Nasabi ko na ang lahat ng nangyari kanina at ang mgaling na Gabriel, pinagtatawanan ako hanggang ngayon.
“Ayoko na nga. Bahala ka jan. Alis na ako. Langkwenta kausap.” Palabas na sana ako ng office niya pero tinawag niya ko.
“Tara, ice cream? Ice cream lang kasi alam kong ayaw mo ng mag coffee ngayon HAHAHAH” Napakabastos ng abnormal na to pero alam kong mahal ako nito kahit di niya pinapakita.
Nakarating na kami sa mall para kumain ng ice cream. Siya na ang pinaorder ko, libre niya naman eh. Ang laki na ng tinipid ko ngayon ah, libre lahat ngayong araw. Ganito sana always hahahaha.
“Isang strawberry flavour para sa taong may beri-beri.” Hay, he’s the best. Alam niya talaga favorite ko pero ano daw sabi niya?
“Gago ka? Anong beri-beri pinagsasabi mo?”
“Yan oh, ang laki na ng pisngi mo Tina” nakapa walanghiya talaga. Ang sakit ng pagkakapisil niya sa pisngi ko.
Habang hinahawakan ko ang pisngi kong kinurot ng abnormal na Gab, nakita kong papasok si Mr. Hernandez at may kasamang babae. Ah, baka yan yung girlfriend niya pero bakit parang di sila sweet? Nag-away kaya? Bat ba ako nangingialam?
“Pst Gab. Nandito yung lalaking bumasted sakin. Nasa kabilang table, wag mong tingnan.” Ang gago, tiningnan ba naman kaagad. Nagtaka ako ng hinawakan niya ang kamay ko at pag tingin ko sa side nila Mr. Hernandez, nakatingin na siya sa table namin.
“Zachary!” isa pang gago, bat tinawag ni Gab? Magkakilala sila?!
“Oy Gabriel! Anong ginagawa mo dito?” Magkaibigan nga sila. Hay shet.
“Pinapagaan ko loob nitong girlfriend ko. Ang sama daw ng araw niya sa site eh. Ikaw? Di ko alam na mahilig ka sa ice cream ah?”
Anong girlfriend pinagsasabi nitong Gab!? Ayokong makita mukha niya! Ang oa ko maka-react, di naman kami mag shota ni Mr. Hernandez pero nasaktan ego ko kanina eh. Nahihiya din ako kasi parang nilandi ko siya kanina!
“Sinamahan ko lang to si Natalie, gusto raw kumain ng ice cream eh. Natalie, si Gabriel, kaibigan ko. Gabriel, si Natalie, GIRLFRIEND ko.” Inemphasize pa talaga ng salitang girlfriend. Pake ko kung girlfriend niya yan? Tss
“Athena, si Zachary, kaibigan ko. Magkakilala naman ata kayo. Nagkita kayo kanina sa site diba?” Tangina talaga nitong Gabriel. Inaasar talaga ang beauty ko.
“Ah oo. Nice meeting you again, Mr. Hernandez.” I told him then kinain ko na ulit ang ice cream ko.
Nag-uusap lang sila Gab at Mr. Hernandez sa table kasi sa kamalas-malasang pagkakataon, sa isang table kami nakaupo. Nakikita ko na tuloy si Mr. Hernandez at ang jowa niya puno ng kolorete sa mukha.
“Comfort room lang muna ako Gab.” Sinabi ko yun sa kanya habang kinukurot ang paa niya kasi baka barahin ako ulit.
“Ah, sige Tina. Ingat.” Ambobo, sa cr lang tas may pa ingat effect pa. Lagot talaga to si Gabriel mamaya.
Paglabas ko sa comfort room, nasa labas si Mr. Hernandez, nakatayo.
“Anong ginagawa mo dito Mr. Hernandez?”
“Hinihintay ka. Bat ka umalis kanina? Boyfriend mo pala si Gabriel?” Nakakainis naman to si Gab eh. Bat niya pa kasi sinabng girlfriend niya ako. AAAAAAAH!
“He’s not my boyfriend. Una na ako, Mr. Hernandez.” Umalis na ako agad pero narinig ko pa siyang sabihin na Zachary na lang daw itawag ko sa kanya. Amp. Pafall.
“Gab, tara na.”
“Oh, anong nangyari sa cr?” Nakakainis ang kanyang mga tingin, may halong pang-aasar. Lagot ka talaga sa akin ngayon.
“Tara na kasi.” Nakasimangot na ako habang nakatingin sa labas.
“Zachary, alis na kami. Nag-aaya na si Athena umuwi eh. Una na kami Natalie.” Pagkasabi nun ni Gab ay umalis na kami.
Hinampas-hampas ko si Gab habang papunta kaming parking. Panay naman ang tawa niya kahit hinahampas ko an siya.
“Ayaw mo pa nun Tina, fair kayo na taken na. Para di masyado halata na nasaktan ka kanina kasi nag walkout ka AHHAHAHA” Ambobo talaga nito eh. Mema lng.
“Hatid mo na ako sa bahay Gab. Pakuha ko na lang sasakyan ko kay manong mamaya. Pero thank you for today Gab. Di ko alam ano gagawin ko pag wala ka.”
Nakatulog na ako sa byahe pagkatapos kong sabhin iyon. Nagising na lang ako pagdating namin sa bahay.
“Bye Tina. Smile ka na. I’m always here for you pero may bayad yung ginawa ko kanina ha? HAHAHHAA”
I hugged Gab then went inside the house na to cook my dinner.
I don’t know what will happen to me tomorrow and the next few days. I hope it will be good.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget? (On-going)
RomanceAthena Claire Garcia is a vulnerable woman. She lost her family early and endured all the things happened to her at an early age. But what if a guy will come to her life and make her feel that she is really not worth it to be happy? Will she forget...