Bad Ass 8: Pocket Wayfie
Kheene
It's exactly 6 pm ng lumabas ako ng University. I find this day very tiring, napakarami nilang ginagawa, napakaraming huling habilin bago umuwi kala mo naman mamamatay na at isa pa, injured pa rin ang braso kong ngayon ay nakabenda na, pag katapos ko kasing gantihan ang lalaking yun ay dumiretso na ako sa infirmary para ipagamot ang braso ko.
Mabilis namang nagamot ang braso ko at pinayuhan muna akong magpahinga muna sa infirmary dahil masyado daw namaga ang braso ko, kaya wala akong choice kung hindi sundin yun dahil wala rin naman akong gagawin ngayon dahil tinatamad ako.
Nagpahinga ako ng isa't kalahating oras doon sa infirmary at bumalik ng class room nung last subject na.
Wala ng dumaraang taxi sa parteng to ng kaya naman ay napagdesisyunan ko nalang maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Lumiko ako sa isang eskinita, may alam kasi akong short cut dito.
Tahimik ang paligid at malamig rin ang simoy ng hangin, mukhang uulan pa ata. Mas binilisan ko ang lakad ko dahil ayaw kong mabasa ng ulan.
Habang tahimik na naglalakad, di kalayuan ay tanaw ko ang limang lalaking mukhang mga sanggano na para bang may inaabangan.
Base sa mukha nila ay mukhang may bubogbugin sila ngayon, napansin ko kasi ang hawak nilang mga baseball bat at at kahoy. Napakunot noo naman ako.
Nalaman na ba nilang nandito ako? But why does i feel na parang hindi ako ang inaabangan nila? Could it be....... Na hindi talaga ako ang pakay nila?
Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi ko namalayang malapit na ako sa kanila.
Mas mabuting hindi na lang ako dito dumaan para sigurado.....
Liliko na sana ako ng may maapakan akong yuping lata ng softdrink, ipinikit ko ang mata ko ng mariin at nag deri deritsong lumakad.
Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin pero hindi ko ito pinansin at naglakad ng nakayuko.
"Hoy!" Sigaw ng kung sino, siyampre hindi ako lumingon, baka hindi kasi ako yung tinatawag masabihan pa ako ng assuming, mahirap na.
"Hoy! Babaeng naglalakad!" Hindi ko muling nilingon ang tawag na iyon at inilibot ang tingin sa paligid.
Sino ba kasi yung tinatawag nila?
"Hoy babaeng taga Ethereal High!" Tawag ng kung sino kaya lumungon ako, ako lang naman kasi yung babaeng naglalakad dito na taga Ethereal High.
Lumapit sa akin yung limang sanggano, habang papalapit ay hindi ata napansin nung isa yung balat ng saging na iniwasan ko kanina.
Muntik na akong matawa ng madulas ito at ngumudngud ang mukha sa semento, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Tinulungan ng dalawng lalaki ang kasama nila at buong lakas na itinayo.
Napatingin naman sa akin ang apat ng masama. Siguro napansin nila na nagpipigil ako ng tawa.
"Hoy!"
"What do you want?" Tanong ko, nagkatinginan naman silang lima at nagturuan kung sino ang sasagot sa akin.
"Aba't speakining dollar pala to? Hoy Dodong ikaw kumausap dito!" Sanggano 1
Luh? Nagsasalitang pera na pala ako ngayon?
"Hey you! Later we finding your campus leader missing!" Mando nung tinawag nilang dodong.
Luh? Ano daw?
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
ActionShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...