CHAPTER 26

54 2 0
                                    

Protect your peace at all costs. Yan yung priority ko ngayon. Oo masakit, oo nami-miss ko pero hindi ako handa. Sa ngayon yung baby ko ang mahalaga. Ito muna ang iintindihin ko. Tahimik sila Mama at Papa simula nung umuwi ako dito. Nagkkwento ako sa kanila at minsan kapag hindi ko kinakaya ay naiiyak ako sa kanila. Yung fact na andito sila sa tabi ko ay okay na ako.

Palagi akong dinadalaw ni Jerald, James, Lors and Jess dito. Puro pagkain sa manila ang dinadala nila sa akin, lumalaki na si baby at malapit na rin sya lumabas. I'm proud of myself dahil kinakaya ko sa tulong  pamilya at kaibigan ko. Si Dylan? Hindi muna ako nakikibalita sa kanya pero nababanggit nila na onti onti ng bumabalik nagtatrabaho pero palagi daw talagang lasing. Huling kita ko sa kanya ay ang pagpunta nya dito sa bahay, araw araw sya nandito pero hindi siya dito natutulog at hindi ko siya nilalabas. Sila Mama at Papa lang ang kausap nya. Sa sobrang awa nila Papa ay nagmakaawa na silang huwag na munang pumunta dito dahil hindi biro ang ginagawa nyang biyahe araw araw. Nakinig naman siya dahil pagkatapos ng dalawang linggo ay wala ng Dylan na naandito sa bahay.

"OMG ang laki na ni Baby" hawak hawak ni Jess at Lors ang tiyan ko. Andito silang apat ngayon.

"Buti ay hindi ka nanaba sa mga dala naming pagkain" biro naman ni Lors.

"Mabilis lang metabolism ko, oa mo." Binuksan ko yung dala nilang pizza at kumain ng isa.

"San mo plano manganak pala Elle?" Tanong ni Jerald. Hanag din ako sa dalawang magkapatid na ito, parang kapatid na ang turing sa akin.

"Sa manila sa OB ko baka lumuwas na kami next month Je." Sagot ko sa kanya.

"Normal ba day ilalabas si Baby or CS?" Tanong nya ulit.

"Normal naman sabi ni Dra. Si Papa kamusta?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa ospital ulit siya Elle, na highblood nanaman na mimiss ata ang Sinigang na Salmon mo." Dinaan nya nalang sa Biro pero alam kong nag iisip isip din sya.

"Malakas naman na sya at uuwi na next week." Dagdag ni James habang kumakain ng pasta.

"Nako sabihin mo at magpalakas, malapit na lumabas ang prinsesa nya." Biro ko pa sa kanila.

"Kung alam mo lang excited na si Mommy at Daddy makita yan. May naisip kana na ba na pangalan?" Napatigil naman ako. Hanggang ngayon ay wala pa pala kaming napiling pangalan.

"Wala pa, pag iisipan ko pa." Sagot ko sa kanila.

"Hindi mo ba tatanungin si Dylan?" Tanong naman ni Lors.

"Huwag muna natin pag usapan siya. Ayoko ng stress ngayon" ngumiti ako pero alam kong mapait yon. Napapansin siguro nila na kapag si Dylan ang usapan ay agad ko itong iniiwasan.

"Uy Elias kamusta? Tara laro ps4?" Halata siguro ni James na ang awkward na kaya iniba nya ang topic. Tumayo sya at naglaro sila ni Elias ng ps4.

Habang maaga pa ay nagkwentuhan lang kami nila Lors at Jess. Si Lors ay na promote na habang si Jess ay inilipat muna sa posistion ko, ayoko kasing may ibang uupo doon kung hindi lang rin si Jess, kilala ko na si Jess at alam kong maayos syang mag trabaho.

"Kayo naba ni Jerald?" Tanong ko kay Jess.

"Gaga hindi pa, hindi yan ang priority namin ngayon basta masaya kami yun muna sa ngayon." Daretso nyang sagot.

"Oh akala ko ba ay kapag tinanong ka nya kung pwede manligaw ay sasagutin mo agad sya?" Basag naman ni Lors. Kanina pa kain ng kain to hindi ata nabubusog.

"Syempre joke lang yun, tsaka mabilis na yon wag muna sa ngayon. Ikaw muna at ang baby isipin natin Elle." Hinawakan nya nanaman ang tiyan ko.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon