23. Sa Pagitan

13 5 2
                                    

Sa pagitan ng pagliwanag at pagdilim
Nakatunghay sa akin ang 'yong mga matang nagniningning
Kumikislap na tila mga bituin sa langit
Nagliliwanag na tila buwang marikit.

Ako'y nanatiling nakatayo, walang imik at naghihintay
Ang pagtibok ng puso'y bumilis, walang humpay
Ramdam ko sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin
Nakadaragdag sa kabang nararamdaman dahil sa'yong mga tingin.

Wala akong maunawaan, asan ba tayo?
Oo nga't nasa dalampasigan, pero bakit dito?
Kasabay ng paghampas ng alon, ay ang unti-unting paglubog ng araw
Unti-unti kang naglalaho, hindi ko matanaw.

Abot kamay naman kita subalit hindi ko napigilan
Kasabay ng pagdilim ay ang pagkawala mo sa aking harapan
Nagsimula tayo pero bakit tila ang lapit ng katapusan kung saan tayo naroon?
Bakit ang "TAYO" ay hindi nakatuloy, nanatili sa pagitan ng "wala" at "meron."

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon