Athena's POV
Ano ba naman 'tong pinag gagawa mo Carita ! Inis na sigaw ni Aikina
Narito kami ngayon sa ilalim ng puno nakatambay sa likod ng building namin. Pabilog ang ayos namin. Nakatambak Ang mga papers sa harap namin. 6am nandito na kami para saaming Group works. Inagahan namin ang pasok para matapos. Dahil magkakaibigan naman kami ay kami nalang ang mga nagsama-sama sa iisang grupo Group of Friends Beybe !
Last week pa itong assignment na ito. Pero bukas pa naman kailangan ipasa.
Bawat isang grupo kasi ay binigyan ng tag-iisang title of stories na na-tacle nanamin. Individual ang gagawing pag susummarize at isusulat ang plot ng stories. Then reflection para dun sa topic na ibinigay saamin. Ako ang leader kaya ako ang magco-compile. Ilalagay ito sa folder tapos ay lalagyan ng mga designs. Kumbaga isa to sa mga bibigyan ng grade kapag maayos at maganda ang pagkakagawa at syempre yung ginawa, individual. Nagawa ko naman ang akin bago ako matulog kagabi. Kahit pagod sa paggala ay pinilit ko parin itong gawin. Tinupad kasi ni kuya Eleazar ang pangako nya na igagala kami ni Eliza kapag walang pasok. Ayaw namin ni Eliza na sayangin ang pagkakataon kaya sinamantala nanamin.Inagaw ko kay Aikina ang gawa ni Carita at binasa ito.
Mula sa pagkakakunot ng noo habang nagbabasa ay napunta sa pagsasalubong ang pareho kong kilay
Hindi ko malaman kung matatawa o maiinis ako sa pinag gagawa ni Carita
Kasi...
Hays, Kung hindi lang masama ang pumaslang ng kaibigan ay ginawa ko na
Anak ng engot talaga !
San mo ba nakuha ang mga ideyang ito Carita ? Tanong ko habang nakakunot ang noong nagbabasa't salubong parin ang mga kilay
Oh? May pangalan ka na dito. Pagpapatuloy ko Tutok parin sa binabasa
Sumama ang mukha ko matapos basahin ito. Marahan akong napapikit bago ibaling kay Carita ang paningin
Sigurado ka bang nakinig ka nung na-tacle natin Yan ? Nagbasa ka ba ?Nagulat na lang ako ng hatakin ni Kyan ang papel at basahin din ito Pedro Jose Kasuya.. dinig kong mahinang sambit nya
Bakit nandito pangalan ng tatay mo ? Nagtatakang tanong ni Kyan. Pati nanay at kapatid mo. Buong angkan nyo nilagay mo sa kwento. Ano to Carita? Hinarap nya na ito. Nag imbento ka ng sariling kwento mo? Nakataas ang isang kilay at puno ng pagtatakang ani KyanWhat ? Biglang sigaw ni Trixie tiningnan nya ng nakamaatay na tingin si Carita ! Yari
May balak ka atang palitan ang author na nagsulat nyan e sabad ni Aikina na tatawa-tawa pa
Oo nga, bakit mo dinamay buong angkan mo sa kwento Carita ? Mataray na tanong ni Trixie
Di ka nakinig kay Ma'am Pangoya. Ang sabi, susummarize daw. Isusulat ang plot ng story at magbibigay ng reflection paliwanag ni Calina.
Pakialam nyo ba ? E sa ganyan ang gusto ko. Ang corny ng kwento kaya binago ko '- Nagtataray ding ani Carita
Aba, ulikba ! Sana lang pwede mong idahilan yan kay ma'am pangoya ! Agad na sagot ni Arci
Ikaw talagang, engkanto ka ! Wala ka nang ginawang tama ! Sigaw si Maria
Si ma'am pangoya ay teacher namin sa 21st century. Mabait naman ito kaso may pagka-strict.
Ayusin mo nga 'tong ginawa mo Carita, wag kang pahamak ! Sigaw ko sa kanya
Uy, Athena kalma ka lang '- ani Meikisha nakanguso at parang Bata
YOU ARE READING
Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si Babae
Teen FictionMayabang Walang sinasanto! Papalag kahit sinong makaharap !