Natapos na ang klase namin at iniisip ko parin ang mga sasabihin ko kay bryan. " Hoi Teven okay kalang ba? Kanina kapa wala sa sarili" Nagaalalang tanong ni Jorgina." Naku siguro natauhan sya sa ginawa niya kagahapon" Sabi naman ni Agatha. Tama si Agatha natauhan ako sa ginawa ko kagabi. Yung pagsugod ko kay clare at pag amin ko kay Bryan. Ngayon pano ko ito haharapin?
Kung pwede lang ibalik ang oras at babaguhin ko ang eksena nayun pero hindi na pwedeng ibalik. Kailangan ko na talagang harapin ito. Anong sasabihin ko kay Bry? Ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin pero ako tong sumisira nun. Napakatanga ko kasi. Nagpatalo ako sa nararamdaman ko. Bigla akong Bumalik sa katinuan ng may mambatok sakin. "Aray!" Sigaw ko. Binatukan lang naman ako ng magaling kong kaibigan na si Agatha.
"Kanina kapa dyan nakatigil! Ano bang iniisip mo Ha? Share naman dyan ng di ka natutulala dyan." Sabi niya. Nginisian ko sya at naglakad narin ako."Wala ah! Inaantok lang talaga ako" Sagot ko habang kinukutkut ang mga mata. "Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi at parang hindi ka natulog" Sigaw ni Agatha. "Ano ba kanina kapa sigaw ng sigaw" Sinigawan naman siya ni Jorgina. Si Jorgina ang pinakamatino saming tatlo pangalawa lang ako at si Agatha naman ang pinakamagulo samin. Lasinggera at puro gwapong lalaki ang hanap nitong Si Agatha.
"Huy!! Binatukan nanaman ako ni Agatha. " Tulala ka nanaman, mukhang masama na iyan ha dadalhin kanaba namin sa Hospital?" Natatawa niyang sabi. "Ikaw ha kanina mopa ako binabatukan" Sigaw ko sa kanya. "Okay lang ako, mauuna na ako" Sabi ko habang kumakaway at humiwalay sa kanila. "Wag kang papasok sa trabaho nang lutang, umabsent kanalang" Dinig kong sigaw ni Agatha. Hindi konalang pinansin iyon at tumungo na sa coffee shop.
Medyo wala naman akong masyadong nagawang mali bukod sa itapon ko ang kutsara imbis na ang tissue at tinanong ang costumer kong isa kung kumain naba sya. Nasirmunan nanaman tuloy ako " Ano bang nangyayari sayo Teven? Recently parang wala ka sa sarili, kung may problema ka wag mo dalhin sa trabaho! Baka wala ng pumuntang costumer rito sa pinaggagagawa mo!" Sigaw sakin ni Sir Jayson. "Opo Sir, dina po mauulit" Yumuko bilang pagbigay galang. " Talagang hindi na mauulit, sige na kumilos kana dun." Pagtatapos niya ng sasabihin. Nagrestroom muna ako.
Tiningnan ko ang itsura ko, mukha akong stress na stress. Anlaki pa ng eye bags ko at ang mahaba kong buhok ay diko naayos. Kaya inayos ko ang sarili, nagretouch ako at inayos na ang aking buhok pagkatapos nun ay lumabas na ako. Biglaang dami ng costumer ang bumungad sa shop namin. Marami kasi talagang nadayo dito,pwede kasi silang mag stay dito kahit anong oras basta bumili sila ng coffee, kapag may gagawin silang iba ay pwede nilang gawin dito. Tinawag ako ng isa kong katrabaho. "Teven" Sigaw ni Carla. "Ikaw daw yung gusto nung Costumer nayun na maghatid sa kanya ng isang Black Coffee at Dalgona Coffee" Sabi niya at itinuro ang table ng costumer.
Nagtataka akong tumingin sa table na iyon. Hindi ko makita ang itsura ng Babae dahil nakatalikod ito. Nagsabi nako sa counter ng isang Black coffee at Dalgona Coffee. Naalala ko nanaman yung Dalgona Coffee kagahapon. Papunta nako sa table nung babaeng sinabi kanina ni Carla. "Antagal mo naman" Mataray na sabi ng costumer. Sya nanaman. Sino ba to? Ano pakay nito sa akin at ako pa ata ang trip? " Goodafternoon Mam, ito napo ang order niyo. Sorry po medyo late." Pagpapaumanhin ko. "Maupo ka" Sabi niya. Pinanganak ba tong mataray na talaga ang boses? "Ahm Mam may trabaho pa po akong gagawin" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Alam naman niya siguro iyon.
"Pinaalam na kita sa Manager mo, itre-treat lang kita bilang paghingi ko ng paumanhin sa nangyari kahapon" Sabi niya naman. Umupo nalang ako.
"By the way, I'm Leona" Pagpapakilala niya sabay inabot ang kanyang kamay at binaba ang itim niyang salamin. Inabot ko rin ang kamay at nagpakilala" I'm Teven po" Nagbitaw na kami sa kamayan. " Wag kanang mag po, isang taon lang ang agwat natin" Nagulat ako sa sinabi niya. Kilala bako nito? "Kilala niyo ba ako?" Magalang kong tanong.