ba?" Tanong nya sakin.

"Tinatamad ako bumababa tsaka baka makaabala ako sa date nyo. Dalhan nyo nalang ako." Biro ko sa kanya.

"Same food?" Tumango naman ako at umalis na sya matic alam na nya yun.

Naisipan kong tawagan na si Mrs. Thompson. Nakatatlong ring bago nya ito nasagot.

"Elle my gahd buti naman ay tinawagan mo ako, malapit na ako magtampo sayo." Hmm ang bait nya ngayon ah. Mukhang hindi mataray.

"Nako hindi naman Ma'am nagpapahinga lang po ako. Alam nyo naman." Sabay tawa ko.

"Oo nga pala ilang buwan naba ang tiyan mo?" Tanong nya.

"Six months mag se-seven na po. Healthy namn po kami ni baby." Kwento ko sa kanya.

"Mabuti naman, gusto ko lang sabihin sayo na gustong makipagkita ng anak kong si Lyn group nya kasi iyang 123 pax, kung may time ka? May ididiscuss din daw sya sayo." Ahhh yung anak nya na nabanggit nya sakin before.

"Oh sure po Ma'am kailan po ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Mamaya sana kung pwede ka? 4pm yung free time nya kahit sa figaro nalang sa may KL Building." Malapit lang naman sya kaya okay lang. Uuwi nalang ako sa condo right after.

"Sure Ma'am I'll be there." Binaba nya na yung tawag at sinend sakin yung number ni Lyn sinave ko naman agad ito at napagdesisyunang tapusin muna ang trabaho ko. Mamaya ko nalang sya tatawagan.

Nagtext lang si Dylan na kumain na ako at uminom ng maraming tubig, humingi rin siya ng pasensya dahil busy sya. Nireplyan ko naman na okay lang at bumalik na ako sa trabaho.

"Elle kain na." Si Jerald ang naghatid ng pagkain ko. Swerte ko rin sa mga kapatid ni Dylan dahil maalaga sila.

"Uy thank you. Alis ako mamayang 4 ha? Kikitain ko yung anak ni Mrs. Thompson si Lyn, sya pala may handle nung 123 pax, madami dami din baka may gusto syang tanungin in person." Paalam ko kay Jerald habang nagsimula na kumain.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon