" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FIVE
"So paano iyan hepe? I mean narinig n'yo naman ang paliwanag ng anak ko." Ani Pierce matapos mapakinggan ang testamento ng anak.
"Saka maliwanag namang pinagtangkaan nila ang buhay niya. Baka hindi mo alam na tauhan ng nagtangkang papatay sa kanya sa pagamutan ang suspect din ngayon so self-defense lang din ang ginawa niya." Sabi naman ni Janelle na hindi maiwasang mapataas ang kilay dahil sa nakikitang reaction ng hepe.
"Sa ngayon hindi pa maaring makalabas ng headquarters na ito ang anak ninyo attorney Abrasado at sir Abrasado dahil kahit sabihin nating self-defense lang ang ginawa niya'y.against the law ito---"
Ano daw?
Makukulong ang dalaga nila?
She's a lawyer and she will never tolerate any crime but the situation is far from what had happened!
"Against the law ba kamo hepe? I'm not going to say sorry for this pero alam mo nga ba ang sinasabi mong law? O baka naman nagtatanga-tangahan ka lang hepe?" Taas-kilay niyang pamumutol sa pananalita nito.
"Calm down asawa ko." Pananaway naman ni Pierce sa asawa although alam niyang tama ito.
"Dahan-dahan ka lang sa pananalita mo attorney Abrasado, kung tanga ako'y hindi ko narating ang puwestong ito. Baka ikaw din ang makulong dahil sa pananalita mo." Matiim namang sagot ng hepe kaya naman napaismid ang Ginang.
"Iyan ang problema ng sambayanang Pilipino hepe dahil sa ipinagmamalaki ninyo ang puwesto ninyo. Tsk! Tsk! I'm not afraid of being jailed if I commit a mistake but the issue here is you chief of police not me. Okey fine do your job as a police officer and I'll do my job as a lawyer but let me tell you this chief baka ang ko pa lang ay hindi mo na kaya patunay lamang ang ilang beses ninyong pagdidiin sa kanya pero may napatunayan ba kayo? Wala hindi ba? So good luck sa inyong lahat hepe." Nakakalokong niyang sabi bago bumaling sa asawa.
"Tara na asawa ko. Let our daughter handle this case. Don't worry sisiw lang iyan sa kanya." Sabi pa niya dito bagay na sinang-ayunan ng kanina pa nila pinag-uusapan.
"Yes mother indeed sisiw lang iyan sa akin kaya't umuwi na kay ni daddy at ako na ang bahala dito." Sabad ni RG.
Tuloy!
Nag-isang linya ang paningin ng lahat!
Paano naman kasing hindi mag-iisang linya ang paningin nila eh nasa women's cell ito pero paano nangyaring nasa harapan na nila?
"Oh nagulat kayong lahat? Well this is me susulpot ako kung kailan ko gusto." Sabi pa nito saka hinarap ang mga magulang.
"Mommy, daddy you know me so well and as you said a while ago kayang-kaya ko ito so you may now ease your mind and you can go home too. Ako na po ang bahala dito." Aniya saka muling hinarap ang hepe.
"So it was you afterall chief of police. It's hurt but that's the scariest situation and problem of our country. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa na may gawaing panakot sa mga tao ang posisyon para lang masunod ang utos ng nagbibigay bigat sa bulsa mo. Well it's not surprising but let me tell you this habang ako'y humihinga hindi kayo magtatagumpay sa mga binabalak ninyo at ito ang iparating ninyo kay Director Arturo Natividad huwag siyang magtago sa mga tulad ninyong gamahan sa pera dahil kayang-kaya ko kayong tapatan kung pera lang din ang pag-uusapan. You know me as a lawyer pero hindi ninyo alam kung sino ang binangga ninyo!" Mariin niyang sabi saka nag-martsa palabas ng headquarters.
Inhale!
Exhale!
Eksaktong nasa labas siya ng headquarters nang papaalis ang sasakyan ng mga magulang kaya't hinintay niyang tuluyan silang nakalayo bago nagtungo sa kabilang kanto kung saan naghihintay ang paborito niyang tauhan ng ama. Though, tauhan man ito ng kanyang ama'y head over heels naman kung pagsilbihan siya. Hindi naman niya kagustuhan ang bagay dahil ito ang nagpresentang maging shadow niya but this time nais niya itong pasalamatan dahil sa pagbuluntaryo nito.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Ficção GeralDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions