CHAPTER 28

44 3 0
                                    

Ngayon ang libing ni Papa. Tahimik kami buong lamay nya, walang may gustong umimik. Lahat ng kwentuhan namin ay tungkol sa masasayang memories namin kay Papa. Madalas si Jerald at James ang nagku-kwento ng kabataan nila kasama ang kanilang Ama. Masaya ako at nakikita ko silang nakakangiti na.

Matapos mailibing si Papa ay pinakalma muna ni Jerald at James si Mama dahil iyak siya ng iyak. Masakit maiwan ng taong mahal at katuwang mo sa buhay. Lalo na si Mama, ang tagal na nilang mag asawa at ang lalaki na ng mga anak nila. Marami na silang pinagdaanan. Napakalma ko naman na ang sarili ko at tumigil na ako sa pag iyak pero yung sakit ng dibdib ko ay hindi mawala. Kapag iniisip kong wala na si Papa ay ang bigat sa pakiramdam.

"Elle halika na magpahinga na tayo." Yaya ni Mama sa akin. Kabuwanan ko na rin ngayon, anytime ay manganganak na ako pero ang sabi ni Dra ay By end of the month pa.

"Maya maya ma, hintayin po muna natin sila makaalis." Niyakap ko si Mama. Si Dylan ay tahimik lang sa isang tabi at naka shades na itim, pguto na siguro ang mata nya. Hanggang ngayon ay hindi kami nagkikibuan.

"Elle sige na mauna na kayo." Utos sakin ni Jerald. Ayaw pankasi umalis ni Mama. Kaya andon parin ang tatlong magkakapatid.

"Ma mauna na po kami ha? Medyo sumasakit na po kasi ang tiyan ko." Paalam ko sa kanya.

"Oo sige Elle tawagan mo nalang kami kapag may kailangan ka ha?" Tumango naman ako at yakap yakap sya. Nauna na kami, si Dylan tulala parin. Hindi ko alam kong dapat ko ba siyang i approach pero wala akong lakas ng loob.

Si Lors ang nag drive sa amin. Kasama ko si Mama at Jess. Lahat kami ay malungkot sa nangyari.

"Nakakatakot si Dylan, any moment hindi mo alam kung anong gagawin nya. Hindi mo alam kung anong nasa isip nya." Sabi ni Lors.

"Kinamusta ko sya pero tanging sorry lang ang narinig ko sa kanya. Masyado siyang nabigla sa mga nangyari sa kanya." Kwento naman ni Mama. Bigla akong napabuntong hininga.

Nang makarating kami sa apartment ay nagulat ako dahil andon si Hazel sa labas. Nakita kong nag igting ang panga ni Lors.

"Anong ginagawa ng bruhang yan dito?" Susugod na sana sya pero pinigilan ko sya. Wala naman magagawa ang pag sugod nya.

"Lors, hayaan mo na. Kaya ko naman na." Nginitian ko sya. At lumakad kami papalapit sa kanya.

"Magandang hapon po." Bati nya sa Mama ko at yumuko sya.

"Elle, gusto lang kitang makausap. Pwede ba? Kahit saglit lang?" Naalala ko yung sinabi sakin ni mama na Kung gusto kong maging masaya ay simulan ko ito sa pagpapatawad.

"Sure. Saan ba?" Tanong ko sa kanya.

"Sa loob nalang ng bahay nyo para hindi na tayo lumayo." Ramdam ko ang tingin nila Lors at Jess. Nakiusap ako kila Mama na dun muna sila sa apartment ni Jess at kakausapin ko lang si Hazel.

"Sumigaw ka lang kapag sinaktan ka nya ha? Papasok agad kami." Sabi ni Lors

"Isipin mo ang sarili mo at ang baby, manganganak kana." Paalala naman ni Jess

"Oo alam ko yun, kaya ko to. Kinaya ko nga dati hindi ba?" Nginitian ko sila para makampante sila.

Agad naman akong pumasok samin. Nasa sala kami nakatayo lang siya kaya agad ko siyang pinaupo. Galit ako sa totoo lang pero hindi naman pwede kong dalhin ang galit ko habang buhay.

"Ano yon?" Tanong ko sa kanya.

"Elle alam kong napakalaking kasalanan ko sa iyo. I was a bitch to you. Pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon." Panimula nya. Nakatitig lang ako sa kanya at pinakinggan siya.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon