💙 Chapter 1 💙

316 11 0
                                    

Chen Yu Li's POV

"Boy ano gagawin natin jan ngayon?" Nag aalalang tanong ni Liam Jo.

"Edi hayaan lang natin siya mag pahinga jan! Ano paba?" Ani ni Lian Ley habang nakahiga sa Sofa at mukang pagod na pagod.

"Baby, susuka ako" Ani ni Kim at mukang naduduwal na toh. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa kama ko pa siya nakiga.

"Ano daw? Baby? Sino?" Tanong ni Mizuki.

"Kumuha kayo plastic nasusuka daw siya!!!" Natatarantang saad ko!

"Shit shit plastic plastic plastic" Natatarantang ani nila. Iniupo ko naman si Kim at lalo pang naduwal eto.

"Ayun ung basurahan oh mga tanga!" Sigaw ko sakanila. At nag unahan sila kunin iyon at ibinigay sakin.

Idinilat ni Kim ang kaniyang mga mata at nakita ang basurahan, tuluyan na itong sumuka ng sumuka napaluhod pa ito sa sahig halos ipasok niya ang muka niya sa basurahan. Pagkatapos niyang sumuka ng marami, umiyak ito. Nagtinginan naman kaming lahat dahil hindi namin alam ang gagawin.

"Kim ar yu okey?" Tanong ni Liam Jo. Sumuka lang ito ng sumuka, pagkatapos niyang sumuka napatitig ito ng ilang saglit kay Liam Jo, at biglang bumagsak ito sa sahig.

"Uyyyy gago pre ano nangyare" Natatarantang tanong ni Lian Ley.

"Gagi anyare?!! Ampanget mo daw kasi kaya hinimatay ung babae!" Sigaw ni Mizuki kay Liam Jo.

"Lasing lang siya, kailangan niya lang mag pahinga" Ani ko. Binuhat ko na siya ulit at inilagay sa kama. "Kumuha kayo ng Basang bimpo at linisin nyo nayan" Utos ko sakanila. Lumabas naman si Liam Jo para kumuha ng Basang bimpo, at sumunod na rin si Mizuki para itapon ang basura. Habang si Lian Ley naman ay naupo sa tabi ko.

"Ganda niya talaga pre" Ani ni Lian Ley sakin.

"Manahimik ka jan!" Binangga ko ito.

"Pwede bang sa kwarto ko nalang matulog yan?" Tanong nito.

"Gago kaba! Mamimili ka ng taong babastusin mo Pre! Walang ganyan satin" Sigaw ko dito.

"Joke lang! Wag kana magalit!" Binangga ako nito. Bumalik na ung dalawa na may dalang bowl na may tubig at bimpo.

"Lian Ley tanggalin mo nga ung Blazer niya" Utos ko rito.

"Ayoko pre natatakot parin ako, kamuka talaga siya ng mama mo eh!" Ani niya at lumayo ito sakin. "Kaya mo nayan pre! Pakalalaki ka naman"

Sinubukan kong tanggalin ang blazer niya at nanlaki ang mga mata namin ng makita namin ang naglalakihan na pasa niya sa braso niya.

"Gagi bat siya may ganyan?" Tanong ni Lian Ley.

"Sa tingin mo alam namin? Kami pa tatanungin mo." Sumbat ni Li Mizuki. Binunggo ito ni Lian Ley.

"Amina yang bimpo" Binigay sakin ni Mizuki ang bowl at piniga ko ang Bimpo.

Pinunasan ko ang muka nito at onti onting nabubura ang makeup neto, at nakitaan namin siya ng panibagong pasa sa bandang pisnge.

"Gagi pre binugbog ata siya eh" Ani ni Liam Jo.

"Oo pre! Halata naman pati sa cheek bone merong pasa ang laki laki pa." Ani ni Mizuki.

"Pero May boyfriend siya" Saad ko at napatigil ako sa pag punas ng kaniyang muka.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon