"10 million?" he asked shockingly.
Andito kami sa cafeteria, and as usual, people are still staring at Felix. Hindi ko akalaing celebrity pala 'tong kasama ko ngayon.
"Oo at tsaka mag e-eleven million na. Konting push nalang" sagot ko habang nakatingin sa video niya.
The video of him performing on the event went viral when his org leader posted it. Umabot na ito ng sampung milyon at patuloy lang na tumataas ang views tsaka comments. Lahat panay puri sa kanya at ni isang negative comment ay wala akong nakita.
Kaya pala ganun lang kung maka-titig sila kay Felix. Hindi ko naman sila masisisi, his voice was really nice. Maganda na nga boses niya kahit sa video pa lang, paano na kaya pag narinig ko na siya ng personal.
"Hoy, are you okay?" natauhan ako nang mag-salita siya. "Yeah. Of course"
"Nahumaling ka na din ata sa boses ko eh. I saw you played it more than once"
"Ewan ko sayo" he's really so annoying. Kahit alam kong biro-biro niya lang 'yun, di pa rin siya nabigong sunduin 'yung pika ko.
"Hi po" sabay kaming napatingin sa babaeng nakatayo sa aming gilid. Abot tenga ang ngiti nito habang diretsong nakatingin kay Felix. "Pwede po ba magpa-picture?"
Napabuntong-hininga ako at napa-iwas ng tingin.
"Yeah. No problem" sagot naman ni Felix at tumayo.
Sunod siyang tumingin sa akin at nginitian ako. I know what she's trying to say and I know where this is going. Palagi naman akong walang choice kaya't tumayo nalang din ako at kinuha ang phone niyang inabot sakin.
Pumuwesto na ako sa harapan nilang dalawa. "One, two, three, smile" sabi ko at nag-picture.
"Pwede isa pa?" she requested. Diyos ko naman talaga. "Atras ka naman ng konti. Baka kasi ang lapit ng mukha ko diyan"
I stepped back as what she said.
"Atras ka pa"
I stepped back a little more.
"Sige pa"
Stepped back again.
Buti nalang talaga at mahaba ang pasensya ko. Dami ba namang request eh siya na nga lang yung nagfa-favor. Umatras pa ako ng umatras at nagulat ako nang mapatid ko ang mesa saking likuran dahilan para ako'y matumba patalikod. Bago pa man ako bumagsak sa sahig ay naramdaman kong may sumalo sakin.
"Are you okay?" It was Ivan. Ipinatayo niya ako at humarap sa kanya. "Be careful next time"
"Thank you" sabi ko nalang.
Seryoso ang mukha niya. He didn't even smile once. Ngayon lang ulit kami nagkita. Ilang araw din siyang hindi nagpa-paramdam sakin. Last time we talked, nung gusto niya sanang makipag-usap pero hindi ko siya nasamahan. Sana hindi siya nagalit o nag-tampo sakin nung time na 'yon.
"Ivan" I uttered. "Pasensya nga pala nung-" natigilan ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sakin.
"It's fine. Kalimutan nalang natin 'yon" he said.
Hindi ako maka-galaw at maka-pagsalita. We stared for a minute.
"Pare, okay na siya. Pwede kanang umalis" Felix stepped in and brought me to him.
Ivan squinted his eyes and stared at him deeply. He then walked out.
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?"
"I'm fine"
"Sino ba 'yon?"
"Siya yung sinasabi ko sayong si Ivan. Block mate ko"
"Anong meron sa inyo?" he asked as if he's angry or annoyed.
"What the hell are you saying? We're friends"
"Really?"
"Oo nga. Bakit ba?"
"Wala. I just think he saw you as more than friends"
I smirked maliciously. "Just tell me you're jealous"
"And what if I am?" he answered in a very serious tone.
I froze. He casually said it na it's a normal thing for the both of us.
"Excuse me, yung phone ko" sabat ng babae.
"Yeah, right. Here" binalik ko naman ang phone niya at umalis na ito sa harapan namin.
"Let's get back to our table" sabi niya at naunang bumalik.
Bigla siyang naging seryoso. He's not talking to me. Is he really jealous? He's serious about it?
Kakatapos lang ng last class at pasado alas siyete na ng gabi. Lumabas ako ng classroom at pinuntahan sa kabilang room si Felix. I arrived there pero nakapatay na lahat ng ilaw at naka-sarado na ang pintuan. Naisip ko tuloy na baka nagalit siya sakin kanina.
Pero ano naman karapatan niyang magalit? Bahala siya diyan. Bumaba nalang ako ng Main Building at kasalukuyang naglalakad sa campus. Di pa man ako nakakalabas ng university ay may naaninag na ako mula sa malayo.
Habang papalapit ako sa kanya ay doon ko nakita ang babae. Mag-isa lang itong nakatayo at tila may hinihintay.
"Hello. Excuse me" lumapit siya sakin nang makita ako. "You're Miguel, right?"
Nagda-dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba siya. "Ako nga, bakit?"
"I'm sorry for approaching you unexpectedly. I'm Luna, by the way" she introduced. Her voice was calm.
"Can I help you?"
"Hinahanap ko kasi si Felix. You know him, right?"
"Oo pero hindi ko kasi siya kasama ngayon eh. In fact, hinahanap ko nga din siya"
Marahan naman siyang napatango-tango. "I know this might be weird kasi ngayon mo lang ako nakita and ngayon lang tayo nagka-kilala" she paused for a second. I'm waiting for her to continue. "Can we talk?"
I didn't expect that from her. Ayoko naman siyang i-judge without knowing her real intention. Tsaka mukhang mabait naman siguro siya and to the fact na kilala niya si Felix so maybe she's safe.
"Bakit, may problema ba?" I asked calmly.
"Kakapalan ko na talaga ang mukha ko" pangunguna niya. "Gusto ko sanang magpa-tulong sayo"
My brows frowned. "Tungkol saan?"
"Tungkol sana-"
"Miguel" sabay kaming napalingon sa biglang dumating na si Felix.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Let's go home"
"Felix" natigil kaming dalawa nang mag-salita si Luna. "Can I talk to you, please?"
Napalingon naman si Felix sa kanya habang nanatili pa rin siyang naka-hawak sa aking kamay. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Luna"
"Felix, please. I'm doing this for us"
"Luna, could you please stop? I don't want to hear anything from you, okay? Stop bothering me" sagot niya at hinila ako paalis.
I don't know what's going on. Ang bilis ng mga pangyayari na hindi mai-proseso ng utak ko. What was that all about?
To be continued.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomanceMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...