Nakauwi ako ng maayos sa condo ng umiiyak. Naabutan ko si James na nag aaral sa sofa dahil exam nya na bukas. Nakatitig naman sya sa akin at agad na nilapitan ako, halata sa kanya ang pag aalala.
"Ate Elle anong nangyari sayo? Okay kalang ba? Anong nararamdaman mo?" Hawak hawak nya ang magkabilang braso ko. Niyakap ko sya na ams lalo kong kinaiyak.
"James pasensya na kung magugulo pa itong last day ng exam mo. Gusto kong sabihin sana na sa kwarto ka muna pwede? Para kahit papaano ay hindi ka ma distract. Tsaka ko na ikkwento sayo." Napapayag ko naman sya. Umiiyak akong nag aayos ng gamit sa maleta ko, hindi ko maatim na kasama ko ang taong nanloko sakin.
Maya maya pa ay narinig ko ng pumasok si Dylan, agad syang lumuhod sa harap ko. Umiiyak.
"Love huwag mo naman akong iwan. Love hindi ko kaya." Nagbubtong hininga lang ako.
"Love kausapin mo naman ako, hindi ako sanay sa ganyan mo." Nakaluhod parin sya. Nung nakapaglagay na ako ng enough na damit ay isinars ko na ito at tumayo. Kumuha naman ako ng travel bag para ilagay yung iba kong gamit. Hinabol ako ni Dylan pero ayoko syang kausapin. Sobra yung sakit na nararamdaman ko, para akong trinaydor ng taong mahal na mahal ko.
Natapos na akong mag ayos at akmang lalabas na sa kwarto pero niyakap nya ako. Umiiyak.
"Love please hindi ko kaya."
"Dylan itigil na natin tong kalokohan na to, sobra na kung sa tingin mo ay hindi pa." Hinarap ko sya.
"Pakinggan mo ako, oo nung una naawa ako sayo. Sinabi ko rin na kunin nya yung magiging daddy ng anak nya dahil hindi ko maatim na walang ama ang bata." Tumulo na naman yung luha sa mata ko.
"Edi magsama kayo! Tangina Dylan alam mo kung gaano ako kawasak na wasak non! Kinwento ko sayo lahat, yung takot kong magtiwala ulit dahil masasaktan lang ako pero ibinigay ko sayo yung tiwala ko. Naloko mo ako, napaikot mo ako." Umiiyak na ako, walang tigil yung luha ko.
"Nung nuna natin pagkikita nahulog na ako sayo,m. Believe me or not, hindi ko alam na ikaw yung sinasabi ni Hazel dahil pangalan lang ang sinasabi nya that time. Nagulat nalang ako nung biglang ipakilala ka sakin ni Elle, that time alam ko sa sarili ko mag b-back up ako sa plano namin ni Hazel, na ma fall ka sakin kase totoo na yung nararamdaman ko. Hindi lang ako nagkaron ng time sabihin sayo dahil natatakot akong iwan mo, lalo na ngayon may baby na tayo." Sinampal ko sya. Shit hindi ko akalain na masasaktan ko si Dylan. Bigla syang napayuko, patuloy na umiiyak.
"Pero tinuloy mo parin. Sinimulan mo akong mahalin dahil sa awa. Eh kung naaawa ka lang sakin iyo na ang awa mo hindi ako mabubuhay nyan. Kaya ko naman noon Dylan eh, kaya kong tulungan ang sarili ko mmkahit matagal kaysa ngayon na natulungan mo nga ako pero may kasama palang awa. Congrats sa into ni Hazel, nabuntis mo pa ako. Dobleng sakit pa yung pinaranas mo." Ngumiti ako ng pa sarcastic at nagsimula ng lumabas.
"Elle ako nalang ang aalis, yung baby isipin mo naman." Sabi pa nya.
"So yung baby nalang iniisip mo? Wag ka mag alala kaya kong buhayin to ng wala ka. Please huwag mo akong kaawaan Dylan, mas maawa ka sa sarili mo at nagawa mo ang bagay na yan. Mas sinaktan mo lang ako sa ginawa mo. Huwag na huwg mo akong hahabulin pakiusap lang, baka hindi lang sampal ang gawin ko sayo." Panay ounas ko na sa mata ko, kanina pa ako iyak ng iyak.
"Mahal na mahal ko kayo ni baby, huwag mong gawin sakin to Elle."
Pagmamakaawa nya. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito."Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo Dylan, mahalin mo nalang ang sarili mo pero ngayon? Huwag mo na akong isali pa. Nakakapagod na, papasayahin ka tapos ending lolokohin kalang pala. Tangina nyo!" Nagsimula na akong umalis, nagmakaawa sya sakin lahat ng pagmamakaawa ginawa nya pero hindi ako nagpatinag. Masyadong masakit, hindi ko kaya. Ending ay nakaalis naman ako, natakot siguro sya baka maapektuhan lalo ang baby.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...