Hays....
Simulan natin sa pagpapakilala, I'm Adison Craven Midler and I lived in Demin. Ang Demin ay lugar ng mga charm as in powers at dahil nga dito ako nakatira so may powers ako and if you're wondering kung ano!?
Malalaman n'yo rin. Soon...By the way, nandito pala ako sa loob ng klasrom. Halos lahat ng mga kaklase ko'y tulog may iba pa nga'ng naglalaway na.
Eww gross!!
Nothing's unusual. Ganitong ganito talaga tuwing si Professor Welard ang nagtuturo.
Sa kabila ng lahat bilib ako kay Nancy, nakaupo siya sa harapan. Kapansin pansin kasi ang pen na lumulutang sa kanyang ibabaw na parang may sinusulat. Alam ko na mang gawa niya yan, sa loob nitong klasrom siya lang ang kayang magpalutang ng mga bagay.Huminto sa pagalaw ang pen at na hulog sa desk niya.
Hi Adison!
Basa ko sa nakasulat.Lumingon siya sa akin at ngumite, nginitian ko na lang din s'ya pabalik.
Nagsiputukan ang mga nakasulat sa hangin.Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong silid. Lahat sila'y tulog except kay Nancy at sa ibang patuloy na nilalabanan ang antok.
Wala naman akong magawa di ko rin bet na matulog mas mabuti pang makinig na lang ako kay Prof.Tama! makikinig na lang ako.
Limang minuto pa lang ang nakalipas mula ng makinig ako kay Professor ay tinatablanan na ako ng antok.
Mukhang mali'ng idea ang naisip ko. Sana 'di na lang ako nakinig.
"Alam nyo ba na ang blah blah blah blah.......
Sana nagpahinga na lang siya at hindi na nagturo ngayon mukha kasing pagud na pagud siya at ang hina pa ng boses niya idagdag pa natin ang eyebags niya na kunti na lang mapagkakamalan na siyang pandang payat.
Napahikab ako.
Makatulog na nga lang din bahala na si Nancy'ng makinig sa kanya.
Ang lakas talaga ng sumpa, sumpa ng boringness na dala ni Professor.
A few moments later.....
Poink! Poink!
Ano ba ang sakit!
inaantok kong turan habang nakasalampak parin sa desk.Poink! Poink!
Aray!!
Ang sakit na ha!! Gusto ko ng magmura. Ang tulis pa naman ng bagay na tumutusok sa pisnge ko.Poink! Poink! Poink!
Ay puta!!! Ano ba!!?
Napabalikwas ako sa aking pagkakasalampak at mabilis na iwinaksi ang kanina pa tumutusok sa pisnge ko.Shit naman oh! ang sakit ng ulo ko.
Binuksan ko ang kaliwa kong mata tapos ang kanan naman. Medyo blurd pa ang paningin ko.
Kinuskus ko ang dalawa kong mata. Sobra akong nagulat ng sumalubong sa akin ang mukha ni Maysine na sobrang lapit at ang creepy pa ng ngite.
"Anong ginagawa mo!?" gulat kong tanong.
"Ano ba ang ginagawa ko?" Parang timang n'yang tanong sa sarili niya.
"Ano ba Maysine, bakit mo sinusundot ang pisnge ko!!?"
"Trip?"
tanong niya sa sarili niya.
-_- Baliw ba talaga ang wierdong ito!? Nakakahigh blood."Ay oo nga pala, nasundot ko ang pisnge mo! Hahahaha!! sowey I fagat." At ayun nga tumawa na siya ng parang timang.
BINABASA MO ANG
Kismet Tragic
FantasyAdison Midler is a witch. He have given a task to study human life for the purpose of bringing back the life of a dead human. Alison Quinsley a zombie itself, she lived with her step-father and later on decided to suicide. When the two of them meet...