CHAPTER 27

54 2 2
                                    

Nasa biyahe kami ni Mama ngayon, ako ang nag d'drive. Walang may alam na papunta na kaming Manila. Hindi sumama si Papa dahil may pasok si Ella at Elias wala silang kasama sa bahay. Maaga kaming napaluwas dahil mahirap na baka sa Nueva ako abutin.

Maraming text at tawag sa akin si Dylan, ni isa doon ay hindi ko sinasagot dahil hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Naging sobra na ata yung galit mo sa kanya. Sa isang araw ay mmnakaka 20text messages sya at mahigit 50missed calls. Ang palagi nya lang tinatanong ay kung kamusta ako at ang baby, kung kumakain ba ako sa oras at iniinom ko yujg mga vitamins, kung kailan daw ako babalik sa bahay at kung kailan ko ba daw sya papatawarin. Kahit isa doon ay hindi ko sinagot. Gusto kong payapanag manganak.

"Ma, wala na po ba tayong nakalimutan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na anak. Sigurado kabang hindi mo ipapaalam kay Dylan ang panganganak mo? Bilang ama nya ay may karapatan sya." Tanong ni Mama.

Isang linggo ko rin ine-valuate ang sarili ko . Kung ano ba dapat ang gawin ko sa sitwasyon na ganito at kung saan ba ako sasaya at ang baby ko.

"Tsaka na ma, may tatlong buwan pa naman po bago ako manganak." Nginitian ko siya. Ultimo pangalan ng baby ay wala pa. Wala akong maisip at hindi ako makapag decide.

"Please anak, mag desisyon kana. Tumatagal tagal na rin. Maawa ka sa sarili at sa baby mo." Alam kong sobra na ang pag aalala sakin nila Mama. Gets ko naman yon pero hindi ko rin alam sa sarili ko bakit hindi ako makapag desisyon ng maayos

"Don't worry Ma, ako na po ang bahala basta sa tabi lang po kita." Hinawakan ko ang kamay nya at tahimik na na nagdrive.

Sa katabing apartment kami ni Jess tumira dahil nabanggit nya na bakante ito at malaki naman at malinis para sa amin ni Mama at sa magiging baby ko. Sobrang excited na ako na kinakabahan.

"Ma magpapahinga lang po ako ha? Gisingin nyo po ako kapag oras na ng hapunan." Napagod kasi ako sa biyahe. Hinayaan ko muna si Mama na mag ayos ng gamit namin at natulog na.

Nung magising ako ay naandito si Jess, may dalang pagkain.

"Baliw ka talaga no? Sana ay nagsabi ka para pinagdrive ka ni Lors. Manganganak kana nag drive ka pa." Sermon sakin ni Jess.

"Ano kaba kaya pa naman at ayoko namang makaabala." Sabi ko sa kanya.

"Nag back out na pala satin sina Mrs. Thompson at dalawang corporate account." Panimula ni Jess.

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ko.

"Bigla nalang nag back out. Hindi ko alam kung bakit, sabi ni Jerald ay okay lang pero malaking pera rin ang mawawala sa company." Big time client namin sila at totoong malaki ang mawawala kapag hindi na sila sa amin kumuha ng service.

"Si Dylan problemado rin, hindi na alam ang gagawin dati namang na kukuha nya lahat ng deal pero ngayon parang wala na siyang gana kaya si James na ang humahawak pansamantala." Kwento pa ni Jess, buti nalang st nandyan si James.

"Kumain kana, huwag kana masyado mag isip dahil mababawi rin natin yon. Tiwala lang." nginitian nya ako pero hindi ko maiwasang hindi mag isip. Anong nangyayari? Bakit nagkakaganito? Kasalanan ko ba?

Nagkwentuhan pa kami ni Jess. Palagi nga daw lasing si Dylan, hindi makausap. Papasok sa trabaho pero uuwi at umiinom sa condo. Hindi naman na daw pinapaalam sa magulang nila dahil baka magalit ito, ginagawan nalang daw ng solusyon ni James at Jerald buti nalang daw at nakakaya ni James kaagad. Sobrang sakit daw sa ulo ni Dylan at hindi na nila alam ang gagawin. Ang dami napalang nangyari pero wala akong kaalam alam.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon