Nang biglang sumigaw ito.
"Patayin mo ang sulo mo Zia!"
"Ha? Pero bakit?"
Matalim niya akong tiningnan. "Nakakabulabog ang init at usok ng apoy sa mga paniki!"
"Pero.." Naramdaman ko namang dumarami ang paniking nagliliparan sa taas at sobrang ingay na nila, parang mababasag na ang eardrums ko.
"Gawin mo na!" sigaw nito kaya mabilis kong pinatay ang apoy.
Dali-dali akong hinigit ni Xander. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Magkahawak-kamay kaming nakalabas sa kweba.
My God! Mas kinilabutan ako do'n ah! But thank God nakalabas din kami ng buhay. What an adventure! I never thought that I would experience this kind of thing.
Nakangiti akong tumingin sa kanya. Nakita ko namang ngumiti rin siya sa akin kaya mabilis akong umiwas.
Ang creepy!
"Akala ko katapusan ko na," hinihingal na sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko.
"Masasanay ka rin," mahinang sagot nito.
"Ano?"
"Wala!"
"Ahm.. Xander gusto ko ng umuwi."
"Sige, iuuwi na kita sa bahay."
"Hindi mo naiintindihan Xander. Ang ibig kong sabihin ay gusto ko ng umuwi sa amin. Sa totoong bahay at totoong pamilya ko."
"Masasanay ka rin Zia."
"Anong masasanay? Ayokong tumira rito habang buhay. Tsaka hindi ako rito nababagay!"
"Ganoon ba? Nakakalungkot namang isipin," saad nito.
May gusto ba ito sa akin?
"Ikaw ha! Napaghahalataang may crush ka sa akin but sorry ka na lang, I'm not available." Hahanapin at mamahalin ko muna ang sarili ko.
"Hindi ako naniniwala," sagot nito.
"Wala akong pakialam Xander. Ang gusto ko lang ay makauwi na sa amin!"
"Huwag kang mag-alala iuuwi na kita."
"Talaga? Kahit sa terminal ng bus lang Xander, okay na ako do'n."
"Hindi pwede, ibinilin ka nila sa akin."
"Hindi mo naiintindihan Xander. Gusto ko ng umuwi sa amin. Sa totoong bahay ko. Sa malamang ay hinahanap na ako ng mga totoong magulang ko."
BINABASA MO ANG
Loving the Beast (Completed)
Mystery / ThrillerI am Allana Zia Singson. I got jilted on my wedding day! I was hurt! I was betrayed! I was humiliated! I was devastated! I want to run away! Away from the people. Away from my parents. Away from Clyde and especially away from pain. But what if I d...